Photobucket


It's official in my perspective, Party Pilipinas SUCKS!

Hindi ko nagustuhan yung program na to. It's a big Failure talaga. walang kwenta yung production numbers. as in wala talaga. ok yung song numbers kasi talagang talented naman yung mga kumakanta. Pero yung dance numbers zero. Completely different from SOP kung san super duper ganda ng mga dance numbers.

Ang problem kasi, yung mga dance numbers parang hindi napractice. Tapos yung mga sumasayaw, parang ang lame nung dance steps. Tapos sila sila lang din yung nagpeperform. Nakakainis. Meron isang beses nilipat ko sa PO5, mas maganda pa yung dance number nung stars nila. Sa naalala ko si Yna Asistio, Lucky Mercado, and Edgar Allan Guzman yun. As you know, Lucky and Edgar were both former Kapuso, ang dancing prowess, the best. Namimiss ko na yung inaantabayanan ko sa SOP nun na Sayaw 1. The premiere dance number by Mark Herras, the late Marky Cielo, Miggy Eugenio, Mart Escudero, Aljur Abrenica, Chynna Ortaleza, LJ Reyes, and Raiza Cenon. Kasama pa nun dati si Jenny Miller eh. Napakanda kasi nung routines nila syempre choreographed by Miggy. Ngayon pinapasayaw nila yung Starstuck V members eh namely Rocco, Enzo, and Sef. Wala naman akong problema dun eh. Eye candy naman silang tatlo. Kaso walang kwenta yung dance steps eh. Tapos mas mukha pang hataw sumayaw si Sef kesa sa Starstruck bets ko na sina Rocco and Enzo. Disappointed nga ako kay Enzo kasi alam ko yun yung talent nya.

Isa pang panget, pinapakanta nila yung mga dancers, tapos pinapasayaw nila yung mga singers. Eh talagang hindi magiging maganda yung result kasi hindi nila safe zone yung pinapaggawa sa kanila. It's ok to train them to do other things pero make sure na they have mastery muna over one talent bago nyo itrain for another. Ayan tuloy, haphazard yung result last Sunday.

Isa pa rin siguro sa reason kung baket recycle of stars ang uso sa party Pilipinas dahil sa different venues nito every week. I mean, syempre yung may mga taping or shooting mahihirapan pumunta sa venue. Wala ngang masyadong guests eh.

Ayoko din yung modeling modeling. Wala kasing sense. So it's summer, kaya kelangan yung mga hot models. Pero sana yung katulad nalang dati na meron silang sizzling dance number at hindi yung mga modeling na wala namang kwennta. Iniintay ko dati dun sa SOP yung hot number ni Ruffa Mae eh. nakakatuwa kasi panoorin yung number na yun.

Namimiss ko na din yung Powerhouse song numbers kung saan they are bringing the house down. SOP was dubbed as Concert party. Kasi talagang concert yung style. Maraming song numbers na talagang nakaka-WOW!! lalo na yung mga great segments! Super sikat nga dun at talagang inaantabayanan yung Back to Back to Back na naging Side by Side by Side kung saan the Music Royalties sing songs one after the other and sing together in one finale song. Minsan pa nga they invite other singers to join them in that number. Naalala ko pa nun meron silang jukebox week. RnB week. etc. Pinakagusto ko when they guested Love Anover.

Ayoko ng PARTY!!! Gusto ko ng CONCERT!!! Ibalik ang dating SOP!!! Ibalik ang Talent!!!!
Photobucket