Photobucket


Ang post na itu ay hindi tungkol sa coming out story ko. Itu ay isang mensahe para sa ex-friend ko na hindi pa din mailabas ang tunay nyang saloobin at kulay patungkol sa kanyang sexual preference dahil sa maraming kadahilanan.

Mahirap talagang aminin sa ibang tao na ikaw ay isang homosexual. Nakakabaliw. Kasi iniisip mo yung mga pangungutya, prejudicial statements, at mga salitang sagad sa buto na maari nilang sabihin sayo. Mas mahirap din aminin sa pamilya mo at sa mga close friends mo na ikaw ay isang homosexual. Maaring itakwil ka ng pamilya mo pati mga kaibigan mo. O kaya naman magiba ang pakikitungo nila sayo. Pwedeng silang mandiri o kaya pagtawanan ka na talaga namang masakit sa damdamin. Ngunit, sa aking palagay, pinakamahirap aminin sa sarili na ikaw ay isang homosexual. Madali siguro kung bata palang ay masimulan mo nang pag-aralan at pakibagayan ang sexual preference na nakamulatan mo. Ngunit mahirap na ito kapag ikaw ay lagpas puberty stage na. Sisimulan mo i-doubt yung mga bagay na ginawa mo noon. At macoconfuse ka kung anu ka ba talaga.

Isama mo pa ang values na nakagisnan mo sa paaralan at simbahan. Although tolerated ang homosexuality sa ating kultura, sa mata pa din ng mga may konserbatibong pananaw, ang pagiging homosexual ay isang masamang bagay at hindi karapat dapat isabuhay ng isang "normal" na tao.

The mere fact na may boyfriend ka proves that your a homosexual. From the prefix homo- meaning same, since same sex kayo ng boyfriend mo, you're a homosexual in the contextual sense of the word. But I believe in the saying that one is not considered a homosexual until he admits it. Pero umaalingasaw ka na. Malansa sobra!

BAKLA! CHE!!

The real essence of ACCEPTANCE is realized when you don't doubt it.

DISCLAIMER: I am not against closetted gays except for this particular CLOSETTA!

Photobucket