Dumating yung train sa Carriedo station. Maraming bumaba kaya konti nalang kami sa loob nung cart. Ako naman sige pa din sa pakikinig, may I lip sync pa! Mamayang konti pa nasa UN Avenue Station na kami. Tumugtog yung From Y to Y na kanta ni Hatsune Miku sa earphones ko. Sabay pasok ng isang matangkad, maputi, at payat na lalaki. Chinito. I like! Umupo sya sa kabilang side, dun mismo sa spot kung saan makaharap kami. Nung una hindi ko sya pinapansin, keber. Basta ako fav song ko yang kantang yan ni Miku. Sumasabay ako sa pagkanta. Nang sumulyap ako sa direction nya ulet. Kinilabutan ako…
Nakapikit sya habang nakalagay sa may bridge ng ilong nya yung fore at middle fingers nang kanang kamay nya. Sabay labas sa station nung train. Dahil nasa side nila yung araw, lumiwanag yung background nya. Naalala ko sya. Yung lalaking minahal ko ng sobra. Naalala ko yung mala-anghel na mukha nya nung lumiwanag. Yung napaka-peaceful at maamo nyang mukha habang nakapikit. Naalala ko si…
Michael…
Napapatitig talaga ako sa kanya. Siguro naramdaman nyang may nakatitig sa kanya, kaya dumilat sya. At nakita nya akong nakatitig sa kanya. Hindi talaga ko magaling sa titigan kaya ako na yung unang umiwa sng tingin. Nakakahiya din kasi sa kanya.
So natapos ang kantang From Y to Y, pumainlalang naman yung isa pang Hatsune Miku song na Saihate. Haru! Saihate is a song about goodbye to a loved one. Hindi ko alam kung chance lang na sya yung nasa isip ko nung mga oras na yun.
Tuloy pa din ang pagbagtas ng train papuntang Baclaran. Nagsing-along nalang ako sa Saihate habang pilit na iniiwasan na isipin pa yung nakita ko kanina. May nagtext saken kaya nilabas ko yung cellphone ko para basahin yung message. Yung Globe Rewards lang pala. Binalik ko nalang yung phone ko sa bag. Napatingin ako muli dun sa lalaking nakaharap ko. Kinilabutan ulet ako…
Since wala syang katabi, nakataas yung hita nya dun sa upuan. Dahilan kaya mukhang syang nakasideview. Nakatingin sya sa labas nung window habang nakatakip ng bibig nya ng kanang kamay nya na yung siko eh nakarest dun sa ledge nung window. Naalala ko ulet si Michael. Meron kasi syang picture na ganun. Hindi nga lang sideview. Alam na alam ko yung picture na yun kasi pinaprint ko pa yun.
Gil Puyat na. Isang station na lang bababa nako. Matatapos na ang wall of memories ko sa katauhan ni Chinitong matangkad, maputi, at payat. Nagsimula nang umandar ulet yung train. I tried to act normal nalang tutal pababa na rin naman ako. Pero yung sunod na ginawa ni Chinito may pinaalala nanaman saken.
Inayos nya yung buhok nya. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, inayos nya yung top back part ng ulo nya. Pinapagpag nya yun at sinusuklay ng daliri nya. May isang instance lang na ginawa yun ni Michael. Yun yung pauwi na kami matapos yung biglaang pagkikita namin. Dyos ko naman tong si Chinito guy, andaming pinapaalala!
Dumating na finally ng Libertad, huminga ako ng malalim bago tumayo. Huling pagkikita nanamin ito ni Chinito guy kaya nagbigay ako ng huling sulyap sa kanya. Nagtama ang aming mga mata at ako’y bumaba na ng train.
Pababa na ako ng station. Napatingin ako dun sa direksyon papuntang Cuneta Astrodome. Naalala ko lang yung ginawa kong yun. Yep. Sabi ko sa sarili ko. It is really time to let him go…
for good…
Hindi ko na alam kung pano pa kita kakausapin. Kaya katulad ng mga ginagawa ko sa mga bagay na hindi ko masasabi pa in person, dito ko nalang sasabihin.
Nakabangon nako.
Tanggap ko na, na hindi na magiging tayo kahit kailan. Tanggap ko na, na naging laruan mo lang ako. Tanggap ko na, mas masaya ka nang wala ako sa buhay mo. Tanggap ko na, na kaya hindi mo nagawang ipakita saken kung sino kong talaga dahil kasangkapan lang ako sa paghihiganti mo. Mission Accomplished kasi naparamdam mo na saken yung mga bagay na ginawa sayo ng kaibigan ko.
I have all the reasons in the world to hate you. And I know part of me really do. Pero dahil Mahal na mahal na mahal pa din kita, nagagawa pa din kitang makita in a different light. Pero kahit na mahal kita, hindi ko na kayang maging magkaibigan tayo. Things will just be more complicated eh. Basta dumaan lang tayo sa buhay ng isa’t isa. Nagpapasamalat ako na dumaan ka. Hanggang dun nalang talaga tayo.
Ni-attach ko tong kantang to nung huling message ko bago ka muling bumalik sa buhay ko. Hindi ko akalain na eto din ang kantang ko sayo para ngayon…
From Y to Y
original by Hatsune Miku
Romaji Lyrics | English Lyrics |
---|---|
senaka o mukete kimi wa aruki dashita kawasu kotoba mo nai mama yureru kokoro no naka kodomo no youni sakenda ikanai de ikanai de nee... senaka o mukete boku wa aruki dashita namida ochiru mae ni ikana kya shiawase sugiru no wa kirai da to itsuwatta tsuyogatte tebanashita risou no mirai torimodosenu negai sukoshi hiroku kanjiru kono semai wanruumu kokoro no sukima o hirogeru youda sukoshi nagaku kanjiru honno ippun ichibyou kimi to sugosetara, to negau koto sae yurusarenai sekai nanoka na tatta hitotsu no uso de sae mo kimi no namida o unde shimau kazoe kirenai hodo no tsumi o kasanete kita sono te ni fureta koto kimi no tonari de sotto ikiyou to shita koto ima o hitotsu hirou tabi kako o hitotsu suteru youna yuugen no kioku to jikan no naka soko ni isuwatta dake no boku no sonzai nado kitto kimi no kioku kara kieru mou nido to modorenai no? koko wa hajimari ka, owari ka hiroi beddo de nemuru yoru wa mada akenai mata hitori de yume wo miru yo kimi no kioku o tadoru yume wo kazoe kirenai hodo no tsumi o kasanete kita sono te ni fureta koto kimi no tonari de sotto ikiyou to shita koto kodoku no itami de tsugutau kara kimi no kioku ni sotto isasete kawaranai kimochi de mata deaetara iine soshite te wo tsunagou sono toki made "mata ne" | You started walking, turning your back on me without exchanged words In my wavered mind, I cried out like a child Don't go, don't go, say... I started walking, turning my back on I have to go before my tears drop Pretending that I dislike myself being too happy, I was bluffing, and let go of my ideal future I can't get back my wish My small one-room which I feel a little roomy It seems to widening a crack of my mind A moment of a minute or a second which I feel a little long I stay with you even for Am I in the world that is not allowed even to wish it? Even one lie I told, it's led to your tears I've ever repeated sin so much that I can't count One is I touched your hand One is I tried to live gently next to you In limited memories and time like what pick one in a today up, and then let one in a past off The existence of me who just stayed there From your memory, it will be erased Can we never turn back again? Is this place the beginning or the end? The night I'm sleeping in a large bed still isn't over I will dream in lonely again The dream that I trace your memory I've ever repeated sin so much that I can't count One is I touched your hand One is I tried to live gently next to you I'll atone by pain of lonely, please you let me stay gently in your memory I wish we meet up again in former mind Then let's be hand in hand Till it's that time, "See you again" |
Paalam na sayo… Sa lalaking pinakamamahal ko…