Isa sa pinakadahilan kung baket kahit papano eh nakamove on ako sa nangyari samin ni Michael eh dahil sa isa kong anak. Let's call him Jeco, which stands for Junakis na Eco. Ekonomista kasi tong anak kong ito. And I think he is one of the few na talagang who really likes his chosen field.
Anyway, factor sya sa pag move on ko kasi dumepende ako sa kanya. Yun bang lahat ng feelings of longing sa puso ko, sa kanya ko binigay. Napili ko sya kasi pareho kami nang nararamdaman. Bawat pagtext nya sken ng nangyayari sa kanila nung gf nya, part of me nasasaktan din kasi I really emphatize sa kanya. Dahil ako mismo, naramdaman ko din yung nararamdaman nya, ganun din kasi ginawa saken ni Michael.
Everyday magkatext kami, kahit na hindi namin napag-uusapan na yung ex-gf nya. Natutuwa nga ako actually pag magkatext kami. This is the 1st time na nagtext saken ang anak ko na walang kailangan saken. Magtetext yan ng
"Nay, papasok na po ako, ingat po kayo". "Nay, nakauwe nako, ingat po kayo sa pagpasok." Sa totoo lang, nakakataba ng puso. Kaya siguro I was more fond of him kesa sa iba kong anak. Nung uwian pa ako mula Manila-Cavite because of work, kahit anung pagod ko sa planta, basta alas singko na ng hapon, excited nako kasi alam ko makakatext ko na si Jeco. Nakakawala ng pagod habang nakaupo ako sa bus at katext ko sya. I was really looking forward yung travel time namin. Sya papunta sa work, ako pauwe, kasi alam ko magkakatext kami. Minsan nga, kung anu nalang mapag-usapan.
Siguro nasanay lang ako na katext ko sya lagi, kaya pag hindi sya nagtetext nalulungkot talaga ako. Hindi ko akalain na magiging ganun sya kaimportante saken. Siguro masyado lang akong naging attached sa kanya. May isang beses nga eh, out of the blue, inisip ko pano kung mawala na si Jeco bigla. The mere thought of it broke my heart. May pumiga sa puso ko dahilan kaya lumuha ako. Grabeh sa bus ako nag-eemote nun ah. Dahil hindi ko akalain na ganun na sya katimbang sa puso ko.
At ngayon, nagpaalam sya. Gusto nya muna daw mapag-isa. Naiintindihan ko naman sya sa gusto nya. Kaya lang, parang feeling ko mawawala na din sya. Feeling ko sa araw na lilipas na mawawala sya, mangungulila ako sa kanya. Nakasanayan ko na kasing andyan sya. At sa mga araw na wala sya, wala akong choice kundi turuan ulet yung sarili ko na wala akong masasandalan. Wala akong aasahan.
Sana pag okay na sya, at sasabihin nyang,
Nay, okay na po ako!, sana masabi ko sa kanya na namiss ko sya. Sana magawa ko pa din syang ibalik sa special place nya sa puso ko. Sana pag bumalik na sya, I still care for him. Dahil ngayon palang sinisimulan ko nang mabuhay ulet ng wala sya. Sana hindi umabot sa time na wala na rin akong pakialam na bumalik sya.
Mahalaga sya talaga saken. This is the 1st time na umiyak ako dahil sa attachment ko sa isa sa mga anak ko. Pero wala na akong magagawa kasi yun ang kagustuhan nya. Sana nga makamove on na sya. Because I know he deserves to be happy.