Nagising ako sa isang panaginip. Mabigat yung nararamdaman ko. Hindi ko akalain na mapapanaginipan ko sya ulet...

Bumaba ng jeep ang lalaking iyon. Blue polo shirt ang kanyang damit. May hawak syang plastic na may lamang box. Nakatingin lang sya. Nakangiti sya animo'y isang anghel. Ilang sandali pa naglakad na sya patungo sa aking direksyon.

Nakangiti ako nung binati ko sya. Pareho kaming nakangiti sa isa't isa. Nakatitig ako sa mala-anghel nyang mukha. Sabay kaming pumasok dun sa bahay sa panaginip. Pinaupo ko sya sa harap ng dining table. Inofferan ko sya ng kape at um-oo naman sya.

Matapos kong magtimpla ng kape, umupo ako sa upuan sa harap nya. Muli kaming nagkatitigan, nararamdamn ko ang pag lambot puso ko habang nakatingin sa anghel na iyon. Matagal kami sa ganung ayos. Walang imik. Animo'y nag-uusap sa tingin.

"Mahal naman kita eh, kinailangan ko lang mag-isip...", basag nya sa katahimikan. Sa puntong iyon, naramdaman kong tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung sa isip ko lang yun o talagang nangyari sya. Pero nawalang namutawi sa bibig ko kundi... "Tama na.. Tama na... Tama na.."

Nagising ako na punong puno ng emosyon ang puso at punong puno ng kanyang alaala ang isipan...



Birthday mo ngayon. Wala akong masabi kundi happy birthday sayo. Alam ko nagpromise ako sayo na magluluto ako ng creme puffs sa birthday mo. Hindi ko na yun magagawa dahil busy na ako sa pagiging ako.

Nagpapasalamat ako sayo, dahil ikaw yung naging daan para mabuksan yung isip ng kaibigan ko sa tunay na pagkatao nya. Pero hanggang dun nalang, dahil kahit na ikaw pa yung naging instrumento sa positibong bagay na yun, mas marami ka pa ring negatibong naidulot sa aming dalawa. Kaya...

Happy Birthday nalang!

-Whilhelmina Dyosa

Photobucket