May story project kasi kami ng mga kaibigan ko. Tinawag namin itong Forlorn. Medyo mahilig kami sa mga sad story kasi eh. Samin kasi ang magandang love story laging may pain at deep struggling at conflict. Kaya karapat dapat lang na Forlorn ang gawing pamagat sa story na yun. Actually, meron kaming draft na isang story na ang main author ay ang aming leader na si Manong. Story yun about a fictional world ruled by royal families na ang story flow ay ang typical, "I'll take over the kingdom, then the world" plot.
Ngayon, sinusubukan namin isyndicate yung story by having other paths with the story and its world. Like inclusion ng mga fantasy stuff like magic and such. Yung character kasi na based sa akin, si Wilter von Phar (I use this also as my pen name), is a magician kaya gusto ko din may magic talaga.
Dahil nga hindi ako makatulog, nag-isip nalang ako ng mga pwedeng gawin story elements dun sa Forlorn. Nainspire ako dun sa Esper system ng Final Fanatsy XIII. Yung bawat isang character meron parang partner na summon. Sa version ko ng Forlorn, bawat main Character meron din special guardian Spirit. Well wala pa akong jargon term sa kanila kaya for now I call them Spirits. So far, meron nakong concrete Spirits for the Characters Feiril, Cyrone, Aegiore, Wilter, and a villain.
Tapos, after so much thinking at hindi pa din ako nakatulog, napagdesisyunan kong panuorin yung Yakuza Arc nung Black Lagoon. Sira kasi yung file nung una ko kasi syang pinanuod kaya hindi ko napanuod yung exciting part. At dahil sa pinanuod ko ulet yun, nainspire ulet ako sa isang topic.
Nainspire akong isulat ang isang alternate Philippines. More specifically, an alternate Tondo. What if, hindi nawala ang mga gangsters sa Manila after the great Mga Siga ng Tondo passed on? What if, they were succeeded by their own corresponding heirs? Ano kaya ang Tondo ngayon? Sinusubukan ko syang hindi gawin Black Lagoon-ish. Pero may factor yung animé na yun kaya may certain tribute ako sa kanila.
May isang character ulet na inspired sa akin. Isang Chemical Engineer na ang kinabubuhay ay paggawa ng drugs and explosives. Gusto ko kasi ipakita yung dark side of misuse of technology. Ang mindset ko kasi, technology is neutral. It depends on the people using the technology if it will be beneficial or sacrificial. Ayun.
Unfortunately, nasira yung ilang keys ng keyboard ko kaya hindi ko sila masimulan! Siguro its high time na bumili nako ng wireless keyboard. haaay!
0 comments:
Post a Comment