Nakatingin ka sakin. Nakangiti. Ang mukha mong mala-anghel ay may tuumutubo nang balbas. Infairness, bagay!
Nakasuot ka ng puti. Bagay na bagay sa kutis mong maputi rin.
Gwapo ka pa rin. Inaamin ko naman na yang mukhang yan ang unang bumihag saken. Yung mukhang inosente. Yung mukhang anghel. Yung mukhang nagpapatalon sa puso ko...
...noon
Nagising ako sa tunog ng alarm. Dumilat na ako pero nanatili pa ding nakahiga. Iniisip ko kung bakit ikaw yung napaginipan ko. Hindi naman kita iniisip. Marami akong trabaho at binabasa. Walang panahon para isipin kita.
Mahal pa ba kita? Yun nalang ang naiisip kong dahilan. Para saken imposible yun. Kasi nung nagdesisyon akong kalimutan na ang pagmamahal ko sayo, binigay ko na ito sa iba...
Naalala ko pa nung umiiyak ako sa taas ng burol habang umuuulan. Damang dama ko ang lamig habang umiiyak ako. Pero yun lang ang naisip kong paraan para hindi na masaktan at hindi na din ako makagulo sayo. Win-win diba?
Binigay ko na sa iba ang pagmamahal na dapat para sayo. Binigay ko lahat. Kaya sigurado ako, hindi kita mahal katulad ng pagmamahal ko sayo dati.
Pero hindi pa rin nasasagot ang tanong ko... Bakit ba kita napanaginipan?
Nakikita ko naman yung picture mo minsan, pero wala na ung lundag ng puso na nararamdaman ko dati. Wala yung pagnanais na makita ka talaga at makasama araw araw. Kaya ang laking misteryo kung bakit kita napanaginipan. Dahil wala naman akong nararamdaman sa twing nahahagip ng mga mata ko ang larawan mo.
Hindi na kita mahal. Pero bakit napanaginipan pa rin kita?
0 comments:
Post a Comment