Deja vu in Batangas

Sabi ko na nga ba! I’ve been to Lemery before! Sabi ko na nung pumunta ako dun nung escapade to Batangas with Papa Jarry eh pamilyar saken yung simbahan na pinuntahan namin.
Bumaba kami sa van na minamaneho ni Jarry. Sa harap namin yung entrance ng simbahan. Tingin sa kanan, isang gate parang entrance ata ng isang school; Tingin sa kaliwa, kung san kami nanggaling; Lingon sa likod, stairway, makikit amo din yung mga bahay in a very organized manner kasi makikita mo yung mga daanan. At may one thing that popped in my mind: déjà vu!!! Nakita ko na to dati. Nakapunta nako dito dati….
Nakapunta nako sa Our Lady of Caysasay Church nung 4th year high school ako. Hindi ko alam kung bakit ganun yung itinerary ng field trip namin. Ang ekek. Pag ikaw ay from the city, you go to the provinces, pag ikaw naman ay from the provinces, you go to the city. Pero hindi ko alam kung sino ang may pakulo ng pagpunta namin sa Our Lady of Caysasay church. Sa naalala ko, marami rami din kaming pinuntahan nun. If I remember correctly, we went visiting old churches. Alam nyo na Catholic school.. Pero hindi ko sure kung pano napasok yung pagpunta namin sa Gardenia Manufacturing plant. Pero I’ll leave that for another post.
Pumasok kami sa simbahan. Sa pagkakatanda ko, it was a Sunday, that’s why we went there. To pray. Unfortunately, masyado kaming maaga kasi walang misa. Hindi ko sure kung ganun nga since I’m from the city, I was pretty sure na may mass dapat nun. Pero I’m in Batangas, I’m not sure how this go about dahil hindi ko naman teritoryo yun.
Pumasok kami sa simbahan. Maluwag. Parang yung normal scene lang sa simbahan ng Tondo. Ang pagkakaiba lang, yung altar nila light blue yung kulay, yung amin Gold. At may isa pah. May parang pamilyar na stand. Hindi ko alam kung para sanyun. Hindi ko din alam kung anung tawag dun. Parang elevated box na may design. Pwede atang pumasok sa loob pero hindi ko na ginawa. Pero pamilyar talaga eh…



Photobucket

Songs featuring GG stars!


I will be
by Leona Lewis

Bongga!! kahit ako magpapahuli sa pulis kung kasing hot naman ni Chace Crawford yung ililigtas ko noh!



Somebody to Love
Leighton Meester featuring Robin Thicke


Ang sexy! I sooooooooooo love the video!
Photobucket

Whil and Wonder Boy Part 1

Bonggang bongga ang pagbabasa ko ng Letters to MGG. As in tuloy tuloy lang ang pagbabasa ng letters at mga comments ng sangkabaklaan sa mga letter senders ni Manila Gay Guy. Hanggang sa umabot ako sa part tungkol kay Jek. Ito yung under the caption Jek and his Wonder Boy.

Ewan ko ba, parang nakarelate kasi ako sa mga naramdaman ni Jek. Although maraming differences yung nangyari saming dalawa, masasabi ko pa ring parehong pareho ang naramdaman namin. So maganda siguro kung basahin nyo muna yung story nya, bago nyo basahin yung akin.



Disclaimer: marami rami din akong sasabihin sa post na ito na sa mga close friends ko lang sinabi. Yung iba siguro masashock, yung iba, macoconfirm yung suspicion. Gusto ko lang sabihin itong mga ito, dahil para saken, all is in the past.



Kung kilala mo ko in person, sigurado ako kilala mo tong lalaking ikwekwento ko ngayon. Let it be put on record that I never had any feelings for this boy (I'm calling him boy kasi pareho kaming 17 yrs old nung nagkakilala kami). Siguro dahil bunso ako, naghanap ako ng taong pagtutuusan extra time love and care ko. Not in a cupid kind of love yung parang older sisterly love.

Kilala mo na sya sure yun. Yes, sya si Albert.

Nagkakilala kami ni Albert kasi classmate ko sya nung college. Of course, mapapansin mo din naman sya agad kasi ilan lang din naman sa classroom namin yung maputi at yung mga itsura. Inaamin ko, may interest talaga ako sa kanya nun. May itsura naman kasi talaga sya. Kaya nagdecide akong gusto ko syang makilala.

Hindi ko na maalala kung pano ko nakuha yung number nya. Pero naging close talaga kami nung magkatext kami. At nageenjoy talaga akong katext sya. Kaso we were always cut short kasi he's saving his cellphone load for his family or for his friends from Bataan in the city. Kaya nung time na yun since we only have half day of classes (7am-12nn), I always buy extra cellphone load para ishare ko sa kanya yung iba para lang tumagal yung pag tetext namin. I'm not ashamed of saying this dahil enjoy kasi talaga akong katext sya. By the way, yung time na yun wala pang text unli's at kung anik anik pang text promos. Tska infancy pa nun ng Sun carrier kaya wala pa talagang nabubulak sa unli call and text nila nun.

Gabi gabi yun magkatext kami. Tas unti unti ko syang nakilala. Madami syang kwento, about him, about his family, about his classmates from Bataan in the metro. Pero haggang ganun lang kami. Actually sa school hindi naman kami nag-uusap. Laging sa text lang. Tapos sa hindi inaasahang pagkakataon (naks!), dumating ang birthday ko...



Photobucket