Bumaba kami sa van na minamaneho ni Jarry. Sa harap namin yung entrance ng simbahan. Tingin sa kanan, isang gate parang entrance ata ng isang school; Tingin sa kaliwa, kung san kami nanggaling; Lingon sa likod, stairway, makikit amo din yung mga bahay in a very organized manner kasi makikita mo yung mga daanan. At may one thing that popped in my mind: déjà vu!!! Nakita ko na to dati. Nakapunta nako dito dati….
Nakapunta nako sa Our Lady of Caysasay Church nung 4th year high school ako. Hindi ko alam kung bakit ganun yung itinerary ng field trip namin. Ang ekek. Pag ikaw ay from the city, you go to the provinces, pag ikaw naman ay from the provinces, you go to the city. Pero hindi ko alam kung sino ang may pakulo ng pagpunta namin sa Our Lady of Caysasay church. Sa naalala ko, marami rami din kaming pinuntahan nun. If I remember correctly, we went visiting old churches. Alam nyo na Catholic school.. Pero hindi ko sure kung pano napasok yung pagpunta namin sa Gardenia Manufacturing plant. Pero I’ll leave that for another post.
Pumasok kami sa simbahan. Sa pagkakatanda ko, it was a Sunday, that’s why we went there. To pray. Unfortunately, masyado kaming maaga kasi walang misa. Hindi ko sure kung ganun nga since I’m from the city, I was pretty sure na may mass dapat nun. Pero I’m in Batangas, I’m not sure how this go about dahil hindi ko naman teritoryo yun.
Pumasok kami sa simbahan. Maluwag. Parang yung normal scene lang sa simbahan ng Tondo. Ang pagkakaiba lang, yung altar nila light blue yung kulay, yung amin Gold. At may isa pah. May parang pamilyar na stand. Hindi ko alam kung para sanyun. Hindi ko din alam kung anung tawag dun. Parang elevated box na may design. Pwede atang pumasok sa loob pero hindi ko na ginawa. Pero pamilyar talaga eh…
0 comments:
Post a Comment