Bonggang bongga ang pagbabasa ko ng Letters to MGG. As in tuloy tuloy lang ang pagbabasa ng letters at mga comments ng sangkabaklaan sa mga letter senders ni Manila Gay Guy. Hanggang sa umabot ako sa part tungkol kay Jek. Ito yung under the caption Jek and his Wonder Boy.

Ewan ko ba, parang nakarelate kasi ako sa mga naramdaman ni Jek. Although maraming differences yung nangyari saming dalawa, masasabi ko pa ring parehong pareho ang naramdaman namin. So maganda siguro kung basahin nyo muna yung story nya, bago nyo basahin yung akin.



Disclaimer: marami rami din akong sasabihin sa post na ito na sa mga close friends ko lang sinabi. Yung iba siguro masashock, yung iba, macoconfirm yung suspicion. Gusto ko lang sabihin itong mga ito, dahil para saken, all is in the past.



Kung kilala mo ko in person, sigurado ako kilala mo tong lalaking ikwekwento ko ngayon. Let it be put on record that I never had any feelings for this boy (I'm calling him boy kasi pareho kaming 17 yrs old nung nagkakilala kami). Siguro dahil bunso ako, naghanap ako ng taong pagtutuusan extra time love and care ko. Not in a cupid kind of love yung parang older sisterly love.

Kilala mo na sya sure yun. Yes, sya si Albert.

Nagkakilala kami ni Albert kasi classmate ko sya nung college. Of course, mapapansin mo din naman sya agad kasi ilan lang din naman sa classroom namin yung maputi at yung mga itsura. Inaamin ko, may interest talaga ako sa kanya nun. May itsura naman kasi talaga sya. Kaya nagdecide akong gusto ko syang makilala.

Hindi ko na maalala kung pano ko nakuha yung number nya. Pero naging close talaga kami nung magkatext kami. At nageenjoy talaga akong katext sya. Kaso we were always cut short kasi he's saving his cellphone load for his family or for his friends from Bataan in the city. Kaya nung time na yun since we only have half day of classes (7am-12nn), I always buy extra cellphone load para ishare ko sa kanya yung iba para lang tumagal yung pag tetext namin. I'm not ashamed of saying this dahil enjoy kasi talaga akong katext sya. By the way, yung time na yun wala pang text unli's at kung anik anik pang text promos. Tska infancy pa nun ng Sun carrier kaya wala pa talagang nabubulak sa unli call and text nila nun.

Gabi gabi yun magkatext kami. Tas unti unti ko syang nakilala. Madami syang kwento, about him, about his family, about his classmates from Bataan in the metro. Pero haggang ganun lang kami. Actually sa school hindi naman kami nag-uusap. Laging sa text lang. Tapos sa hindi inaasahang pagkakataon (naks!), dumating ang birthday ko...



Photobucket