Lahat ng mga sumusunod na ilalahad ko ay nangyari nang isang araw lang.

Alberchie. Isa sa mga thesismates ko. Medyo naloloka na ako kasi laging ako lang nag pumupunta sa Adviser namin. Usapan talaga namin ni Albert na imi-meet si Ma’am Bayquen ng 10 am kahapon. Tinext ko syempre ang dalawang thesismates ko nung dumating ang oras na yun. Ang negreply lang si Monil, hindi daw sya ininform ni Albert about dun. So nauwi din na ako lang ang pumunta sa Thomas Aquinas Research Complex para kausapin ang Adviser naming. Nung pumunta ako sa classroom ng 4ChE-A kahapon, walang prof. Ang talagang sadya ko dun ay si Lady Seo, eh biglang lumapit saken si Albert. Nagsosorry, kesyo hindi daw sya nagising, kasalanan daw nya chuva chuva. Habang nagsasalita sya ng words of repentance, hawak hawak nya ako sa wrists. Syempre palag palag ever ako. Hanggang sa hilahin nya ako palabas ng classroom, pumapalag pa rin ako. Pero something inside me told me to stop resisting. Hinayaan kong hilahin nya ako. Nag –stop kami sa labas para pag-usapan yung thesis namin. Ewan ko ba, hindi ko naman masasabing kinilig ako, pero that was the first time na si Albert ang nag-initiate ng physical contact sakin. Dati, naalala ko, lagi syang lumalayo pag I’m trying to have physical contact with him. Kahit nga hilahin ko lang sya lagi syang bumibitiw. Pero nung hindi pa kami close nung 1st year kami, pumapayag namn sya nun. Basta, parang nakakapanibago lang.

Monil. Napansin ko lang, matapos yung lipat to A isyu namin, hindi na kami nag-uusap ni Monil. Naiilang sya? Eh naiyak ko nay un wala na sakin yun. Well, nagtext din naman sya before saying “sana maintindihan mo” lines. Kanina, sumali sya sa discussion ng thesis with Albert and I. Binigay ko na sa kanila yung photocopy ng mga journals na binigay ng Adviser namin. Nakakakilig pa din talaga si Monil. Hihi!!!

Sir Raniel. Grabeh miz na miz ko na to. Kanina todo kulit sakin to eh. Kung ano ano ginagawa sa braso ko. Well anyway, masasabi kong sya ang pinakamahal ko sa lahat ng college friends ko. Close kasi talaga kami neto. Miz na miz ko na sya. Sya kasi yung lagi kong kakulitan sa classroom. AT ngayong nalipat nako sa 4ChE-B, haaay wala na. Piff… Si Sir Raniel hindi na iilang sakin. Sya lang sa mga college friends ko ang nayayakap ko sa braso. Ewan ko, iba kasi sakin pag ganun yung closeness ko sa friend ko. Special sya sakin at ganun din ako sa kanya. Next time nga makapagbake ng favorite nyang cookies. Krinkles tska Chocochip-thumb cookies. Hihihi!!!

Jar-Jar Nagtext ako kay Jar-jar kung anong time ang duty nya bukas. At nagreply sya na 8am, 24 hrs bks. It’s either wala daw syang pasok or whole day sya pag week end. Or overnight nung Friday. Sa huli tinanong nya kung baket ko natanong. Actually, wala akong dahilan kung bakit ko tinanong yun. Hindi ko kasi sya nakita kanina. And it seems hindi ko din sya makikita bukas. Nag-isp nga ako kung anong reason ang sasabihin ko sa kanya.Natatawa nga ako nung iniisp kong itext sa kanya na “Wala lang namiss lang kita…” But nagdecide akong wag yun. In the end, “wala nmn… =D” ang nasagot ko sa kanya. Hihi!!!


Napakanta tuloy ako ng 12 gays of Xmas ng sumalangit na (ata) si Wanda Ilusyona da.

Start sa por!

At nung port gay nung xmas ginib-lab sa lola mo…
KYOPAT NA BAGETZ!!!
Toknene
Dalawang lip gloss
At jisang island boy na gwapo!

AY naku! Nakalimutan ko isuggest yan sa Pakwela-wela video namin! Oh well, better luck next time, at sana sa next time na yun eh Joey, Alanis, Whilhelmina power ulet! Wahahhahaa!