Photobucket

Haaaay, grabeh ang last week ko! Super duper tinatamad ako! Napakaunproductive ko! Parang wala akong nagawang maganda para sa sarili ko at sa mga work ko. Ni-try ko gawin yung website ng CSC, wala tinamad ako. Nagdownload ako ng game sa computer ni Jarry, pero tinamad din akong laruin. Basta parang wala lang akong gana. Hindi din ako nakakatulong masyado sa office. Super idle talaga ako. Buti nalang at nagbrowse browse ako ng mga pages ng mga members a Rainbow Bloggers Philippines. Nakakita ako ng pwedeng gawin. So nung nakita ko yung most ni Migs, the Manila gay guy, tungkol dun sa indie film na Kurap, umalis ako ng office at fly kagad sa Robinson's Ermita.

I'm glad I did that, promise! parang narelieve ang stress ko. Nawala lahat as in. Kya pagkapasok ko kinabukasan, parang ang saya saya ko at super saya kong nagturo sa TP4 after ng Engineering Economy class namin. Siguro nga kelangan ko na ng bakasyon. Hindi pa ako nagbabakasyon ng todo todo eh. Except in some cases na nag-out-of-town ako, i.e. sa house nila Donky sa Pampanga, kina Jarry sa Batangas, hindi pa talaga kao umaalis ng Manila.

Siguro nga sabi nga ni Kuya Cachi: "Chillax lang..." ako. Marami akong masyadong ginagawa para mastressed ng ganto!