Inayos ko na yung mga libro ko. Nilagay ko lang sila na pila pila at ginawa kong bookend yung mug na may stuff toy na gift sken ni Rudz nung exchange gift namin nung 2nd year college. Nakalagay sila sa isang glass table beside my bed. Nilagay ko din dun yung picture ni Jules na dating PRO ng CSC na pinamana saken ni Joko. At syempre yung picture ng bunso kong anak na si Tope. With that, isang box na babalutan ko ng bonggang bonggang wallpaper yung nasa other end ng book line ko. At dun nakalagay yung mga folders with all my paper works.
Tinanggal ko na din yung mga posters ng Fushigi Yuugi at A1 sa isang wall ko. Pati na din yung mga outdated calendar na pinagpatong patong ko sa pagkakasabit. Grabeh, 2003 pa yung pinakaluma dun. That was like High School! Tapos natatandaan ko pa na yung Fushigi and A1 poster, Grade six pako nung nilagay ko yun dun! Grabeh! 8-9 years ago na yun ah! Hindi na nga sila puti eh. Mayellow yellow na yung edges nun.
As I delve deeper into events that had happened in my life, this change in my room is very symbolic. Iconic to some extent. I made a life changing decision, and I'm happy with the outcome. I have no regrets and I remain strong to the decision that I made. Nakatayo nako ulet. At masayang masaya din.
Mga anak! Pictures nyo ah! papaframe ko at ilalagay ko dun sa free wall ko! hihi!
0 comments:
Post a Comment