Naloka talaga ako nung nagmarshall law na si Sir dahil walang gustong magrecite. Siguro dahil na rin wala kaming mga ginawang assignment. Medyo may tanong tanong pa kung sino yung may books ekek.
Meron siyang tanong about dun sa isa sa mga items na binigay nya. Ano daw yung mali sa data in relation to that of the Balanced Chemical Equation.
After ko medyo makilatis yung nipo-point out ni Sir, may napansin nga akong mali pero hindi ako sure. Huminga ako ng malalim. Nishare ko din sa seatmate kong si Leah yung naisip ko. Hindi rin sya sure. Huminga ako ng malalim 3x. Nag-iipon ng lakas ng loob. Itataas ko na sana yung kamay ko nang tawagin ni Sir si Pau.
Nanlumo ako. Normally kasi pag tinatawag si Pau tama yung sagot na binibigay nya. Pero nung sinabi ni Sir na hindi daw yun yung sagot na hinahanap nya, automatic na tumaas yung kamay ko. Nang tinawag nya ko, may kaba kaba factor pa akong tumayo, at eto ang sinabi ko:
Yung relationship po nung product sa reactants is twice. The ending concentration of the product should be twice that of the initial concentration of the reactants.
Syempre may konting stater yun dahil kinakabahan nga ako. Nagsmile nalang ako nung sinabi ni Sir na "He's correct..." at umupo. Sabay cheer ng ilang classmates.
Pabayaan nyo nga ako. Minsan lang naman ako magbuhat ng sarili kong bangko ano! Hindi naman ako medyo "academically on top" kaya pag nakakasagot ako ng ganun gusto kong ipagmayabang! Bwahahahha! Regards kay Ma'am Berna na sigurado akong hindi ko to masasagot kung hindi nya sinasabing, "mag-isip mabuti".
0 comments:
Post a Comment