Photobucket


I watched the Cinema One Indie film, "Paano ko sasabihin", and I must say that I really enjoyed it!

OK OK... Hindi ganun kalalim yung story nya. Actually, napaka-light. Hindi highlighted and personal conflicts ng bawat characters. Hindi kasi masyadong big issue yung mga inner conflicts nila kaya parang hindi masyadong mahalaga. Nakakatuwa pa nga na may mga side story yung movie like yung buhay nung kapatid ni Ehryl (Ehryl is played by Erich Gonzales), tsaka pinakanakakatuwa yung Taxi Driver! Swear! matatawa kayo duN!

This movie is the prime example where an indie film can be good without having the unnecessary sex scenes whether straight or gay. Well syempre sa Masahista its a must kasi yun naman yung story nun. Wala lang. Minsan kasi ayoko nang manood ng Indie kasi puro sex lang nakikita ko. I want kasi the story. Kung sex lang naman ang gusto ko I can by a DVD for less the price nung movie ticket. Kung may sex scene, sana naman yung may kabuluhan. Example yung love scene sa Daybreak! Naku! Nakakaiyak!

Balik tayo sa movie, nakakakilig sya! Super! sana nga ako nalang si Erich kasi si Enchong kung makahalik nakakaloka eh! Sakop buong bibig! Kung alam ko lang na nagfiiflm sila sa LRT, naku nag-LRT ako araw araw!

Ang pinakagusto ko sa movie yung scene kung saan naguusap sila ng sign language. Yung maririnig mo lang yung BGM tsaka yung BG noise. Nakakatuwa kasi alam mo yun, parang silang dalawa lang nagkakaintindihan. Ang sweet! Mahirap talaga yung situation kung saan gusto mo magsalita pero hindi ka makapagsalita. Nakarelate ako ng bongga!

Gusto ko yung movie na ito! asahan nyo bibili ako ng DVD neto at papanoorin ko sya ng paulit ulit parang yung Jupit!

Photobucket