ANDA
Definition: Money, PeraDerivative:s
Ang Duchess of York, Dats, Datung
Etymology:
Ang ANDA ay binaliktad na dalawang pantig ng salitang DAAN. Uso kasi nung mga early 90's na binabaliktad ang mga salita para yung TSEKOT para sa KOTSE, GOLI para sa LIGO, at kung anik anik pa! Hanggang sa umiral nanaman ang creative juices ng mga early dyosas na mga sosyalin. Para "sounding sosyal" nauso ang paggamit sa derivative na Ang Duchess of York na pangalan ng totoong dugong bughaw. Napansin mo ba na katunog ng ANDA yung ANG DUCHESS OF YORK? Yun lang ang dahilan nun, wala nang malalim na dahilan. Hanggang sa siguro nahabaan na rin sila ANG DUCHESS OF YORK kaya naging DUCHESS OF YORK nalang.
Overtime naging DATS nalang ang tawag sa Pink Money. May dalawa ako theory kung bakit naging ganyan. Nauso siguro yung mga baklang social climber nuon at nakikiuso sa Duchess of York. Hindi rin nila siguro mapronounce mabuti at hindi rin nila alam kung ano ang Duchess na tinatawag nilang DATSES... Naging DATS nalang para safe!
Eventually, nauso na ang pagtawag sa pera na ngyon ay ginagamit ng girl boy bakla tomboy, DATUNG. Ang theory ko dyan, nilagayan siguro ng German suffix yung DATS. Kaya ito naging DATSUNG. Tas eventually, nagtransform na at naging DATUNG.
Oi! Lahat ng ito hypothesis lang ha! Pawang imagination at kabalbalan lamang na kahit papano ay may logic! Bwahahha! Don't forget to use #BekiEtymology when sharing!!!
2 comments:
Hypothesis man o hindi, I learned something new today. *haha*
bongga to teeee! hehe
Post a Comment