Nung time na yun, hindi ko alam kung anung pumasok sa kokote ako at tinanong ko ang what-if question na ito...
What if sabihan ako sa isa sa mga anak ko na "Nay, salamat sa lahat pero aalis na ako"?"
Nung time na yun, si Jeco ang inisip ko na nagsabi saken nun. Nung time na yun kasi sya yung pinakaclose ko. Inisip ko ng inisip si Jeco. Inimagine ko pati yung boses na sinasabi nya talaga saken yun...
Habang patuloy ang pagtahak ng bus papuntang Maynila, at habang may kanya kanyang ginagawa yung iba pang pasahero, lumuha bigla yung kaliwang mata ko dulot ng matinding kirot sa puso ko. Pinipiga ng sobra yung puso ko. Ramdam na ramdam ko yung sakit kaya tumuloy-tuloy ang daloy yung mga luha ko.
Kung makakahagulgol lang ako nung mga oras na yun, malamang ginawa ko with matching lupasay/kisay. Mahal na mahal ko yung anak ko na yun. Sya ang dahilan kya ako bumabangon ng mas matapang nung panahon na yun. Sya yung dahilan kaya nakamove on ako kay Monster. Sa kanya ko binuhos yung pagmamahal na dapat kay Monster.
Kya nung dumating yung oras na nagpaalam na sya sa akin, kahit papano alam ko na ang mararamdaman ko. Kaya sa puntong iyon hindi na ako lubusang nasaktan. Pero syempre, napaiyak pa din ako. Pero naiintindihan ko naman sya. Alam ko kung bakit nya yun gustong gawin. May mga bagay na ikaw lang mag-isa ang dapat lumutas.
Minsan naalala ko pa din si Jeco. Hindi ko naman masabi ko iniintay ko pa syang bumalik. Pero twing naalala ko yung kirot na naramdaman ko nung nagpaalam si Jeco. Naluluha pa rin ako. Kung bumalik man sya o hindi, masaya na din ako na kahit papano may natawag akong anak na nagngangalang PEEJAY...
0 comments:
Post a Comment