Paglisan I, Pebrero 2017 | Paglisan II, Pebrero 2017 |
---|---|
Darating ang araw na iiwanan mo ako Mawawala ang saysay ko sa buhay mo Magiging isang inutil na lamang Walang magawang bagay para sa iyo Ngunit bago pa dumating ang araw na iyon Iiwan na kita, mahal ko Parang isang ektrang tuluyan nang natapos ang eksena Lilisanin na ang entablado na kanina lang ay kabilang ako Ngunit bago pa isara ang telon Ako'y mawawala, ako'y maglalaho Dahil sa araw na iyon ako ang mang-iiwan Sa gayon ako ang may kasalanan sa ating paghihiwalay Babawiin ko na ang puso kong inaalay ko sayo Mawawala na ang halimuyak ng aking katawan sa piling mo Maglalaho ako ng tuluyan sa buhay mo Pawang isang aparisyon na biglang dumating at bigla ding nawala Katulad ng isang alingawngaw na nauubos ang enerhiya Sunud sunod ang buga ngunit pahina ng pahina Sisigaw na muli ang katahimikan sa iyong patay na oras Magagawa ng muli bumulong ng hangin sa iyong mga tenga Ikakahon ko ang pagmamahal ko sayo Itatali ng mahigpit at isasara ng matuwid Itatago sa kailaliman ng kweba ng aking nagyeyelong puso Ikukubli muli sa nyebe ang tunay na nararamdaman ko Patawarin mo ako dahil hindi ko na magawang lumaban Masakit para sa akin gawin ito Aalis ako, hindi dahil hindi kita mahal Aalis ako, dahil iyon ang makakabuti para sa iyo Aalis ako, dahil yun ang dapat Aalis ako, dahil yun ang tama Mahal na mahal kita, kaya aalis ako mahal. Mahal na mahal kita, paalam, mahal ko. | Paano nako mahal sa iyong pag-alis? Hindi kita makakausap Hindi kita mahahawakan Hindi kita mayayakap Hindi ko alam ko paano ko maipaparamdam kung gaano kita minamahal Sagutin mo naman ang tanong ko mahal. Makakaya ko pa kung ilang kilometro lang ang layo natin Ngunit dagat ang syang magpapahiwalay sa atin Hindi kita matutulungan sa oras ng iyong pangangailangan Hindi kita masasamahan sa oras ng iyong kagipitan Hindi kita mahahagkan sa oras ng iyong kapaguran Paano nako mahal? Sabihin mo! Maawa ka naman sa akin Ikaw lang ang tanging nagbibigay sakin ng lakas Paano nako lalaban kung wala ka sa piling ko? Unti-unti akong namamatay sa paglapit ng iyong paglisan Parang isang sintensya sa aking puso habang ako'y buhay Hindi na ba talaga kita mapipigilan? Ayokong maging hadlang sa iyong mga pangarap Ngunit gusto ko lang malaman kung paano nako Ano na ba ang gagampanan ko sa buhay mo? Iiwan mo ako, ano pa bang saysay ko? Isang hamak na nanlilimos ng oras mo Paano mo na ba ako iiwan? Paulit ulit na naglalaro sa utak ko Ang sandaling tatalikuran mo na ako Lalakad palayo at mawawala ng tuluyan Lilisanin ang pook na iyon Tangan ang buhay ko |
0 comments:
Post a Comment