Sa jeep habang papuntang SM SLZ, tinext ko sya: ”Bunso, nasan kna?”. Mamayang konti, nagvibrate yung phone ko, may message, si Bunso: ”Nay kgising ko lang 230 nlang sorry”. Syempre, bilang isang maintindihing ina (chos!), nagreply ako: ”Okay. Wihi! No prob”. Nung medyo malapet na sa SM, nagtext ulet si Bunso: ”House kpb khit 3pm na kaen nko dito sa house.”. Since wala na akong magagawa dahil late na talaga si Bunso… eto ang reply ko sa kanya: ”Mg-sm nlng muna ako. Wihi! Txt mu nlng aq pag ppnta kna.”.
So mega tambay muna ako sa SM. Nakigamit ng libreng wi-fi! Aba bongga! Possible palang mag-three bars yung signal ng wi-fi sa SM! Infairness! Mabilis! Kaya walang puknat na comment sa FB at twitteritat! Hanggang sa maisipan kong maghanap ng mga bagay na maari kong bilin dun sa Supermarket. Bumaba ako sa LGF at tinungo ang kinaroroonan nun. Una akong gumora dun sa Party needs section. Sa pag-kakaalala ko, nung 4th year college ako (oo! Natatandaan ko pa yun!), bumili ako ng mga ice cream cups na may takip dun sa section na yun. Yun kasi yung ginamit nung group naming pang market nung product naming sa Product Innovation Challenge ng Department naming dati (Read it here!).Pero nung tumingin tingin ako. Wala na yung mga ice cream cups na may takip. Puro wala na. Merong may takip kaso yung microwavable na kasing size din ng mga ice cream cups. Eh kamusta naman, magkano naman yun diba?
Matapos ang in vain kong paghahanap sa ice cream cups na pede, tumungo naman ako sa baking needs section. Unang una kong hinanap eh kung may unflavoured gelatine sila. Nung pumunta kasi akong Puregold, wala! Puro gulaman lang! Magkaiba kasi yun! Explain ko next time! Anyway, meron naman sila, FERNA yung brand. Mas type ko actually yung Knox na brand, hindi dahil imported sya, mas gusto ko kasi yung pagkafirm ng products na ginagawa ko pag yun ang gamit ko. Next on the list is desiccated coconut. Eto kasi yung main ingredient ng macaroons. Kung bibili ka ng fresh, madali yung mapapanis, kasama nung butter mo pag pinatagal mo pa. At least ayun, kaya ko nang magprepare beforehand ng batter, mga a day or two, tapos ibake nalang pag nagkatime ulet. Actually, umikot muna ako dun sa back to back sections na yun, bago ko napansin na yung desiccated coconut eh nasa tabi lang pala nung FERNA unflavoured gelatin >_<’. Pero ok lang, nakita ko naman sa likod na rack na may mga canned berries na stock! OMFG! Pwede nakong gumawa ng Bluberry, Rasperry, Cherry, Apricot, at Strawberry syrups and fillings para sa Potato Pancakes, cheesecakes, at Crème puffs ko! Yey! Lumabas na ako sa Supermarket at umakyat sa National Bookstore. Nagfly agad ako sa bargain books section nila dun. Meron akong nakitang book na maganda. TV Viewer’s Guide to Buffy the Vampire Slayer. I’m sorry, pero pinapanood ko din yan dati. Dati pa nga sa RPN yan eh, tapos napunta na sa Studio 23. 50 Pesos. Sakto lang kasi yung pera kong dala kaya kahit gusto ko syang bilhin eh, binalik ko nalang sya dun sa shelf. Punta naman ako dun sa paperback section. Aba, merong koya na pareho ang ginagawa ko. Infairness ang cute nya. Pareho kami na hinahawi yung mga books para makita yung mga titles nung books underneath it. Tapos pumunta sya sa side ko, sabay kaming nagcrouch para tignan naman yung titles nung paperbacks sa lower shelf, kikiligin sana ako kaso mukhang bata pa si koya. Dun naman ako sunod sa hardbound bargain shelf. Meron dalawang Titles na nagstand out saken: 8th Confession by James Patterson at Cross Bones by Kathy Reichs. Kaso mabuhay naman, meron nako ng dalawang yan eh!
Tinapos ko na dun ang book hunting ko sa NBS at nagfly naman ako sa Astroplus. Habang papunta dun tinext ko na si Bunso kung nasaan na sya kasi mga 3:30PM na nun. Nung nakarating ako sa Astroplus, nakareceive ako ng reply mula kay Bunso: ”Nay otw nko sorry late”. Dahil may balak akong tignan sa Astroplus, nagreply ako nang: “Owkie! May tignan lang ako tas punta nako dun.”. Pagtapos, pumasok nako sa shop, grabeh, 750 Php nalang yung Charmed at NCIS season box! Grabeh na ito! Tapos may mga movies pa na magaganda! OMFG! Dapat sumweldo nako! Para masimulan ko na ulet yung collection ko ng orig VCD!
Palabas nako ng SM nung nahagip ng mata ko ang isang otoko. Sya yung bantay din sa Books for sale stall dun sa may lobby! OMFG!!! Si Kuya ay soooooo blog worthy! Kaso hindi ko mahagip yung face nya ng cam ko kaya hindi ko malagay ang pic nya. Anyway, may mga hardbound John Grisham books dun. Kaso hindi sya kasing mura nung mga nabibili ko sa NBS. Whahahaha!
Nagfly nako dun sa meeting place namin ni Bunso. As usual, naglakad nanaman ako. Alam ko naman kasi na matatagalan pa si Bunso kaya napag-isip isip ko na magleisure walk nalang sa polluted streets of Manila District 3. Habang naglalakad, marami akong nasalubong na mga estudyanteng magsyota. Grabeh kung makapag-PDA! Hindi naman ako naeeskandalo pero, sige! Ipamukha nyo pa sakin na wala akong boyfriend! Sige lang! chos! Whahahah!
Dumating ako dun sa meeting place. Naghanap ng mauupuan.Wala. Tinext ko na si Bunso, sabi ko puno, ok lang bas a Wendy’s nalang? Pumayag naman sya. Nag-intay ako dun sa naisip ko na place kung saan makikita ko syang lalabas ng gate. At hindi nga ako nagkamali, dun nga sya lumabas. At hindi nya ako napansin na nandun lang ako across the street. Tinungo nya yung daan papuntang Wendy’s. Tinanggal ko yung salamin ko para punasan. Kaya siguro nung tumawid sya, hindi nya napansin na ako na pala yung nasa likod nya. Nasa likod lang nya ako, hanggang sa pumasok sya sa Wendy’s at umakyat sa 2nd floor. Nung lumingon sya, tsaka lang nya napansin na nasa likod nya ako.
Umupo kami dun sa pangdalawahang table. Tas tinanong nya kung anung gusto kong kainin. Dahil poorita ang lola nyo at dahil mas mayaman ang anak ko sakin, sinabi ko nalang ang mahinhing sagot na… ”Kahit fries lang”. wahahhahah!
Nung umakyat sya with the food, sabi ko pede kami sa third floor. Kaya umakyat kami dun. Naupo kami dun saoverlooking (sabi nya) side. Whahahah! Syempre, kwento kwento muna habang lumalafang ng fries. Nishare nya din saken yung baconator nya. Medyo gutom nadin ako nun kasi nag-earlier lunch ko nun. Kumain ako ng mga 10:00 AM. Kaya kinain ko na din yung share ko sa baconator. Marami rami din kaming napag-usapan. About sa work ko, sa politics, sa friends and family nya. Mga ganun.
At sa wakas, magsisimula na kami sa tunay na sadya namin. Magreview para sa quiz nya kinabukasan sa Differential Equations (DE). We started off syempre sa removal of Arbitrary Constants. Simple lang naman yun. Depende dun sa equation. Pwedeng after mo kunin yung derivative tapos equate mo na agad or kunin mo yung derivative hanggang sa maka-isolate ka ng isang arbitrary constant tas equate mo lang. Ganun. (Wow! Pinasimple ang explanation!)
Anu bang mahirap sa Variable Spearable? WALA!!! Paghihiwalayin mo lang ang mga variable to their respective differential! Get the integral and poof! Pero meron akong hindi nasagot. GREEN!!! Try mo ngang kunin yung Integral neto!
Hindi naman factorable yung denominator para mapartial fractions ko sya. Hindi din sya pwedeng i-integrate directly kasi hindi naman kumpleto yung derivative ng e2x. I’m stumped Green, watcha think?
Natawa ako dun sa comment ni Bunso na: “Parang niloloko naman kami ni Sir dito. Andali lang!”. He’s pertaining to the test for Homogeneity. Meron kasi syang sacred scripture mula sa kanyang friend na pareho din yung prof sa DE. Pinakita ko sa kanya kung pano gawin yung first one. Sabi ko lagyan nya lang ng λ sa tabi lahat nung x and y. Tapos pag nafactor out nya yung λ sa equation, ibig sabihin Homogenous Differential Equation yun. Tapos, nianalyze nya yung second one, tas ayun sinabi na nya yung nakakalokong remark. Wahahahahaha!
Binigyan ko sya ng tip, wag na nya gawin yung test for homogeneity, hahaba lang yung solution nya. Direcho nya na gawin yung technique kung pano isolve yung Homogenous DE. You just need to equate x with vy or y with xv. Then dx = vdy + ydv or dy = vdx + xdv. Then it will become a variable separable at masosolve mo na yun ng madali. Don’t forget to back substitute in terms of x and y!
At eto nah! Ang talagang pinaghandaan ko ng bongga! Ang Exact Differential Equations! Alam kong sa una magulo talaga ang solution dito sa DE na ito, pero pag nakuha mo na yung technique ok nah. Edi syempre inexplain ko ng bonggang bongga! Pano yung test for exactness. Pano yung mismong procedure kung pano gawin. Eto ang summary ng mga sinabi ko:
- Test for Exactness. If the Partial derivative of M with respect to (wrt) y is equal to the partial derivative of N wrt x, then it is exact! Proceed to Step 2.
- Get the partial integral of M wrt x. Don’t forget to write B(y) instead of an arbitrary constant. Let’s call this new equation as U.
- Get the partial derivative of U wrt y. Derivative of B(y) = B’(y). Let’s call this equation dU.
- Equate dU with N and simplify the equation.
- Get the partial integral wrt y after simplification. Integral of B’(y) = B(y).
- Substitute the value of B(y) in Equation U and that is the final answer.
Thanks ulit nay^_^
11 comments:
honestly nilaktawan kio yung math part. muntik nako mag hypovolemic shock nung nakita ko yung mga equations. tae. pang matalino!
Parang mas gusto kong sagutan si bunso! ahaha lolz chos lang teh.
Tinry nio ba mag integration by parts? ang aga pa kasi teh, tinatamad ako magsolve. haha.
at dun sa moments. diba force times lever arm(sine theta) lang yun? haha, tama ba? ginsing mo ang utak ko, aga aga! hahaha :D
ang sagot: 1/8(2x-log(e^(2x)+4))
eto yung steps ah! (takte aga nasolve ko to)
una: substitute u from 2x so we get e^(2z) = e^u, du = 2dx.
subtitute ulit tau. let a=e^u.
da=e^u log(e)du.
so:
1/2log e(INT(1/a(a+4)).
using partial fractions:
1/2log e(INT((1/4a)-(1/4(a+4))).
integrate na natin isa-isa.
madali yung unangintegras, sa pangalawa tau:
let r=(a+4), dr=da.
and that's it! madali na lang mag-integrate. salamat kay kaibigang Leithold.
don't forget to bring all the substitutions back to x! hehe.
takte, lagi na lang bumabalik kay x! hahaha :D
good morning.
@KuyaRonRon
Hindi naman! Practice lang ang kelangan sa math at logic! hihi!!
@Green
following yung steps mo.
ang nakuha kong sagot 1/8 (ln e^2x + ln (e^2x +4))
san nanggaling yung log e dun sa da? diba d(e^u) = e^u du lang??
well in any case.. salamat sa help! hhihi!!
Wag si bunso. Bata pa yun eh! he's 3 years my junior!
usapang matalino.. halimaw sa math waahhh TT_TT..
hehehe babangis niyo
@pong
naku pong, di mu nmn kelangan mgng matalino para mgng magaling sa math. Analysis lng kelangan. Hows d review?
kebs sa math..hehhe di talaga kaya ng utak ko
bakit tinakpan yung mukha nya mukha syang cute
buendiaboy
Nahihiya daw xa. Naku buendiaboy! Hndi lng cute! Gwapo at uber baet pa! Kya love na love ko yan eh!
love ko na din sya choz
buendiaboy
Post a Comment