Tapos na ang election!

Photobucket


Hurray! Nakasurvive kame! Haaay! Nakakapagod talaga yang campaign na yan! Sumabay pa yung Engineering week, wherein maraming ginagawa kaming mga ChE dahil may reputasyon kaming dapat na itaguyod. Marami akong gustong sabihin sa recently concluded election na ito. Last year hindi ako masyadong nagpakabibbo kaya hindi ako masyadong aware. Pero this year, involved na involved ako. Kaya maraming marami akong masasabi. Pero isummarize nalang natin sa ilang statements.

1) Akala ko pa naman kaya naging February yung aming election eh dahil natuloy na sa wakas yung synchronized election. Eh it turns out hindi naman pala. May tarp sa may España gate as proof. Ang masasabi ko lang dyan, bakit ang mga Tomasinong Inhinyero ang dapat magsacrifice dyan sa ganyang set-up? Nagkaron ng campaign period. Tapos pinatanggal yung paraphernalia dahil no campaign day dahil Engineering parade. Tapos pinapadikit nanaman kasi campaign day ulet the next day. Tapos tatanggalin kasi Engg week. Kamusta naman yan. Kabit-alis set-up ang nangyari samen this year. Nakakapagod yun at nakakastress. Naku, gawan nyo ng paraan yan na mabago yang ganyang set-up kundi you'll be hearing from us, especially me.

2) Hanggang ngayon hindi ko pa rin narereceive yung resolution regarding the Online campaign. Sana naman kasi eh nung mineet kami ng mga COMELEC officials eh sana naman may hardcopy ng mga added rules and regulations na wala sa SEC. (Kaya I think CB, its time to amend.) Kung maalala nyo nasanction ang SIKLAB dahil sa online campaign na yan. Of which hindi rin nila maexplain samin kung baket kami sasanctionan dahil wala naman ito sa SEC. Kamusta naman ang COMELEC nun.

3) Yung pagsanction sa SIKLAB nun eh verbal lang. As verbal. Walang papeles whatsoever. Kaya ang hope ko sa next COMELEC eh yung bang kayang maglabas ng written resolution para official ang declaration ng sanctions or kung anu mang ruling na ilalabas nila.

4) Kaya gusto ko yung decision eh nakapapel dahil merong controversial word sa election na ito. Discretion. Nasa discretion ni... As in yang word na yan, twing magtatanong kame sa Comelec lalabas ang word na yan. Discretion is a powerful word! Lahat pwede mong isagot dyan! Ilagay nyo nalang din kaya yan sa SEC para malagyan ng meanig sa Definition of Terms! kahit kami hindi namin makaya ang powers ng word na yan eh!

5) Yung issue sa Mandatory LOA eh hindi pa rin nasasagot. Binigay nila yung Discretion sa incumbent president ng ESC na si Kat Corpuz. Baket kaya ibibigay sa isang taong affiliate ng isang political party ang resolution regarding the issue? Kung sa pres din pala ibibigay ang Discretion, buwagin nalang kaya natin yung COMELEC? If they can't decide on matters affecting the election, anu pang silbi nila?

May this be a constructive criticism for the next COMELEC. Hindi lang naman ang political parties ang involved sa election, pati ang COMELEC. Kahit nageexist kami, kung wala namang COMELEC, crumble din ang drama namin. Goodluck to the next COMELEC.

UST-ChE Profs

Photobucket


Naghahanap ako ng picture sa net at nakita ko tong picture ng ChE faculty nung grad nung 2008. They all so cut eto look at! Hula ko si Sir A ang kumuha neto. Kamusta naman yung attire ng aking beloved adviser, Dr. Aristea V. Bayquen, complete with hat yung kanyang graduate gown. Hindi tuloy nakita si Ma'am Alava. Ganun ba talaga pag doctorate? ang Bonggang bonggang attire? Eh bat si Ma'am Evee eh parang simple lang? Doctor din naman yun. Ay Si Ma'am Berna like ko yung academic gown nya! Gray pala pag master ng Educ? Gusto ko din yung kay Mama D. Black and blue!

Ang post na ito ay para sa UST-ChE. Kasi kame lang naman yung nakakakilala sa kanila noh! whahahah!

Kamusta naman yun!

Hindi ko alam kung paano ang process para maging Chairman, Legal Officer or Commissioner ng Comelec. Pero sana naman next year sa pagbuo nila ng bagong Local Comelec for Engineering eh sana naman yung hindi apathetic noh. Nakakastress sila eh.

Feb 19, 2009. 1st election day ng Engineering. Nung pumasok ako nakita ko kagad na may tarp pa rin dun sa may hard rock. Syempre, as a legal officer, alam na alam ko na bawal na yun because it is an election offense. Kahit tignan mo pa! Eto. SEC Article VI. Section 4-n. Failure to remove election paraphernalia a day before the no campaign day. This no campaign day is a day before the election. Oh diba, 2 days na silang nagvaviolate. I'm sure they are not ignorant of the law for they have been campaigning for years now.

Nung nakita ko yun, tinext ko ang Legal ng Comelec, sabi ko gusto ko lang i-stress yung concern ko regarding dun sa tarp sa labas ng Engineering hindi nako magfafile ng complaint kasi trabaho na ng Comelec yun. Naglalakad ako nun papuntang España kasi dun ako normally kumakain nang lunch.

Pagbalik ko sa Engg, nandun pa rin yung tarp. Initial reaction, mega text kay Kuya Ross para sabihin sa classmate nya about the tarp. Classmate nya kasi yung Chairman na si Jhunmark. Medyo nairita pa nga ako kay Kuya Ross eh. Parang ayoko kasi yung tone nung reply nya. Yung tone ba na parang sya yung nageexplain saken na kesyo luman isyu na yun at hindi daw jurisdiction ng Comelec yun dahil hindi naman engg yun.

Napabullshet ako ng bonggang bongga! Kamusta naman yun! Comelec? Hindi jurisdiction yung tarp ng isang central party? SUSMIYO GARAPON! Kung hindi nila jurisdiction yung central party, dapat hindi nakapagcampaign sa Engg yung mga yun! hindi rin nakapagparticipate sa Meeting D'Avance yung mga yun sa Engg! Cmon naman!

Edi ayun, sinagguest ko na lang, kung ayaw nilang pakialaman yun, irefer nila sa Central Comelec. Arm sila ng Central Comelec, it's their job to make sure na yung provisions in the SEC are followed. Nung nagfile naman kami ng complaint against the other party, wala rin naman daw silang magagawa kasi by the book 1st offense ay reprimand lang. Oh ayan by the book, when the offense is done on the last day (or after the allowed campaign period) hindi lang reprimand ang sanction nun. At by the book offense yun bat hindi kayo kumikilos.

I pray for a better Comelec next time. Yun bang passion to give service to the studentry eh kapantay nung mga political parties na nagpaparecognize sa kanila. Kasi kung sila mismo ignorant of their job or simpleng tinatamad lang, walang mangyayari saten parepareho. Our elections will be just as filthy, unlawful, and as incorrect as the Philippines.

Sexy phone call



Naloka ako sa Video na ito. Kahit kapamilya pa yan, papanoorin ko yan. Ibang acting dito ni Gerald Anderson. Nacurious lang ako. Donky, anung palabas ba yan?

JC de Vera, patapos na ang kontrata.

Photobucket


OMFG!!! Lilipat na daw ang Kapuso hunk na si JC de Vera! NOOOOOOOOO!!!! Wag naman sana! Hindi ko na sya mapapanood waaaah! Wag na sanang maging ganun! Gustong gusto ko pa naman si JC. Porket ba may JC Tiuseco na? Parehong maganda naman yung abs nila kaya ayoko silang mawala pareho! Wahhahahahah! Haaaay ganun talaga ang lyp. You win some you lose some.

MIRDC: Rockwell Hardness Tester at Glowing metal furnace Thingies

Photobucket
Rockwell Hardness tester with Kirby's head on the side


Ayan so after nung talk ni Tatang Engineer eh pinakita niya samen yung actual na machine for that. At ayun nga yung Rockwell tester. Nakinig naman din ako sa talk nya kahit bored ako. Yung nilecture nya actually nabasa ko din sa Libro ni Mc Callister na Materials Science and Engineering. Yung RA RB at RC tests grabeh informative talaga ang mga trips. Anyway, after nyan, lumabas kami dun sa lecture room at pinakita samen yung mga furnaces nila. Malalake. At! Binuksan nila! Nakakabigla na yung mga sumundo na pangayayari.

PhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucket
Basta may kinuha sila from the furnace then nilulubog nila sa oil.


Photobucket
Temperature Color Chart. If i remember correctly 800oC yung Temp nung metal.


Eto ang mga videos nung sa Heat Treatment Facility:




Masaya talaga dun. Pero I'll leave those kind of jobs with ME nalang. Tutal mas trained naman sila sa Thermodynamics noh.

SIKAT NAKO SHET!!!

Wow! Sikat nako sa political scene! Maraming nagbabasa ng blog ko! Sige speech muna ako! Para maacknowledge natin sila!

Good Day/Night,

1st to my friends in the Chemical Engineering family. Kaya natin to! Isang taon na lang! Walang Bibitaw! My BnBp Family, magparamdam naman kayo! Miz na miz ko na kayo noh! To my Tacos Family, na super busy sa kanilang mga acads im sure!

2nd to my partymates in SIKLAB party, I am very very proud of you guys especially our candidates! Manalo, matalo, SIKLAB pa din tayo na magiging iba sa lahat. To the ALLIANCE, our central party, I know I am still unknown to most of you but I am declaring my total devotion thru each and every one of you for our University's political status sake. And of course to our new affiliates, SIBOL, SHIFT, EELAW, COMPILER, at yung isa pa na nakalimutan ko yung name, welcome to the burning passion family! Sigurado akong mag-eenjoy kayo dito!

3rd, a wave to "our" political enemies from the different affiliates of "the" party, ang saya neto! Nagbabasa kayo ng blog ko! Anyway, wala naman kayong mababasa dito kundi kabaklaan ko. So enjoy nalang kayo dyan. Ang masasabi ko lang, walang epekto saken yung adjectives ok, so don't call me those. Kilala ako ng mga affiliates nyo sa CSC, kilalang kilala nila ako dahil I'm a transparent person. What you see is what you get. So kung kelangan nyo ng description ko, siguradong mabibigyan nila kayo. The University's trait is VERITAS. Alam na alam ko yan dahil 1st year high school ako sa USTHS (yun nga lang natanggal). Naulit yan nung 1st year ako sa Engg because of my Values Education course (na tanging sa Engg lang meron). Ngayon, kung nagagalet kayo kasi sinabi ko ang totoong nakita ko, hindi ko na problema yun.

4th, of course to be safe, iaacknowledge ko na din ang ibang administrators or Professors na nagbabasa netong blog ko. Para na kasing dejavu itu. Feeling ko tuloy I'm the newest Masajo in town!!! (hi Mother Carlo!!! isang wave na malandi para sayo!)

5th, Sa ChE Connection Bloggers, maraming maraming salamat sa inyong mga blogs na nagbibigay sakin ng mababasa! Kaya more blogs pah! Susuportahan ko yung mga blogs nyo mga friends!

Lastly, to the members of the Rainbow Bloggers, paxenxa talaga at hindi ako masyadong nakakapagparticipate pero I pwamis pag medyo nakaluwag-luwag nako sa acads ko, magbloblog din ako sa ating blog! Special Mention kay Ate Lyka, sori dahil hindi nako masyadong nakakapagcomment sa blog mo! Hindi pa man din ako nanalo ng Golden Toot-toot! Bawal eh, baka may faculty! Wahahahha!

Un lang.. Wala nako masabi eh, ayoko nang iacknowledge ang mga boylets ko! Che!

MIRDC: ang/sa likod

Nung nandun na kami sa Heat Treatment Facility, medyo nabore ako sa talk ni Tatang engineer. Nakakabagot kasi parang lecture lang ni Ma'am eevee, yung prof ko sa Unit Ops na kinatatamaran nang buong batch namin. Kaya eto, hawak ang aking fone, napagdiskitahan ko yung likod ni Alberchie. Hihihihihi!

PhotobucketPhotobucketPhotobucket
PhotobucketPhotobucket
ganyan talaga siguro yung taong bored ano?


Sunod na biktima si Toto
Photobucket
Obvious bang bored sya?


At syempre meron din ako

PhotobucketPhotobucketPhotobucket
Kabore talaga yung talk pero masaya nung tumayo kame.

MIRDC: Emoterang Bakla

Nung pauwi na kami nung MRIDC trip namin, basta field trip namin yun, eh medyo nagkaantukan na yung mga tao o kaya naman busy sa kakapanood ng The Hulk. Medyo wala dun sa dalawa yung category ko kaya naisip kong magpicture picture at magemote emote. Eto yug resulta:

PhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucket


Ang pinakagusto ko yung pinakauna. Ewan ko mas emotera yun eh! Wahahhaha! Watcha think?

UNMASKED: Earl, Mr. Popular.

Photobucket
Tinawag at nakasmile
Photobucket
Hinihintay yung award
Photobucket
Holding the Award!


I'm so proud!