Hindi ko alam kung paano ang process para maging Chairman, Legal Officer or Commissioner ng Comelec. Pero sana naman next year sa pagbuo nila ng bagong Local Comelec for Engineering eh sana naman yung hindi apathetic noh. Nakakastress sila eh.
Feb 19, 2009. 1st election day ng Engineering. Nung pumasok ako nakita ko kagad na may tarp pa rin dun sa may hard rock. Syempre, as a legal officer, alam na alam ko na bawal na yun because it is an election offense. Kahit tignan mo pa! Eto. SEC Article VI. Section 4-n. Failure to remove election paraphernalia a day before the no campaign day. This no campaign day is a day before the election. Oh diba, 2 days na silang nagvaviolate. I'm sure they are not ignorant of the law for they have been campaigning for years now.
Nung nakita ko yun, tinext ko ang Legal ng Comelec, sabi ko gusto ko lang i-stress yung concern ko regarding dun sa tarp sa labas ng Engineering hindi nako magfafile ng complaint kasi trabaho na ng Comelec yun. Naglalakad ako nun papuntang España kasi dun ako normally kumakain nang lunch.
Pagbalik ko sa Engg, nandun pa rin yung tarp. Initial reaction, mega text kay Kuya Ross para sabihin sa classmate nya about the tarp. Classmate nya kasi yung Chairman na si Jhunmark. Medyo nairita pa nga ako kay Kuya Ross eh. Parang ayoko kasi yung tone nung reply nya. Yung tone ba na parang sya yung nageexplain saken na kesyo luman isyu na yun at hindi daw jurisdiction ng Comelec yun dahil hindi naman engg yun.
Napabullshet ako ng bonggang bongga! Kamusta naman yun! Comelec? Hindi jurisdiction yung tarp ng isang central party? SUSMIYO GARAPON! Kung hindi nila jurisdiction yung central party, dapat hindi nakapagcampaign sa Engg yung mga yun! hindi rin nakapagparticipate sa Meeting D'Avance yung mga yun sa Engg! Cmon naman!
Edi ayun, sinagguest ko na lang, kung ayaw nilang pakialaman yun, irefer nila sa Central Comelec. Arm sila ng Central Comelec, it's their job to make sure na yung provisions in the SEC are followed. Nung nagfile naman kami ng complaint against the other party, wala rin naman daw silang magagawa kasi by the book 1st offense ay reprimand lang. Oh ayan by the book, when the offense is done on the last day (or after the allowed campaign period) hindi lang reprimand ang sanction nun. At by the book offense yun bat hindi kayo kumikilos.
I pray for a better Comelec next time. Yun bang passion to give service to the studentry eh kapantay nung mga political parties na nagpaparecognize sa kanila. Kasi kung sila mismo ignorant of their job or simpleng tinatamad lang, walang mangyayari saten parepareho. Our elections will be just as filthy, unlawful, and as incorrect as the Philippines.
0 comments:
Post a Comment