Photobucket


Hurray! Nakasurvive kame! Haaay! Nakakapagod talaga yang campaign na yan! Sumabay pa yung Engineering week, wherein maraming ginagawa kaming mga ChE dahil may reputasyon kaming dapat na itaguyod. Marami akong gustong sabihin sa recently concluded election na ito. Last year hindi ako masyadong nagpakabibbo kaya hindi ako masyadong aware. Pero this year, involved na involved ako. Kaya maraming marami akong masasabi. Pero isummarize nalang natin sa ilang statements.

1) Akala ko pa naman kaya naging February yung aming election eh dahil natuloy na sa wakas yung synchronized election. Eh it turns out hindi naman pala. May tarp sa may España gate as proof. Ang masasabi ko lang dyan, bakit ang mga Tomasinong Inhinyero ang dapat magsacrifice dyan sa ganyang set-up? Nagkaron ng campaign period. Tapos pinatanggal yung paraphernalia dahil no campaign day dahil Engineering parade. Tapos pinapadikit nanaman kasi campaign day ulet the next day. Tapos tatanggalin kasi Engg week. Kamusta naman yan. Kabit-alis set-up ang nangyari samen this year. Nakakapagod yun at nakakastress. Naku, gawan nyo ng paraan yan na mabago yang ganyang set-up kundi you'll be hearing from us, especially me.

2) Hanggang ngayon hindi ko pa rin narereceive yung resolution regarding the Online campaign. Sana naman kasi eh nung mineet kami ng mga COMELEC officials eh sana naman may hardcopy ng mga added rules and regulations na wala sa SEC. (Kaya I think CB, its time to amend.) Kung maalala nyo nasanction ang SIKLAB dahil sa online campaign na yan. Of which hindi rin nila maexplain samin kung baket kami sasanctionan dahil wala naman ito sa SEC. Kamusta naman ang COMELEC nun.

3) Yung pagsanction sa SIKLAB nun eh verbal lang. As verbal. Walang papeles whatsoever. Kaya ang hope ko sa next COMELEC eh yung bang kayang maglabas ng written resolution para official ang declaration ng sanctions or kung anu mang ruling na ilalabas nila.

4) Kaya gusto ko yung decision eh nakapapel dahil merong controversial word sa election na ito. Discretion. Nasa discretion ni... As in yang word na yan, twing magtatanong kame sa Comelec lalabas ang word na yan. Discretion is a powerful word! Lahat pwede mong isagot dyan! Ilagay nyo nalang din kaya yan sa SEC para malagyan ng meanig sa Definition of Terms! kahit kami hindi namin makaya ang powers ng word na yan eh!

5) Yung issue sa Mandatory LOA eh hindi pa rin nasasagot. Binigay nila yung Discretion sa incumbent president ng ESC na si Kat Corpuz. Baket kaya ibibigay sa isang taong affiliate ng isang political party ang resolution regarding the issue? Kung sa pres din pala ibibigay ang Discretion, buwagin nalang kaya natin yung COMELEC? If they can't decide on matters affecting the election, anu pang silbi nila?

May this be a constructive criticism for the next COMELEC. Hindi lang naman ang political parties ang involved sa election, pati ang COMELEC. Kahit nageexist kami, kung wala namang COMELEC, crumble din ang drama namin. Goodluck to the next COMELEC.