Napag-isipan kong wag nang pumasok nung araw na yun ng umaga dahil ang sarap matulog dahil umuulan. Pero dahil favorite ko talaga si Ma'am Berna, napagdesisyunan kong pumasok sa hapon dahil ayokong mamiss ang klase ko sa kanya. Nagulantang ako nung malaman kong lahat ng pwede kong daanan ay baha na. Nagpasikot sikot pa ako sa buong Bangkusay bago ko naisipang magsidecar nalang papunta sa sakayan ng jeep.

On the way to UST, sa Tayuman St. corner J Abad Santos Av, baha na. Lalo na dun sa may bandang bridge dahil yun steepest part lang nung bridge yung walang baha. Akala ko hanggang dun nalang ang problema ko. Nang maglakad ako papuntang UST from SM San Lazaro.

Tinunton ko muli ang daan papuntang UST. Umulan man o umaraw, nilalakad ko talaga yung layong yun, pauwi man o papasok palang. Alam na alam ko na nga yung timing ng traffic lights dun eh. Alam ko din na yung Lacson yung medyo mataas kasi pag may baha yung straight strip from Dapitan to SM San Lazaro kahit na baha sa Laong Laan, medyo may space pa din na hindi naabot ng baha dun. Bumagsak yung balikat ko ng makita ko yung baha sa Jabee Lacson.

Grabeh ang baha! Ang lalim! hanggang tuhod! as in tatawid nalang ako at finish line na! Nag-isip isip muna ako. tinext ko si Jaboy, ang sabe ko dalhan ako nandun ako sa Jabee puntahan ako. Eh antagal nya magreply, alam ko kasi na late nko eh. Kaya mabilisang desisyon, hinubad ko ang sapatos at medyas ko, tiniklop pataas yung pantalon ko hanggang tuhod, at sabay sigaw ng "SUGOD!!!". Linusong ko yung baha ng bonggang bongga, habang hawak yung sapatos sa kaliwang kamay at yung tiniklop kong pants dahil nalalaglag. Unang reaction ko? "TANG INA!!! ANG LAMEG!!!!" Medyo dahan dahan lang ako naglakad kasi grabeh nagfloflow yung baha eh, baka maout of balance ako. At sa wakas! Nakatawid na den! Naglakad pa muna ako ng kaunti bago ko muling sinuot yung sapatos ko pero hindi na yung medyas.Yes! Proud to be Thomasian na naman ako! Bagong tatak na naman kasi ako eh! Nagtuloy tuloy nako papuntang Lacson Entrance.

HUWWWAAAAATTTTT!!!!! Sigaw ko sa isip ko nang makita kong baha din yung papuntang Carpark from Lacson entrance. Wala na akong nagawa kundi ulitin yung ginawa ko kanina. Nilakad ko papuntang entrance nung Mcdo, hindi ako sa side dumaan. Pagksuot ko muli nung sapatos ko, gora na papuntang engg.

BULLSHIT!!!! Alam nyo ba yung nadatnan ko? Hindi pako nakakarating ng Engg neto. Nasa may Coffee shop palang ako, at eto na ang nakita ko:
Photobucket
Mga taong mega tawid sa improvised bridge
Photobucket
Goal!!!
Photobucket
Engg students na nagpapakaspiderman!


Napagdesisyunan ko nalang na umikot baka sakaling hindi baha dun sa other side. Nakakdiri yung itsura kasi andaming ipis na nagkalat. May mga buhay, may mga patay na labas ang icky white stuff, may patay na lasug lasog. Kasalukuyan akong nasa harap ng Chubby kitchen ng umalingasaw ang nakaksulasok ng amoy. Amoy ng sewage line! Grabeh! iba yung amoy! Super yucky! Ayun, mega ipis pa din ang makikita mo sa daan, pati yung lumulutang na effluent residue ng mga umaapaw ng sewage lines.

Pagdating ko sa España gate na malapet sa overpass, baha pa din yung nakasalubong ko. Pati na yung mga taong nagtatawanan at mukhang helpless dahil wala silang magawa sa baha. Ako? meron! Katulad ng kanina, hubad the shoes and SUGOD!!! Nilakad ko papunta dun sa UST Complex. Nagpahinga muna ako dun, at sinipat sipat kung pano ako makakapuntang eng'g. Nang makagawa ng plano pumunta nako sa station ko.

Nilakad ko muli ang baha hanggang dun sa isang elevated place sa may entrance ng UST na malapet sa Engg. eto yung view ko nun.
Photobucket
Nagmukhang training camp para makaiwas sa baha


Tinunton ko nalang yung pavilion sumusugod pa din sa baha. Nagsuot ako ng sapatos sa may pav at pumasok na sa Engg. Buti nalang bukas yung Lab 10 B at nakapaghugas ako ng paa sa may lavatory. Ang sarap ng feeling! Whahahahah! Nakaupo ka sa tiled canopy tapos nagfloflow yung malnis na tubig sa paa mo! Wahahahaha! Halos lahat pala kaming nagtethermo 2 eh lumusong kaya pumayag si Ma'am Berna na nakapaa kame habang nagklaklase! Woohoo! Ibang klase talaga yun!

More pics sa pag uwe!
Photobucket
From engg to the right after ng 1st pav
an improvised plastic chair bridge
Photobucket
Pav right side view
Photobucket
Pav left side view
Photobucket
2nd pav tree near educ building
Photobucket
Educ building
Photobucket
Baha ever
Photobucket
Si Jaboy nasa finish line nah!


Photobucket