Masaya ako ngayong araw na ito. At ito ang kwento!

Hindi ako pumasok ng Unit Ops dahil nagising nako ng 10 am. Eh kamusta naman yun? OK lang din, kasi Evaporation naman yung topic. Medyo alam ko na yun kasi. Ang sarap matulog lalo na pag umuulan. Marami din daw kaming wala kanina.

Nagquiz kami sa Thermo 2 kanina. Panis! Kahit na 2 numbers lang sya grabeh naman yung computation! Nakakagulat yung 11 iteration numerical solution ko kanina. OEB unknown yung velocity and Temperature at point 2. Given yung Cpm equation in terms of K. Assume T2. Solve for v2 using the OEB Equation. Since we have uniform cross-sectional area, v1ρ1=v2ρ2. you can solve for ρ2. Then since we have a gas flowing in the turbine, use ρ = PM/RT to solve for T2. Buti nalang medyo mabilis nko magcompute because of my Calculator. Yes!

Yung sa number 2 naman, naguluhan ako nung una. Tas gumawa ako ng OEB equation. Tas nakapagsolve ako ng velocity. Tas gumawa ako ulet ng bago for the next part. Tas nagbigay ng hint si Ma'am Berna, gunmawa daw kami ng 2 eqs. Yes! Napayes ako grabeh! Tama pala yung naisip kong gawin!

Habang nagquiquiz ako, nagtext si Jar kung pwede daw ba humingi ng favor. Gusto ko sana talagang tulungan si JarJar kasi nagquiquiz ako eh. Kaya binilisan ko yung pagsagot ko. It turns out hindi na nya kelangan nung help kasi nakarating na sila ng UST. Natraffic kasi sila eh.

Mga 5pm or so nagpasya nakong umuwi. Nang nadaan ako sa TAN YAN KEE, tinawag ako ni JarJar. Papalabas na sya nung building. Medyo kinilig ako pero hindi ko pinahalata! Kumpleto na yung araw ko kasi nakita ko ulet si JarJar! Matatagalan na kasi ulet eh.

Nag-GM with a mega big smile habang pauwe, parang ganto:
^_________________________________________________^




Photobucket