Quiz namin nung raw na yun sa Kinetics. Napagplanuhan ko na talaga kung ano yung gagawin ko. Manonood ako ng indie film nung araw na yun. Akala ko kasi nung showing na yung I luv dreamguyz ni Joel Lamangan sa Isetann. But to my dismay wala dun yung gusto kong panoorin. Kaya nauwi nalang ako sa BOYLETS!

Photobucket


Inpeyrness!!! Gusto ko tong movie na itu! Kahit na medyo nakakatakot sa konti yung mga nanonood sa Isetann. Anyhoo, dumating ako sa sinehan sa medyo bandang dulo na nung movie. Yun na yung scene na yung ex girlet nung bida eh ay kajerjer yung kalabang leader ng group sa "drag race". Naloka nalang ako sa bandang dulo na may homosexual tendencies yung bida. Jinerjer nya yung bestfriend nya. Actually, nakakarelate ako dun sa bestfriend. Ganun kasi yung ugali ko. Caring, thoughtful, at gagawin lahat para sa isang close friend. Dream come true rin siguro sa kanya yung nangyari sa kanila nung bida. Ay eto pa pala yung similarity namin. Bumili sya ng bike para sa bida, ako naman bumili ng scooter! Oh diba! Bongga! Napagtanto ko din na there is such thing as a Trike Drag race. Alam kong may drag race ng scooter and cars, pero Trike? Kalerkey! In the end, maganda yung movie kahit na feeling ko parang super exploited yung mga papaness. To the point na parang lahat sila eh binayaran sa every hada scene. Pinakita rin nga pala yung diversity of homosexuals. There are those who like to suck, there are those who like being sucked. Some fetishes include powder, and dancing etc. Basta I love it!

Habang nanonood ng Boylets, nakareceive ako ng CSC Advisory na nisuspend na daw yung classes dahil sa lakas na ulan. Ako naman, sabi ko, "Parang chumorva lang yung ulan". Uu nga malakas yung ulan kanina pero kakaloka naman na suspend agad yung class! Pero ok na din, kaya sinundan ko pa ng isa pang indie film!

Photobucket


Ang chaka. Wala na kasing bago sa table, yun at yun lang din kasi yung theme lagi ng mga queer indies. Sana naman give something new. Lagi nalang mahirap tapos magiging sex worker. Peste. Hindi ko din magets kung bakit naging pro si Pipo, eh sya na din nagsabi na bago lang sya sa trabahong yun. Basta maraming bagay na hindi ko gusto sa Pipo.

Kaloka din nung nanonood ako ng Pipo. Sabay kasi sila ng screening ng Boylets so pag natapos na yung boylets tapos na din yung Pipo. Right after nung Biylets buy agad ako ng tix for Pipo. Pumasok nako ng maaga tapos kinilabutan ako kasi ako lang magisa dun sa premiere part nung movie house. Kaloka! Tingin sa kanan, walang tao. Tingin sa kaliwa, wala ding tao. Tingin sa likod, wala pa din! Nakakatakot ah! Baka mamaya magkaron ako ng katabi! Peste! Pero after nung movie meron akong mga nakasabay lumabas, lahat sila nasa baba. Baka siguro may mga ginawang milagro.

ISa pang ayoko dun sa Isetann eh hindi sila nagbubukas ng ilaw after ng movie, hirap tuloy bumaba. Bagong renovate pa naman, wala pa din kwenta yung service!

Photobucket