Photobucket


Galing akong TP4 schools nun para ideliver yung mga letters. Ang last stop ko nun was Jose Abad Santos High School na nasa eastern gate ng Chinatown. Papunta nakong UST nun kasi Fuel Tech class ko ng 2pm. So sumakay ako ng jeep from Binondo church ng papuntang City hall. Tapos sa may Letran gate bumaba nako. Tumawid nalang ako from Post office papuntang Lawton. Dun sumakay ako ng jeep papuntang Blumentritt Dimasalang. Naupo ako sa loob dun sa may unahan sa right side. Kaya kitang kita ko talaga yung nakaupo dun sa maytabi ng driver. Yung nasa right na guy (yung laging kalahati lang ng pwet yung nakupo), may napansin akong familiar sa kanya...

Payat na pangangatawan.
Conio hairstyle with conio damit.
Defined cheekbones.
half chinito half hindi eyes.

Ay nako si Jarry ito! Pero alam ko namang hindi, dahil walang braces. Bukod pa dun, may nunal sya sa mukha. Tatlo pa nga eh. Pero kung hindi ko kilala personally si JarJar at kung ibebase ko lang sa election dati, iisipin ko sya yung boylaloung nakita ko. Nakatitig lang talaga ako sa kanya. Nakatingin sya lagi dun sa side mirror kaya hindi ako masyadong makatitig nung una. Buti nlng nakasandal sya kaya kita ko pa din sya sa overhead mirror nung jeep. Kaso shortlived lang yung pagtitig ko kasi pagkalagpas sa Jones Bridge ay bumaba na agad sya. Pero grabeh kamukha nya talaga si Jarjar!
Photobucket