F4 mania for me again

Napakinggan nyo naba itong kantang to ng F4??? Shet!! I so love it!!!

Waiting for you


This is their carrier single from the album of the same title! Opening song din to ng Waiting to see you again na Taiwanese drama! Grabeh!!! I so luvet!!!!

Eto naman yung ending song:

Goodbye


May english version yan hindi ko lang alm kung which one yung nauna. Pero I so love it! lalo na yung piano version! Grabeh! I so love it!

Vic Zhou
This is my official statement! I'm not anymore a Jerry yan fan! I'm switching to Vic Zhou!!!

Photobucket
so divine!!

Photobucket
I like him now that he has short hair! Mas gwapo!

Photobucket
OMFG!!! AAAAAHHHH!!!

Photobucket
*faint*

Photobucket
*nosebleed sunako style*


ANg gwapo shet!

Photobucket

Ellen and the Shake Weight!



This episode is soooooo hilarious I fell from my bed laughing! Whahahah! I saw the same thing from Chelsea Lately a few weeks back. This product is so kinky, its so funny! whahaha!!!!
Photobucket

Taylor Lautner in SNL (Lab Partners)



Katawa ever! whahahahh!
Photobucket

Face Book Quiz Q&A

Photobucket


Need I say more???

Photobucket

Team Jacob

Photobucket

RAWWWWWRRR!!!


Photobucket

Biyaheng Lupa



Awwww... hindi ko to napanood. Nakita ko na yung trailer na to nung november. Kung alam ko lang na dec 2 sya pinalabas, after ng RSCE eh direcho nako Robinsons. Coco! Patawad! hindi ko napanood to! huhu! Pero papanoorin ko sya pag nilabas sa DVD! Pwamis!

Photobucket

Predator and Prey

Photobucket


Napaparrazzi ako! Wahahhaha! This picture was taken during the 2nd day of the Regional Symposium on Chemical Engineering held at the Manila Hotel, Dec. 2, 2009. Yung boy na kasama ko, ang name nya ay Liu Feng. He's Chinese, but he's studying in Japan at the Chiba Institute of Technology. Yung Research nya ay about Biotechnology. Ang sabi nya, he synthesized an enzyme from a fungus strain, by high temperature and pressure with catalytic activation. Tas ayun nah, if you mix it with Biomass, magkakaron na tayo ng biofuel. Syempre napakasimple lang ng explanation ko pero marami pang ekek dun un. Sabi nya kasi sa slides nya from Sweden daw yung fungi na ginamit nila. Kaya nitanong nung isang Ma'am kung pati yung soil eh sa Sweden din.

Nung una talaga nahihiya akong magtanong sa kanya. Kasi naman, anu naman ang alam ko sa Biofuels? Biofuels act ng Pilipinas alam ko, pero sa technology behind it, hindi naman completely zero pero iba na kasi yung level nya. He's taking up his masteral already, samantalang ako undergrad palang. Anyway, nakaipon na din ako ng lakas ng loob na lumapit sa kanya. Umalis kasi yung Prof nya tska yung colleague nya. Ayun kaswalan ever akong lumapit. Pero syempre may kahalong kaba un ano. May tanong din kasi talaga ako, hindi ko kasi naintindihan nung una kung pano napasok yung Biofuels sa eksena ng research nya. Bukod pa dun, cute sya pag nakatagilid. hihi! Balik na tayo sa istorya. So ayun na nga, lumapit na nga ako at nagpakilala. Medyo ineexpect nya na din siguro na magtatanong ako, kasi panay tingin ko nung umupo sya. Ayun, medyo tense sya kasi medyo nagmamadali nyang kinuha yung print out nung powerpoint nya nung sinabi kong, "We have a few questions regarding your research..." edi ayun mega tanong ako ng mga technical terms, nagmamagaling ba. At syempre may konting landi na tanong tungkol sa buhay nya. Marami din akong naextract. Sa huli, binigyan nya ako ng calling card nya. Since wala akong maibibigay sa kanyang card, pinasulat nalang nya yung name, number, at email ko sa notebook nya. At dumating na yung mga kasama nya kanina. Matapos ang mahabang usapan, at last shake hands. Iniwanan ko na sya.

Actually, parang gusto ko nang pumunta sa Chiba Institute of Technology at mag-aral! Quesejodang hindi yun yung parang center of technology, kung andun si Liu Feng ay keri nah! Wahahahah! Mga 4 years pa daw ata sya dun kasi he's planning to take his doctorate as well in Biotechnology. Siguro computer apps kukunin kong masteral kung meron dun tas iintergrate ko sa research sa ChE para bongga! whahahha!

Photobucket



Photobucket

Sujo!

Syet! I can't stop watching Super Junior videos again! Ngayon kasi namumukhaan ko na sila lahat. At syempre mega matyag ako sa mga favorite ko. In order of favoritism: Kibum, Kang in, Donghae. Eto yung dalawang fovite kong panoorin kasi yung male oomp! ramdam na ramdam mo! The masculine vibe! AY DYOS KO! Mapapatili ka sa bad boy image! sarap!


Don't Don


Twins (Knockout)


Grabeh si Kibum! Mega ram at sayaw! kakilig dun sa Twins kasi sumasayaw sya! AAAAAAAAHHHHHHH!!!! Kibum! Si Kang-in din! Gusto ko yung semi-kal chubby poo look nya! Grabeh! yum! At syempre! Ang makalaglag panty na si Donghae! Mareng Oliver! Panoorin mo si Donghae sa mga vid na yan! Matatakam ka! Pwamis!

Photobucket

Starstruck V Male Bets

PhotobucketPhotobucket
Piero and Rocco


Ang pinakaunang bet ko talaga ay si Rocco. Pero sa napabalitaan ko eh early favorite daw sya, kaya shift ako ngayon kay Piero. Si Rocco, ang fez value check at talent din check. Raw nga lang pero at least meron na to begin with. Si Piero, sapul ang fez value, segway nga lang sa talent. Pero napag-aaralan naman yun. Kaya mag-aral syang mabuti! hihi! Indairnez ang gwagwapo ngayon ah! Pero hindi lang gwapo ang hanap ko! dapat may talent! kaya titignan naten yan sa mga artista challenge nyo! Goodluck bets!

Photobucket

Mart, boy of my heart

Photobucket


Si Mart talaga ang bet ko sa Starstruck 4. Ngayon na parang medyo wala syang trabaho nakakalungkot. Pero may movie sya this MMFF, sa Shake, Rattle, and Roll XI yung Nuno episode. Kaya mo yan Mart! I believe in you! Hingi ka ng projects! Magaling ka naman umarte eh. Kaso kasi hindi ka makakasurvive ng walang kalove team. Pano ba to, kinalas kasi love team nyo ni Jennica eh. Anyway, kaya mo yan! Wag maggive up! Kaya mo yan! papanoorin lahat ng future projects mo! Mwah mwah! Sana makita kita in person!

Is it just me, or meron isang biglang tingin at nakit ako si Taylor Lautner sa katauhan ni Mart? Wolfy!!! RRRRRRRRRRRRRRR!!!! whjahahha!

Photobucket

Campus Crush

Mula ulet sa direktor ng Provocative Queeriosity Project na si Crisaldo Pablo, itong indie film na ito ay sadyang nakakatuwa. Hihi! Actually sa sobrang tuwa ko sa kanya, dalawang beses ko sya pinanood! Wahahahha!

It's about a fictional all boys school where straight, pamhinta, closetta, and mega-out gays coexist. Ang bongga pa dun, may color coding! Actually, hindi sya sinabi sa film, pero napansin ko lang na yung mga out gays eh purple yung tie, tapos the others (Straight, pamhinta, closetta), yellow ang tie. Ni-aassume ko lang na may straight sa movie na yun, sa totoo lang kasi wala kasi akong nakita eh.

Gusto ko yung idea na yun! Yung school na ganun, may color coding ng tie! Parang its a symbol of pride na din if your brave enough to admit that you're gay. Hindi man super all out na transvestite na, basta't alam mo na bakla ka! Wear it proud! Purple tie! Tapos meron silang equality week! Para sa mga bading yun! May Equality Party pah! Gusto ko ng ganyan!

Visuals
Ang masasabi ko lang, nakakaloka! Opening Sequence palang, nagbibihis na agad! Tapos next sequence, may hadahan agad! Kaloka! Meron lang akong nakitang mga show skins na feeling ko eh unnecessary nah. Like yung umuwi si Edge sa bahay tas mega hubad sya sa hagdan pati undies tska nagdrama. Hindi ko lang nagets kung baket nya pa ginawa yun. Is it a symbolism na hinuhuban nya na lahat ng "armor" para makita ng audience yung "naked" Edge? yun bang defenses down, raw Edge? Siguro yun nga yun. Meron ding konting peeps ng mga tubo ng mga kalalakihan. Hands down ka din sa katawan ng mga papables. But like I said, wala akong nakitang straight sa movie. So Atehan ang nangyayari dyan.
Gusto ko yung love scene ni Cris at ni Edge, hindi sya bastos. It's just showing love to your partner. Hindi naman kasi talaga kelangan ng insertion ng phallus sa kung saang butas para lang masabing mahal nila ang isa't isa.

Issues
Bakla ang nakikipaglaro sa kapwa bakla. Basically lahat nung nakayellow tie ay bakla din. Tapos yung barkadahan nila Knoxx, Ram, and Edge plus may isa pang hindi ko nakuha yung name, nagpustahan sila nang...
"Tutal Gender Equality week naman, maghanap tayo ng people like us pero loser tas paliligayahin natin. Kung sino ang nakapagpaligaya ng pinakaloser sya ang panalo.

Actually sa second time ko narinig yung "people like us" line. Kaya napagtanto ko na sinabi naman pala agad na bakla sila at hindi straight. In the end, sinabi din sa huli na bakla nga sila at nakakaloka dahil ang dahilan nila kaya nila ginawa yun dahil nga gender equality week. Ginagawa nila yun para naman bigyan ng pleasure yung mga unfortunate loser gays. Meron nga lang akong naisip bigla, nagkatikiman na kaya yung mga magbabarkadang pamhin na yun?? Parepareho sila ng hanap eh.

Joeffrey Javier
PhotobucketThis is the 2nd Indie film ni Joef na napanood ko. Yung una ay yung Boylets. Hindi ko sya agad namukhaan. Kasi medyo nerdy yung itsura nya. Tsaka parang iba yung boses nya. Tsaka medyo nagimprove yung acting nya. Ang deep kasi nung character nya eh. Crush ko na sya sa BOYLETS mas lalo ko pa syang naging crush dito! Iba kasi talaga ang dating saken ng mga nerds eh. Para saken sila ang depinisyon ng gwapo! whahahha! Ang cute cute nya pag may salamin. Pag tinanggal na, nawawala na yung charm. Anyhoo, gwapo pa din naman sya kahit walang salamin, I just prefer the nerdy one. Papanoorin ko sya ulet sa next indie film nya na Espadahan kasama pa din ang leading man nyang si Aljay Carreon.

PhotobucketPhotobucket
Obvious ba kung nasan dyan si Joef? Ang gwapo!


Chamyto
Naloka ako sa baklang to! He's a mix of Joeward, Allan, and yours truly. Hindi alam ng father (joey), Mayaman (Allan), and Aggressive (Moi!). Kaya natatawa ako lagi sa mga eksena nya. Sobrang naalala ko yung sarili ko sa confrontation scene. Talagang sampalan ng words! Winner!

Cris
Eto yung role ni Jeof. Medyo karelate din ako sa kanya, anti social minsan din kasi ako. Tsaka ang deep! Parang laging maraming iniisip (parang ako nga!). Mahilig din sya sa aso, tsaka loyal talaga sa crush nya. (akong ako! xet!) Masaya naman ako at naging happy sya sa huli. I'm happy for you bakla!

Mother ni Cris
Winner itong mother na ito! tanggap na tanggap na bakla yung anak nya! Ang gawliong at gay lingo pa talaga yung usapan nila ha! Tas nakakatawa nung "inuwi" ni Cris si Edge, aba! Ang bruha mega reveal ang sikreto ng anak kay Edge, kesyo patay na patay to sa kanya etc. Pinakanakakatawa yung nagbigay ng condom at lubricant si mudra! whaahahah! Ang funny at awkward nung scene. Hindi kasi common yung nanay pa yung nag-uurge na magpauring yung anak diba?
Gusto ko yung drama scene nilang magnanay. tas may linyang ganto si mudra:
"Natakot ako nak nung sinabi mo saking bakla ka. Lahat naman kasi tayo tinuruan kung pano maging mabuting lalaki at babae. Kaso hindi naman mababasa sa libro kung pano maging masayang bakla, kung pano maging mabuting bakla..."

Napaisip ako sa linyang yan. Oo nga noh. Kaya siguro nagkaroon ng super mega diverse types of homosexuals siguro dahil wala din naman nakakaalam kung ano ba talaga ang standard of being gay. Wala kasing guidelines. Kaya may balahura at meron din firm and proper. Siguro nasa environment nalang siguro yun habang lumalaki yung bading kung anong klaseng bading sya. But one thing is sure. Bading! whahaah!

bakla try mo panoorin! masaya talaga sya!

Photobucket

Rodel Nacianceno

Kilala mo ba yang boylalou na may name na ganyan? Clue: sya ang pinakafavorite kong Filipino Actor. Sirit??

Sya ay walang iba kundi si...
Photobucket
Coco Martin


This is the 2nd time that I am making a post about him. Kasi kanina napanood ko sya sa Rated K. Kapuso ako pero para lang sa kanya pinanood ko yung segment na yun. Sabi pa nga dun ng isang fan, simula palang daw sa 1st teleserye nya pinapanood na nya si Coco. Well! Talbog ka sakin inang! Ako simula indie film days palang nya pinapanood ko na sya! Naexcite pa nga ako nung nasa Daisy Siete sya eh at nung nalaman kong Exclusive talent sya ng GMA eh. Kaso ayun, pinakawalan ng mother station ko ang isang magandang isda. OK na din na lumipat sya at least ngayon he's earning the fame and attention that he deserves.

Hindi ko pa sya na cocongratulate sa mga awards na napanalunan nya.
  • Gawad Urian Best Supporting Actor for Jay
  • Golden Screen Award Best Performance by an Actor in a Supporting Role (Drama, Musical or Comedy) for Jay
  • Young Critic's Circle Best Performance by Male or Female, Adult or Child, Individual or Ensemble in Leading or Supporting Role for Masahista
  • 2009 PMPC Star Awards for TV's "Best Drama Actor" for Tayong Dalawa


Meron akong 3 indie films na napanood na talagang gustong gusto ko yung role ni Coco. Meron pa kasing mga indie nya na hindi ko pa napapanood. Ang hirap naman kasi ngayon kasi panggabi ako, hindi katulad dati after class fly nako sa mall. Anyway, about the indie films, yung tatlong indies na yun ay Jay, Condo, and Daybreak.

Jay. Eto ang pinakarecent na napanood kong indie film nya. Oh diba obvious na hindi ko na sya napapananood kasi 2008 pa huling lumabas yan. Anyhoo. Fav ko ang role nya dito as Edward yung ex-boyfie ni Jay. Ewan ko ba sa baklang yun. Ang ganyang kagwapo at kabaet na boyfie hindi na pinapakawalan. May fav line ako dun eh. Nung hinihingan sya ng message dun sa pumatay kay Jay.
"putang ina mo! sya nalang ang inaasan nila pinatay mo pah!"

Nandun kasi yung power nung words nya. Tsaka yung emotion na talagang galet. Kakainluv!

Condo. Ang role naman nya dito ay isang sekyu sa isang Condominium. Gusto ko yung attack nung sa movie. Lalo na yung tag line na "Hanapin ang iyong sarili". That's figurative and literal. Kasi hinahabol nya pala talaga ang sarili nya! Ang galing! Naku kung ganyan ang sekyu sa mga condo, sus!

Daybreak. If I'm not mistaken, this is the 1st Coco Martin Film that I ever watched. Gustong gusto ko tong movie na ito because of its simplicity. 2 lang yung taong mapapanood mo. Nasa dialog talaga yung story. At ang pinakagusto kong pasrt is yung mga nonverbal communication. Yun bang nagkatinginan lang parang sinasabi nila na mahal na mahal nila yung isa't isa. Yung yakap na hindi na kelangan ng salita. Yung mga tingin sa kawalan na hindi mo alam kung anong iniisip nya. Nadala talaga ako ng movie na ito. Naiyak nga ako eh. At halos 2 beses ko na syang pinanood nung araw na yun sa sobrang ganda. Mahirap kasi talaga yung sitwasyon nila. At bilang ang taong iiwanan. Kahit ako matutulala nalang sa kawalan matapos ang isang araw na pagsasama tas iiwanan.

Naku pag nagmall tour talaga yang si Coco sa city, makikipagpatayan talaga ako! I'm a big big fan talaga! Kaya sana kahit pa nasa mainstream industry na sya, wag nyang kalimutan yung Indie. Papanoorin ko sya lagi!

Eto nalang ang paconsuelo ko. Medyo kamukha sya ng isang taong malapit sa puso ko! hihi!
PhotobucketPhotobucket


Ok ok hindi sa picture! pero in person pwamis!

Photobucket

Defying Gravity

This is my most favorite song yet from Glee!! The lyrics is so gay! Freedom! Defying the law! I soooooooooo lurv that idea! Take it from someone na lagi na lang sumusunod sa batas! Minsan nakakasakal na. If I remember correctly, the nature of law is to guide, not to inhibit. Pero ewan ko lang bakit lumalabas sa ating society, especially in school eh puro inhibitions. Bawal ang ganto, bawal ang ganyan, wala nang pwede to, pwede yan. Oh well ganun talaga siguro ang buhay.

I like this version of Chris Colfer. Siguro dahil tagos sa puso't damdamin ko. Nung pinapanood ko nga yung Diva Off episode na yun, I am praying so much na sana si Kurt Manalo. Pero ayun talo sya. Here it is!


Defying Gravity
Chris Colfer

Something has changed within me
Something is not the same
I'm through with playing by the rules
Of someone else's game
Too late for second-guessing
Too late to go back to sleep
It's time to trust my instincts
Close my eyes: and leap!

It's time to try
Defying gravity
I think I'll try
Defying gravity
And you can't pull me down!

'm through accepting limits
''cause someone says they're so
Some things I cannot change
But till I try, I'll never know!
Too long I've been afraid of
Losing love I guess I've lost
Well, if that's love
It comes at much too high a cost!
I'd sooner buy
Defying gravity
Kiss me goodbye
I'm defying gravity
And you can't pull me down




Photobucket

Unang Tirada: the USTChE 2010 Cebu field Trip Part 1

*update notes*

I've takenoff some parts as requested by important persons. There are actually more that I want to say in this entry, but I'll save them for later in future detailed posts.

Sa mga hindi naman nagbabasa ng introductory message, I made sure that you will. Ginawa ko syang font size 4 bold italics and underlined. These are my sentiments. Ito ang lumalaro sa utak ko. Ito ang mundo ko.

Thanks Leah! RED IS THE COLOR OF ATTENTION!! WHHAAHAH!!!



This post is a general view the USTChE 2010 Cebu Field trip. It will cover my general sentiments before, during, and after the trip. Reactions are very much appreciated especially violent ones.

Cebu vs Cebuhol
Nagkaron kami ng forum about the this. Kung ang pupuntahan namin ay Cebu or Cebu Bohol. Debate na ngang maituturing yung lumabas sa pag uusap namin eh. Ang lumalabas, karamihan talaga sa section namin (5ChE-A) ay gustong pumunta sa Bohol. Kabaliktaran naman sa kabila. Meron lang mga ilang banat na talagang nakakairita.
"I am not against sa pagpunta sa bohol, pero hindi rin ako pro sa pagpunta sa Bohol... At the end of the day, this is a 2 unit subject that we need to pass."

More or less yan yung sinabi nya. So anu sya??? Nagpleplaying safe masyado. Ayoko ng ganun, one should have a firm decision on this kind of issue. During the course of the forum, his intonation and his words clearly implies that he is against going to Bohol. Playing safe only made his remark inconsistent and irritating. Aside from that, he together with our representatives, formulated the criteria to go to Bohol. Which I think is most favorable on their side. I think it happened because our representatives are not really not that aggressive. We gave them the 5A spirit of not giving up but to no avail where our points were considered. In the end, there was no clear decision for the trip.

The Jacket and the batch shirt
Our class decided to have a jacket made. To tell you honestly, I am not really impressed on how the jackets were made, especially mine. Mine doesn't seem to fit. I can't close the zipper completely, it has poor finishing especially at the accents. I don't have the side accents as well. But I still wear it with pride despite its many flaws. it even boosted my sense of loyalty to my section.
Ok wag na tayong magpakaplastik, siguradong may mga taga section B na nagkaron ng tension sa section A dahil sa pagpapakagawa namin ng jacket. Wala ako sa position ngayon para sabihin ang mga bagay na alam ko. Ang masasabi ko nalang, it was a class jacket. It was a decision made by our class to have it made and no other factors should affect it. The last time I checked, its a free country and we have the liberty to have that jacket made without asking consent to anyone but the members of our class.
On the note naman of the rumored batch shirt which I heard if I remember correctly the Thursday before our trip. I'm not going buy that shirt. Why? The color is such a blah!!! OLIVE GREEN?! Yuck!!! Sang lupalop naman nakuha yang kulay na yan! Fatigue color?! Pwede pa siguro kung yung diamond blue since Diamond year na nung Department namin. Another thing, section A was not consulted with this shirt. I'm sure the color would not be olive green if were. Saken lang eh, super duper negative points na yang kulay na yan. Sa next posts nalang yung mga detailed. In the end, yung rumor of a batch shirt transformed into a class shirt.

The Credit
*removed as requested*

The Itinerary
I actually got a hold of the soft copy of the itinerary a few hours before the trip. I even uploaded it on our yahoogroup. I EFFING HATE IT!!!! This yet again another instance that our class was not consulted. I mean, this is something that will affect the course of our trip. I think that we had the right to be consulted in this part of the preparation. It may not be with us en banc but at least through our president, we were informed. But unfortunately, it seems that even our president was not informed. The decision for this itinerary should be the concurrence of the ideas and desires of the whole batch and not just a certain group. This is where leaders failed miserably because there was no proper consultation.
Another note, since they wanted to visit more plants in that trip, I find it ironic that the only acceptable plant visit was that from Yamamura packaging. If paso factory, guitar factory, and sugbu demo factory are now considered plants then kill me for saying that they're not.
Also, I feel like the Bohol people would not have benefited in the itinerary. I mean, we can easily squeezed in the plants during the 1st and 2nd day of the trip and went to Bohol the days after. It is possible because we only stayed in the plants no more than 2 hrs.

Crown Regency Guadalupe
I'm not going back to that hotel. Bukod sa sira yung jacuzzi at hindi lumalamig yung aircon namin, they failed to give us another room despite this fact. Sana lang kasi eh alam nyo na ngang may sira wag nang ibigay pa sa guest. Isa pang ayoko eh walang pinto yung bathroom. Sus, pano ka magkakaron ng privacy dun?

Crown Regency Tower
I opted not to try the edge coaster and the skywalk because of the rumors that we will go through with Bohol. But unfortunately, it did not push thru because the price of going to Bohol increased from 800 to 1100 pesos. Good thing there is Starbucks to ease my pain! Whahahaahh!

Eat all you can buffet
Ngayon, parang ayoko nang mageat all you can. Napurga ako sa eat all you can sa Cebu. May masarap, meron ding hindi. Puro fried yung breakfast. I would have preferred bread sana. Pero ok lang din, it is always good to eat breakfast with good company especially with friends.

Inuman sessions
Isang beses lang ako uminom. Ang konti pa nung nainom ko. At kahit umiinom ako kasama ng mga boys hindi ko sila ginagalaw. Kasi sabi nga sa isang indie film na pinanood ko yung Vhagetz, paalala sa batang jokla ng kanyang papa,
"Wag kang gagawa ng bagay na maari mong ikahiya"

Kung meron kang gagawing kagagahan, panindigan mo yung ginawa mo. Hindi mo kelangan magbunton ng sisi sa iba. Wag kang Hayden. Getz mo? Isa pang payo, ang mga lalaking walang betlog na ipagtanggol ang kaibigan ay walang karapatang maging kaibigan.

University of San Carlos Chemical Engineering Department
Palong Palo!!! Yun nah! Kaya natin yan Ma'am Philip!!! Tatalbugan natin sila!

*removed as requested*

Watch out! Detailed na yung mga susunod kong ilalabas! *ebil smile*

Photobucket

Finding a reason

I'm here right now sitting on a chair, with this notebook on my lap, typing away this impromptu blog. On my left, and the one nearest to me, is Alberchie. On my right, is Donald. Both sleeping soundly. (Cause I'm hearing them snore.) As I silently give thought to what is going on in my life, I remember the times when I thought that I lost everything. I thought I was a loser then, having to eat alone, study alone, and such. But now, I know the reason why I became one, and I made a decision that will change my life.

I have deciphered the root of my demise. I think it is because I chose to become a student leader rather than the muse of the ChE-A DotA boys. Although I would admit that being a student leader has its advantages, but being the so called "muse" and be accepted as one of them, PRICELESS. No amount of leadership experience or wealth can amount to the happiness that those boys gave me.

So starting now, I would prioritize every endeavor that they would want to do.
Starting now, I will less of a student leader, and more of the Muse of the ChE-A DotA boys.
Starting now, I'll show all of them that they really mean so much to me.
Starting now, I'll make them feel that I am here.

Photobucket


I really love those boys, and its time to show them that I do...

Photobucket

Super Junior M, Super Girl



Haru! Pagkagwapo naman ng mga lalaking ito! They look sooooooooooooo good! Donghae! Nalaglag ang panty ko sayo! Korek si Mareng Oliver! At! Chinese ang kantang ito! Medyo nababasa ko yung subtitle na chinese kasi eh. Kakilig while watching!

Photobucket

Deep inside of my mind

"it's always better to ACCEPT the fact that you are not appreciated than to INSIST yourself to someone who never sees your worth"


tanong saken ni Dadee, "parang lagi yan yung iniisip mo..."

sagot ko, "eh yan yung nararamdaman ko eh..."

Yan na siguro yung default setting ng utak ko. Kasi nga, I feel like I'm just an object. Feeling ko, "gamit" lang ako na matapos pakinabangan eh itatago na ulet. This is really the thought that always rots my mind. Siguro dahil alam ko kung sino yug mga lalaking pinapahalagahan ko, sila yung mga taong turing saken ay isang gamit lang. Ganon talaga ang life! Unfair! Pero ganun talaga sya! Xet! Emo!


Photobucket