Photobucket


Napaparrazzi ako! Wahahhaha! This picture was taken during the 2nd day of the Regional Symposium on Chemical Engineering held at the Manila Hotel, Dec. 2, 2009. Yung boy na kasama ko, ang name nya ay Liu Feng. He's Chinese, but he's studying in Japan at the Chiba Institute of Technology. Yung Research nya ay about Biotechnology. Ang sabi nya, he synthesized an enzyme from a fungus strain, by high temperature and pressure with catalytic activation. Tas ayun nah, if you mix it with Biomass, magkakaron na tayo ng biofuel. Syempre napakasimple lang ng explanation ko pero marami pang ekek dun un. Sabi nya kasi sa slides nya from Sweden daw yung fungi na ginamit nila. Kaya nitanong nung isang Ma'am kung pati yung soil eh sa Sweden din.

Nung una talaga nahihiya akong magtanong sa kanya. Kasi naman, anu naman ang alam ko sa Biofuels? Biofuels act ng Pilipinas alam ko, pero sa technology behind it, hindi naman completely zero pero iba na kasi yung level nya. He's taking up his masteral already, samantalang ako undergrad palang. Anyway, nakaipon na din ako ng lakas ng loob na lumapit sa kanya. Umalis kasi yung Prof nya tska yung colleague nya. Ayun kaswalan ever akong lumapit. Pero syempre may kahalong kaba un ano. May tanong din kasi talaga ako, hindi ko kasi naintindihan nung una kung pano napasok yung Biofuels sa eksena ng research nya. Bukod pa dun, cute sya pag nakatagilid. hihi! Balik na tayo sa istorya. So ayun na nga, lumapit na nga ako at nagpakilala. Medyo ineexpect nya na din siguro na magtatanong ako, kasi panay tingin ko nung umupo sya. Ayun, medyo tense sya kasi medyo nagmamadali nyang kinuha yung print out nung powerpoint nya nung sinabi kong, "We have a few questions regarding your research..." edi ayun mega tanong ako ng mga technical terms, nagmamagaling ba. At syempre may konting landi na tanong tungkol sa buhay nya. Marami din akong naextract. Sa huli, binigyan nya ako ng calling card nya. Since wala akong maibibigay sa kanyang card, pinasulat nalang nya yung name, number, at email ko sa notebook nya. At dumating na yung mga kasama nya kanina. Matapos ang mahabang usapan, at last shake hands. Iniwanan ko na sya.

Actually, parang gusto ko nang pumunta sa Chiba Institute of Technology at mag-aral! Quesejodang hindi yun yung parang center of technology, kung andun si Liu Feng ay keri nah! Wahahahah! Mga 4 years pa daw ata sya dun kasi he's planning to take his doctorate as well in Biotechnology. Siguro computer apps kukunin kong masteral kung meron dun tas iintergrate ko sa research sa ChE para bongga! whahahha!

Photobucket



Photobucket