Mula ulet sa direktor ng Provocative Queeriosity Project na si Crisaldo Pablo, itong indie film na ito ay sadyang nakakatuwa. Hihi! Actually sa sobrang tuwa ko sa kanya, dalawang beses ko sya pinanood! Wahahahha!

It's about a fictional all boys school where straight, pamhinta, closetta, and mega-out gays coexist. Ang bongga pa dun, may color coding! Actually, hindi sya sinabi sa film, pero napansin ko lang na yung mga out gays eh purple yung tie, tapos the others (Straight, pamhinta, closetta), yellow ang tie. Ni-aassume ko lang na may straight sa movie na yun, sa totoo lang kasi wala kasi akong nakita eh.

Gusto ko yung idea na yun! Yung school na ganun, may color coding ng tie! Parang its a symbol of pride na din if your brave enough to admit that you're gay. Hindi man super all out na transvestite na, basta't alam mo na bakla ka! Wear it proud! Purple tie! Tapos meron silang equality week! Para sa mga bading yun! May Equality Party pah! Gusto ko ng ganyan!

Visuals
Ang masasabi ko lang, nakakaloka! Opening Sequence palang, nagbibihis na agad! Tapos next sequence, may hadahan agad! Kaloka! Meron lang akong nakitang mga show skins na feeling ko eh unnecessary nah. Like yung umuwi si Edge sa bahay tas mega hubad sya sa hagdan pati undies tska nagdrama. Hindi ko lang nagets kung baket nya pa ginawa yun. Is it a symbolism na hinuhuban nya na lahat ng "armor" para makita ng audience yung "naked" Edge? yun bang defenses down, raw Edge? Siguro yun nga yun. Meron ding konting peeps ng mga tubo ng mga kalalakihan. Hands down ka din sa katawan ng mga papables. But like I said, wala akong nakitang straight sa movie. So Atehan ang nangyayari dyan.
Gusto ko yung love scene ni Cris at ni Edge, hindi sya bastos. It's just showing love to your partner. Hindi naman kasi talaga kelangan ng insertion ng phallus sa kung saang butas para lang masabing mahal nila ang isa't isa.

Issues
Bakla ang nakikipaglaro sa kapwa bakla. Basically lahat nung nakayellow tie ay bakla din. Tapos yung barkadahan nila Knoxx, Ram, and Edge plus may isa pang hindi ko nakuha yung name, nagpustahan sila nang...
"Tutal Gender Equality week naman, maghanap tayo ng people like us pero loser tas paliligayahin natin. Kung sino ang nakapagpaligaya ng pinakaloser sya ang panalo.

Actually sa second time ko narinig yung "people like us" line. Kaya napagtanto ko na sinabi naman pala agad na bakla sila at hindi straight. In the end, sinabi din sa huli na bakla nga sila at nakakaloka dahil ang dahilan nila kaya nila ginawa yun dahil nga gender equality week. Ginagawa nila yun para naman bigyan ng pleasure yung mga unfortunate loser gays. Meron nga lang akong naisip bigla, nagkatikiman na kaya yung mga magbabarkadang pamhin na yun?? Parepareho sila ng hanap eh.

Joeffrey Javier
PhotobucketThis is the 2nd Indie film ni Joef na napanood ko. Yung una ay yung Boylets. Hindi ko sya agad namukhaan. Kasi medyo nerdy yung itsura nya. Tsaka parang iba yung boses nya. Tsaka medyo nagimprove yung acting nya. Ang deep kasi nung character nya eh. Crush ko na sya sa BOYLETS mas lalo ko pa syang naging crush dito! Iba kasi talaga ang dating saken ng mga nerds eh. Para saken sila ang depinisyon ng gwapo! whahahha! Ang cute cute nya pag may salamin. Pag tinanggal na, nawawala na yung charm. Anyhoo, gwapo pa din naman sya kahit walang salamin, I just prefer the nerdy one. Papanoorin ko sya ulet sa next indie film nya na Espadahan kasama pa din ang leading man nyang si Aljay Carreon.

PhotobucketPhotobucket
Obvious ba kung nasan dyan si Joef? Ang gwapo!


Chamyto
Naloka ako sa baklang to! He's a mix of Joeward, Allan, and yours truly. Hindi alam ng father (joey), Mayaman (Allan), and Aggressive (Moi!). Kaya natatawa ako lagi sa mga eksena nya. Sobrang naalala ko yung sarili ko sa confrontation scene. Talagang sampalan ng words! Winner!

Cris
Eto yung role ni Jeof. Medyo karelate din ako sa kanya, anti social minsan din kasi ako. Tsaka ang deep! Parang laging maraming iniisip (parang ako nga!). Mahilig din sya sa aso, tsaka loyal talaga sa crush nya. (akong ako! xet!) Masaya naman ako at naging happy sya sa huli. I'm happy for you bakla!

Mother ni Cris
Winner itong mother na ito! tanggap na tanggap na bakla yung anak nya! Ang gawliong at gay lingo pa talaga yung usapan nila ha! Tas nakakatawa nung "inuwi" ni Cris si Edge, aba! Ang bruha mega reveal ang sikreto ng anak kay Edge, kesyo patay na patay to sa kanya etc. Pinakanakakatawa yung nagbigay ng condom at lubricant si mudra! whaahahah! Ang funny at awkward nung scene. Hindi kasi common yung nanay pa yung nag-uurge na magpauring yung anak diba?
Gusto ko yung drama scene nilang magnanay. tas may linyang ganto si mudra:
"Natakot ako nak nung sinabi mo saking bakla ka. Lahat naman kasi tayo tinuruan kung pano maging mabuting lalaki at babae. Kaso hindi naman mababasa sa libro kung pano maging masayang bakla, kung pano maging mabuting bakla..."

Napaisip ako sa linyang yan. Oo nga noh. Kaya siguro nagkaroon ng super mega diverse types of homosexuals siguro dahil wala din naman nakakaalam kung ano ba talaga ang standard of being gay. Wala kasing guidelines. Kaya may balahura at meron din firm and proper. Siguro nasa environment nalang siguro yun habang lumalaki yung bading kung anong klaseng bading sya. But one thing is sure. Bading! whahaah!

bakla try mo panoorin! masaya talaga sya!

Photobucket