Sya ay walang iba kundi si...
Coco Martin
This is the 2nd time that I am making a post about him. Kasi kanina napanood ko sya sa Rated K. Kapuso ako pero para lang sa kanya pinanood ko yung segment na yun. Sabi pa nga dun ng isang fan, simula palang daw sa 1st teleserye nya pinapanood na nya si Coco. Well! Talbog ka sakin inang! Ako simula indie film days palang nya pinapanood ko na sya! Naexcite pa nga ako nung nasa Daisy Siete sya eh at nung nalaman kong Exclusive talent sya ng GMA eh. Kaso ayun, pinakawalan ng mother station ko ang isang magandang isda. OK na din na lumipat sya at least ngayon he's earning the fame and attention that he deserves.
Hindi ko pa sya na cocongratulate sa mga awards na napanalunan nya.
- Gawad Urian Best Supporting Actor for Jay
- Golden Screen Award Best Performance by an Actor in a Supporting Role (Drama, Musical or Comedy) for Jay
- Young Critic's Circle Best Performance by Male or Female, Adult or Child, Individual or Ensemble in Leading or Supporting Role for Masahista
- 2009 PMPC Star Awards for TV's "Best Drama Actor" for Tayong Dalawa
Meron akong 3 indie films na napanood na talagang gustong gusto ko yung role ni Coco. Meron pa kasing mga indie nya na hindi ko pa napapanood. Ang hirap naman kasi ngayon kasi panggabi ako, hindi katulad dati after class fly nako sa mall. Anyway, about the indie films, yung tatlong indies na yun ay Jay, Condo, and Daybreak.
Jay. Eto ang pinakarecent na napanood kong indie film nya. Oh diba obvious na hindi ko na sya napapananood kasi 2008 pa huling lumabas yan. Anyhoo. Fav ko ang role nya dito as Edward yung ex-boyfie ni Jay. Ewan ko ba sa baklang yun. Ang ganyang kagwapo at kabaet na boyfie hindi na pinapakawalan. May fav line ako dun eh. Nung hinihingan sya ng message dun sa pumatay kay Jay.
"putang ina mo! sya nalang ang inaasan nila pinatay mo pah!"
Nandun kasi yung power nung words nya. Tsaka yung emotion na talagang galet. Kakainluv!
Condo. Ang role naman nya dito ay isang sekyu sa isang Condominium. Gusto ko yung attack nung sa movie. Lalo na yung tag line na "Hanapin ang iyong sarili". That's figurative and literal. Kasi hinahabol nya pala talaga ang sarili nya! Ang galing! Naku kung ganyan ang sekyu sa mga condo, sus!
Daybreak. If I'm not mistaken, this is the 1st Coco Martin Film that I ever watched. Gustong gusto ko tong movie na ito because of its simplicity. 2 lang yung taong mapapanood mo. Nasa dialog talaga yung story. At ang pinakagusto kong pasrt is yung mga nonverbal communication. Yun bang nagkatinginan lang parang sinasabi nila na mahal na mahal nila yung isa't isa. Yung yakap na hindi na kelangan ng salita. Yung mga tingin sa kawalan na hindi mo alam kung anong iniisip nya. Nadala talaga ako ng movie na ito. Naiyak nga ako eh. At halos 2 beses ko na syang pinanood nung araw na yun sa sobrang ganda. Mahirap kasi talaga yung sitwasyon nila. At bilang ang taong iiwanan. Kahit ako matutulala nalang sa kawalan matapos ang isang araw na pagsasama tas iiwanan.
Naku pag nagmall tour talaga yang si Coco sa city, makikipagpatayan talaga ako! I'm a big big fan talaga! Kaya sana kahit pa nasa mainstream industry na sya, wag nyang kalimutan yung Indie. Papanoorin ko sya lagi!
Eto nalang ang paconsuelo ko. Medyo kamukha sya ng isang taong malapit sa puso ko! hihi!
Ok ok hindi sa picture! pero in person pwamis!
0 comments:
Post a Comment