Nung isang araw, dumaan ako sa Elementary school ko dati. Sa Dr. Kwangson Young Memorial School. Tumanda at inugat na ako dun dahil from Kinder 1 to Grade 6 eh, dun ako nag-aral. Syempre namiss ko dun ang mga kapwa ko ding inuugat at inaamag na mga classmates na from Kinder 1 to Grade 6 din eh classmates ko! Hindi lang sa English! pati sa Chinese sila din ang mga classmates ko! namiss ko na lahat! Yung kulitan, takutan, harutan, kantahan, iyakan, friends forever na drama! At eto pah ang mga nakakamiss:
  • yung mga desk na merong ilalim. Nung college and HS kasi armchair na ang gamit.
  • magten-twenty twing recess. Tapos, lahat gusto Hati-buhay.
  • ang magshare na scary stories namin about the third floor. Meron naman kasing kababalaghan dun.
  • Mag-iwan ng bag sa kwarto na hindi naman ginagamit. ang lalaki kasi ng libro eh.
  • tingnan ang circle of teachers na nakatayo sa ilalim ng puno ng bounganvilla twing recess. Pareho yan whether english or chinese department.
  • maglaro ng agawan base. Alam mo nang may nakakuha na ng base kasi tutunog yung gate na bakal. *PAK!*
  • Tumambay sa may bintana at dun magkantahan!
  • Laruin yung kantahan na game tapos yung last word susundan nung kasunod na player.
  • Tawagin sa pet name nila ang mga teachers! Si BULLDOG, Si BOOGER, Si SANDOK, Si BALI!
  • yung makarinig ng hampas ng kahoy sa pinto. *PAK!* Isa lang ang ibig sabihin nun! Si Ninong Alex parating!
  • yung feeling na magkukumahog dahil sabi ng look out "Si Dy Sien!". Tapos uupo. Pag dating sa pinto nung tao, isang magalang, plastik, at sabay-sabay na... "DY LAW SHER U AN!!!"
  • yung Music Class ng Chinese dept every Wednesday!
  • yung nung Grade 2, pag Swan Sut (Math) class, sisigaw ng "Di kong kong! Di it di! Di di si!.... Di Sieng chap di chap!" Multiplication table yun in chinese ginawa namin yun lagi after recess pag chinese. May recitation pa nga eh! Ang hindi makasagot palo sa kamay!
  • yung Moh Pit na pinapagawa twing weekends na nakakatamad gawin! Buti nalang may Daya Moh Pit na nabibili! Kaso humirap nung sa Tai Kai na pinapagawa!
  • Yung preparations twing Xmas Program! Lumabas ang pagkatalented ng mga Kwangson Kids kasi pampataas ng grades yan eh! Tapos yung tutulong pa sa paggawa ng decor sa stage twing saturday!
  • si Sir Dennis na balita ko ay Songster nah!
  • yung buong class nagchicheating kasi sadyang hindi kami studious sa chinese subjects!
  • ang hiraman ng dictionary dahil Chok Bun Friday! Hindi uuwi ang hindi tapos!
  • Yung mga contest ng Chinese Dept! Nakasali ako sa SikaKobe contest, Chiu Kwa Pisay, Yen Kang Pisay, dun lang ata.
  • nakakamiss yung fav subj ko na Kok Im dahil sa introduction ng SikaKOBE!!!
  • magslide dun sa small and big slides. *buhay pa kya yung mga yun?*
  • Yung sigawan pag nagring na yung bell dahil tapos na ang recess.
  • Maging guard sa pila pag higher grade kana.
  • yung sasabihin na "Chang Hwei Li pin kwo ke!" Kumanta daw ng Philippine anthem twing after Chinese recess dahil flag retreat naman.
  • bilyaran sa sakayan! OMFG! Naalala ko pa nung nahuli sina Josephine na nagbilyar! Sabi ni Benedict! "Shet si Ma'am!" WAHAHAHHAH!
  • magbahaybahay ng mga classmates kasi malapit lang yung mga bahay nila.
  • suotin yung PE uniform twing friday! Kasya pa sakin yung shirt ko! Pwamis!
  • yung chizzmax ng lupon ng mga nanay na naghahatid ng pananghalian sa mga anak nila!
  • kumanta ng "Chaw fei chi Chaw fei chi" Na syang nagpanalo saken nung Kinder 2 sa Chiu kwa pisay ng first place!
  • at kantahin ang DKYMS Hymn! "Rang Wo Men Pai so *clap!* Wan hu i chien ni! Hwan yeng ni... Taw kwang seng lai!"
Sana makita ko pa sila lahat ulet. Huli kong nakita si Benedict nung birthday nya. Haaay kamiss sila!
Photobucket