Winner na winner ang pilot episode ng Endless Love: Autumn in my heart remake ng Kapuso network na nag-air kagabi! As in nagreminisce ako ever dun sa original! Ang ganda ganda kasi ng story nun kaya talagang patok na patok eh. Kaya babantayan ko talaga ang story neto at sana wag na nilang baguhin masyado at wag na iextend. Maganda na ang story as is.
Nakakaloka yung cast! Si Tirso Cruz III plays Robert yung father ni Johnny, real father ni Shirley at foster dad ni Jenny. Si Sandy Andolong who looks good in her extensions plays Katherine, mother ni Johnny, real mother ni Shirley at foster mom ni Jenny. Si Janice de Belen who I can say is really good in portraying Suzy, the foster mom of Shirley and the real mother of Jenny. Kristoffer Martin plays the young Johnny and I find him cute! Wihi! Kathryn Bernardo plays the young Jenny na para saken ang chaka chaka. Joyce Ching plays young Shirley na tingin ko ay bagay na bagay sa kanya because of here bitchy feel dahil na rin siguro sa kanyang chinita eyes! Joyce's counterpart will be Nadine Samonte who is I think one of the best products of Starstruck. YES!!! Dennis Trillo will play Won Bin's role as Andrew! Talagang magproprotesta ako pag hindi man lang kapantay ng looks ni Won Bin ang gaganap na Andrew! good choice na si Dennis! Winner! At syempre ang lead cast na sina DingDong and Marian for Johnny and Jenny
Balikan natin yung ilang theme songs na nagpaiyak sa sambayanan!
Paglisan
by Elaine Lee
sa aking kamay, ika'y nahimlay
pawiin ang mga luha
mundo'y luluha, sa iyong paglisan
subalit may bukas pa rin
ang bukas ay magdadala ng bagong umaga,
buong ligaya't pag-asa
eto yung insert song pag medyo madrama na yung scene! Eto na yung kanta di nung namatay si Jenny! Dyos ko! Humahagulgol nako nung una kong napanood yun! Yung buhay ni Johnny si Jenny tapos namatay bigla si Jenny! Haru!
Ikaw
by Faith Cuneta
Dinggin mo itong tibok ng puso ko
Umaawit sa 'yo
Damhin mo ang pintig
Bawat himig ay para sa 'yo
Masdan mo ang ngiti sa labi ko
Inaalay ko sa 'yo
Pangako ko sa 'yong ika'y
Hinding-hindi ko sasaktan
Refrain:
Sa umaga at gabi
Sa bawat oras
Ikaw ang nasa isip ko
Sa lungkot at ligaya
Hirap at ginhawa
Tayo ay magsasama
Chorus:
Ikaw ang nais ko
Ikaw ang inaasam
Sana'y paniwalaan mo
Di ka na luluha
Bawat araw ay saya
Ihahandog sa 'yo
Puso ko't kalul'wa
Ikaw lang ang buhay ko
Ikaw lang ang mahal ko
Eto yung opening and ending song. Kalerkey!
Hinihintay ko yung scene ni Jenny with Suzy nung may leukemia na si Jenny. Yung walang magawa si Suzy kundi umiyak kasi hindi nya matulungan maibsan yung saket na nararamdaman ni Jenny. Tsaka syempre ang death scenes ni Johnny at Jenny! Haaay kaexcite! mapapauwi ako ng maaga nito eh! Mamaya na yung scene na malalaman ni Jenny na hindi sya tunay na anak! Excited nako!
0 comments:
Post a Comment