But scene from that day keeps reiterating in my mind... The setting in which I consider our last goodbye...
Timelimit
by Wilter von Phar
Alas dos ng hapon sa highway
sa ilalim ng katirikan ng haring araw
Mainit ang buga ng hangin galing hilaga
Di katulad ng pakiramdam ko nung oras na yun
Nakatayo tayong dalawa sa lilim ng maliit na puno
Nakamasid sa mga paparating na sasakyan
Naghihintay ng bus na maghahatid saken
Papalayo sa lugar na yon...
sa iyo...
Lumingon ako sa direkyon mo
Pinagmasdan sa huling pagkakataon ang kabuuan mo
Mula ulo hanggang sa lupa
Kinikilatis ang bulto mo
kinakabisado ang bawat alon ng iyong bisig
ang buhok mong binati kong hindi bagay sayo
ang mukha mong nakangiti
ang tshirt mong kulay asul na plain
ang dibdib mong humuhulma sa iyong kisig
ang pantalon mong butas na lagi mong suot
ang bag mong itim na kakulay ng dilim
Napansin mo akong nakatitig sayo
Tinanong mo kung bakit ko ginagawa yon
Iyon na siguro ang huling beses na tatanungin mo ako nun
Lagi kitang tinititigan at pinagmamasdan
ang lagi kong tugon sa tanong mo na iyon ay, "Wala."
Pero sa araw na yun, buong tapang akong tumugon sayo ng:
"Ito na ang huling beses na makikita kita...
Gusto ko lang ng imahe sa utak ko na maalala kita..."
At may nagpakitang paparating na bus
Malapit na matapos ang huling tagpo nating dalawa
Lumingon muli ako sa iyong direksyon
Gamit ang mga mata kong malungkot
Yumakap ako sayo katulad ng pagyakap ko sayo nung huli
Sapagkat sa pagkakatong ito, ito na nga ang huli
Kaya sa huling beses na ito, niyakap kita ng mas mahigpit pa
At bumulong ako sayo ng marahan...
"Super Love you" katulad ng lagi kong sinasabi sayo
at "Sorry", sabay sa pag-agos ng mga luha ko...
Bumitaw tayo sa pagkayapos sa isat isa
ngunit nakahawak pa din ako sa iyong braso
Inabot mo gamit ang kabilang kamay ang mga dala ko..
Inabot ko iyon na para bang mas lalo itong bumigat
Marahil dumagdag na duon ang lahat ng pagmamahal ko sayo
Binubuhat ko na din sya sapagkat tinanggihan mo na itong tanggapin
Sinimulan ko ang pagtapak ng aking paa
isang mabigat na hakbang patungo sa naghihintay na bus
Nagkaron na ng distansya ang ating mga katawan
Ngunit patuloy pa din akong nakahawak sa iyong braso
Tumuloy ang isa pang hakbang
at lumuwag na ang pagkakahawak ko sa braso mo
Isa pang muli at bumaba na ang kamay ko sa iyong pulso
isa pang hakbang at matatapos na ang ating huling tagpo
Natira nalang ay dalawang daliri na pakurot na pilit na kumakapit
Ayaw bumitaw sa iyo
At muli, isang hakbang pa, at tuluyan ng nawala ang koneksyon nating dalawa
Di na maramdaman ng balat ko ang init ng iyong balat
Putol na ang ugnayan nating dalawa
"Wala na", yun ang tugon mo kanina
Wala na nga ito.
Wala na tayong kinalaman sa isa't isa
tapos na ang istorya
Isasara na pintuan
Duon na bumalot ang lamig sa aking balat
di na kita nilingon
di na kita inalala pa
Umupo ako sa likod ng bus
Tumingin sa kawalan
Sumakay na sa biyaheng palayo sayo...
0 comments:
Post a Comment