Lagi ko talagang inaabangan yung Da Hu! segment ng Startalk! LAgi ko kasing nahuhulaan yung mga blind item. Yung initials laging baliktad na kunwari, delfina engklot yung binigay na name, ED yung initials nya. Tapos may iba pang clue na ibibigya para makahula ka.
Blind Item #1:
Subject: Sosi Gels
Ang mga lokalokang babae daw na ito akala mo kung sino. Sympre sosi-sosihan fly sa isang sosiness na bar na puro artista. Edi Sayaw ecklaverva daw ang mga sosi gels. Tapos may girl number 3 daw na anrinig nila na ninenega sila. Sabay sugod daw ng sosi gels kay gelay number 3. Quesejodang nahubaran na ang kawawang gelay number 3 tuloy pa din daw sa pagbububugbog ang mga sosi gels.
Gelay number 1:
Clue: Naglalako ng gin
Initials: AC
Sino si Gelay number 1?
Sino pa? Edi si Anne Curtis! Endorser sya ng gilbeys diba?
Gelay number 2:
Clue: Syofatid ng isang fudra
Initials: GC
Sino si Gelay number 2?
Hindi ko alam! Malamang taga-dos to eh! Eh Kapuso ako! Hindi ko knowing ang stars ng kabilang istasyon! Ung fudra hindi ko sure kung tatay or pari.
Blind item #2:
Subject: Funny Gel
Ang bruhang ito naman daw ay super loud, as in loud na loud. Meron daw one time sa lobby ng isang station, nakita nya ang Lady Boss. Sabay sigaw nang, "Happy Birthday Lady Boss!". hindi daw narinig ni Lady Boss dahil tuloy pa din daw ito sa paglalakad. Sabay sigaw ulet si gelay ng one fret louder, "HAPPY BIRTHDAY LADY BOSS!". Natawa nalang daw si LAdy Boss at pinalapit si Gelay at binulungan, "Thank you pero hindi ko birthday ngayon, wag ka nang maingay". SI Gelay replylalou "I was just joking you Lady Boss! Happy New Year! MErry Xmas! Happy Halloween! Whahahahah!"
Clue: funny sya
Initials: CS
Sino si Funny Gelay? Si Chariz Solomon! Malamang yung Lady Boss si Wilma Galvante! I'm sure it's Chariz kasi lumabas sya sa screen, nagbabanta! Wahahahaha!
0 comments:
Post a Comment