It's frustrating. Kaya mong magbigay at gumawa ng oras para sa isang tao, pero in the end, wala ka namang magawa upang mapawi yung kalungkutan nang taong mahalaga syo. Ang magagawa mo lang, makinig, manood, maghintay.
Ayaw mong nalulungkot sya. Pero wala kang magawa. Wala. Dahil kahit meron kang pwedeng gawin. Hindi rin naman yun ang solusyon sa problema nya. Kaya wala talaga. Pareho kayong walang magawa. Dahil hindi nyo hawak ang sagot sa problema. Kahit lagi mo syang sabihan ng wag malungkot, alam mong hindi mangyayari yun.
Lagi kang nag-aalala. Lagi mo siyang iniisip. Pero hanggang ganun lang ang kaya mon gawin. Dahil wala. Wala. Wala. Wala kang magagawa kundi makinig, manood, mahintay.
Hindi rin naman ikaw yung taong karapat-dapat na gumawa ng mga bagay na hindi na kailangan ng salita. Gusto mong iparamdam na mahalaga sya sa iyo. Na he's not the biggest loser in the world. Pero wala kang pwedeng gawin. Hindi ikaw ang karapat-dapat gumawa nun. Ang pwede mo lang gawin: makinig, manood, maghintay.
Haaaaaaaaaaaay!
0 comments:
Post a Comment