Kahapon nag-enroll ako sa Informatics Dapitan ng Certificate for Macromedia Flash. Muntik na nga ako ng malate sa deadline. Ang mudra ko kasi kung sinu-sino pa kasi ang inuuna. Well anyway, pumunta kami dun sa branch, then nakichikka chika dun sa mga staff dun. Mababait sila infairnalou. Ang bilis nga ng pagkakaenroll ko. After a few signing up, bayaran ang poof! tapos na kagad! Totally different kung icocompare mo sa enrollment ng UST.
So anyway, nung nakalabas na kami from the building, si mudra nag-aya kumain. Gusto daw nya ng Picha (Pizza). Sabi ko sige dun tayo sa may Lacson, may Pizza Hut. So dumating kami sa place. Nung una medyo ayoko na nung nakita ko yung price. Almost 300 pesos wala pang drinks. Eh nung napatingin ako sa kaliwa nung Cashier meron akong nakitang pamilyar. ChES Card! Dali dali kong tinanong, "Ate in effect pa ba yan?" Uu daw. So labas ng datung ang lola mo at sabay sabing "Sige ate Regular Pan Supreme at 2 iced Tea." All in all 300 lang yung binayaran ko sa laht lahat. Alam nyo ba kung anong effect nung ChES card? 10% Discount! Nakakaloka!
0 comments:
Post a Comment