10,000 BC and Rendition
Speed Racer
10,000 BC
Hindi ko naappreciate tong movie na ito. Siguro dahil hindi ko din naman talaga interest yung mga nangyari nung unang panahon. Naalala ko pa yung remarks dito ni Ben Lyons yung resident movie critic ng E! channel. "It's a waste of time and money." I totally agree! Wala akong napala nung pinanood ko to. Basta ang pangit.
Rendition
Ay naloka ako sa movie na ito. It's about torture of a suspected terrorist. Naloka ako kasi, alam nyo ba kung bakit sya naging suspected terrorist? Dahil isa syang Chemical Engineer. !!! Eh course ko yun eh! Nagkataon lang na he's originally from Egypt. Since Egypt is also Muslim country, naging parang "logical" sa mga Kano na suspect sya. I really loved the movie kasi ang ganda nung flow nung story. At yung ginawa nilang suicide bomber eh binatilyo which is really somehow true literally and figuratively. Naloka ako sa torture scene. Mega kuryente. Kalerkey! Katakot tuloy maging Chemical Engineer! Chos!
Speed Racer
Eto ang pinakafavorite ko sa lahat ng napanood ko nung gabing un. Ang cute kasi ni nung magkapatid na Racer eh! Eto sila:
Speed Racer played by Emile Hirsch
Rex Racer played by Scott Porter
Diba may alter ego si Rex Racer? Si Racer X. Apparently iba yung gumanap dun na actor at eto sya:
Racer X played by Matthew Fox
Ang cute cute kasi ni Speed eh! Bagay sa kanya yung ganyang clean cut itsura. Medyo hindi ko na kasi nagugustuhan yung pics nya na nakikita ko sa net. Rugged na kasi masyado. Pero etong isang to gusto ko:
Naloka ako nung nalaman ko na si Emile na yung gumanap na Speed Racer at yung bida sa movie na Girl Next door is one and the same. Pero grabeh super nakyukyutan ako sa boylalou na itu. hihi!
Pinakagusto ko tong movie na ito dahil sa mga papaness... ay hindi pala, dahil dun sa superb special effects na tanging sa computer or drawing mo lang makukuha. Ang galing galing! feeling ko lahat ng pinagshootingan nila eh puro set lang dahil halatang synthetic lahat yung itsura nung places.
0 comments:
Post a Comment