Waley magawa ang dyosang itey kaya naisipan kong maghanap ng videos sa youtube. At nagpaggistikahan ko yung mga opening ng mga fav tokusatsu shows ko...
MaskmanSino bang makakalimot sa isang babaeng sumisigaw ng
Michael Joe! Micheal Joe! Panalong panalo talaga to for me...
Masaya sa Maskman eh iba iba sila ng Martial arts na ginagamit.
Si Red Mask - Karate
Si Black Mask - Kobudo/Wrestling
Si Blue Mask - Chinese Short Sword
Si Yellow Mask - Ninjutsu
Si Pink Mask - Qi Gong/Tai Chii
Fav Vida:
Takeru/Red MaskAmpogi pogi pogi nya! May Dyosa instincts na ata ako nung panahon na pinapanuod ko sya. Wahahahah! Magaling sya magkarate, at may ADHD. At ang chikka! He's married to a Filipina!!!! Kakaloka! Read it
hereFav Julaban:
FuuminAng laging kalaban ni Yellow Mask! pareho kasi silang ninja. Ang pinakanaalala ko kay Fuumin eh yung pag bumubuga sya ng Apoy! Panalo talaga yan!
Fav Episode:
Yung fav episode ko eh yung kunwari nagbetray si Yellow and Pink Mask sa team nila, only para lokohin si Kiros.
Bonus!
Sino bang makakalimot sa immortal words na monster na ito. "O sya bahala na kayo dyan" o kya "O sya makaalis na nga". Alam mo na lalabas na sya pag ginamit na ng Maskman yung Mask Bomber afterwards naging Jet Cannon.
Turbo RangerFav ko tong sentai series na ito kasi High school lang yung Rangers. Eh nung panahon na yun eh elementary ako at malapit na maghigh school. Oh diba feeling ko magiging Pink Ranger ako! Tska parang may TGIS feel sya kasi nga high school lang yung mga rangers.
Iba iba din sila ng school roles!
Red Turbo - Baseball Captain/Ace Pitcher
Black Turbo - Track and Field/Running Brain
Blue Turbo - Swimmer and High Jumper/Class Misfit
Yellow Turbo - Gymnast/Class Clown
Pink Turbo - Brightest Student/Student Body President
Fav Vida:
Yohei Hama/Blue TurboSyempre ang papable na swimmer/high jumper na si Yohei Hama/Blue Turbo. Winner na winner to! Kahit hindi masyadong magaling sa school athletic naman! Winner pa din! Gwapo pah! Chinito! Yum!!! OMFG!!! Mas gumwapo pa sya nung tumanda sya! kakaler!
Watch this vid!
Winner!
Yummy!!!Fav Julaban:
JarminKapatid ata ni Fuumin to eh. Pareho silang may Buga Fire kasi. Pero mukha namang hindi, kasi alam ko Serpentina tong si Jarmin eh. Meron episode na bumalik sya sa kanyang totoong form at sa episode na yun ay namatay sya.
Fav Episode:
Ang favorite episode ko ay yung monster na nangangain ng lovers. Tapos yung ginawa ni Red Turbo, nagpakain sya, tapos nagkalat sya ng cherry blossom petals sa loob ng tyan ng monster, at sininga lahat ng kinain ng monster palabas.
FivemanSchool din setting neto, yun nga lang Teachers na yung magkakapatid na rangers. Kakaloka yun, pano kung yung teachers mo eh magkakapatid lahat! kakaler siguro yung ganun.
Five Red - Science - Kendo
Five Blue - Physical Education - Judo
Five Pink - Mathematics - Fencing
Five Black - Japanese History - Karate
Five Yellow - Music - Chinese Kung-fu
Fav Vida:
Remi Hoshikawa/Five YellowActually, crush ko si Kuya (yung panganay si Five Red) kaso parang masaya maging teacher itong si Tita Remi eh! Ang saya nung nalasing sya tapos tinalo nya yung monster. Sya lang ang kaisa isang Fiveman na pag tumawag ng Dimensional Sword eh hinahati nya sa dalawa. Tapos ang dubber ni Remi ay dubber din ni Sailor Moon! Ay pakinggan nyo! Maaaliw kayo!
Fav Julaban:
Doldora and ZazaPara saken, tie ang Doldora at Zaza sa spot na ito. Kita mo naman ang ateng na Doldora, scorpion and number! At ang ever loyal Zaza na gagawin lahat ang pinag-uutos ng kanyang mistress.
Fav Episode:
Yung Sidon flowers eh ginawang monster ni Empress Meadow. Tapos lumaban si Five Red sa Duel to the death. Tapos, yung nagguest si Michael Joe. Kinilig ako sa kanila ni Five Pink eh!
Machine ManParang wala nang nakakaalala nito. Actually ako, hindi na din masyado, basta ang alam ko may Machineman akong pinapanuod dati, at lagi syang sumisugaw ng "BUKNOY! THE FIGHTING BALL!" Tas ihahagis ya yung baseball na may mukha.
Bata nga siguro ako nun, hindi ko napansin na yung kotse nya ay gawa lang sa beams at ang cape nya ang plastic cover. Kakaloka! Pero ang cute ni BUKNOY!!! Naalala ko na yung dubber ni Machineman eh yung dubber ni Eugene sa Ghost Fighter. Sorry wala na akong masabi pang iba, hindi ko na din kasi naalala clearly itong Machineman eh. Kakaloka! Yung kumanta ata ng kanta ng Daimos yung kumanta ng theme song ng Machineman!
ShaiderSa sobrang natuwa ako dito, bumili ako ng DVD sa Carriedo! Winner ito!!! Madami akong trivia about this, kaso baka humaba lalo yung post ko kaya next time nalang on a solo post.
Fav Character:
Shaideraba syempre si Shaider ano! Baket pa maiiba eh tungkol naman sa kanya itong palabas na ito! Cute si Hiroshi Tsuburaya yung gumanap na Dai Sawamura/Shaider infairness. Pero he's dead na at namatay sya sa cancer.
Fav Julaban:
Shinkan Poe/Babaylan IdaSino bang makakalimot sa "TIME SPACE WARP! NGAYON DIN!!!!" Ay wala! Basta pag narinig mo na yan, si Babaylan Ida ang maalala mo. At nakakalokang transvestite pala ang ating Babaylan! Matagal tagal na din syang buhay at para bumata sya, dapat uminom sya ng dugo ng labin tatlong dalaga. Lumalaban din yan si Ida anoh, lumilipad yung hawak nyang rod, tas naglalabas yun ng bala (swear!) at mga beams.
Fav Episode:
nung namamatay na yung Gyaru Quintet! Hindi pala sila random lang, meron pala talagang actress para dun. Lalo na yung Gyaru 1 yung kulay black, sya lang yung hindi napalitan sa lahat. Maganda din yung Gyaru 1 na yun infairness...
Bonus!
Sino ba makakalimot sa mga scenes ni Annie? like this one!
Ang huling balita ko sa kanya, porn star na yang si Annie.
Mask Rider BlackEto ang pinakapaborito kong Tokusatsu series!!! Si Robert Suzuki/Kotaro Minami ang tinitibok ng puso ko ng mga panahon na pinapanood ko sya! Sa pagkakaalala ko, yung villain group na Gorgom yung kalaban nila dito. Tapos, naghahanap sila ng magiging Century King, bali ang candidate nila ay si Black Sun (si Robert) at si Shadow Moon (yung kapatid naman ni Robert). Actally, namatay na yung parents ni Robert kaya inampon sya nung bestfriend ng tatay nya, kaya hindi nya talaga kapatid si Shadow moon. Hindi ko na rin maalala kung ano yung nangyari, basta nakatakas si Robert sa pagkakapiit at simula nun, kalaban na nya yung Gorgom, alam ko kasabay nyang nakatakas si Battle Hopper.
Fav Character:
Hindi si Mask Rider Black kundi si Kotaro Minami!!! AHHHHHH! *faint*
AMPOGI!!!! AAAHHHHHH!!!!
Trademark pose ni Kotaro Minami, kasama ang kanyang motor. Avah! sya na ang artista, sya pa ang songster! Infairness! I'm impressed!
Pinakaexciting sa lahat! HENSHIN!!!
Winner!