Photobucket


Once upon a Dyosa, sa maniwala kayo o hindi eh naging boy scout ang Dyosang ito... *shiver* dyos ko! inaalala ko palang kinikilabutan ako! Wala kasi akong choice nun. Nung nag-aral kasi ako sa UST Pay High nung 1st year high school ako, kasama sa grade sa PEHM yung Scouting. Actually nagmamatigas pako nun, hindi ako pumapasok pag scouting, bagsak tuloy ako. Nabypass yung mataas na PE grade ko dahil lang bagsak ako sa Scouting. Pero kahit na wala akong choice, nag-enjoy din naman ako sa pagpasok sa scouting kahit papano. Hindi dahil gusto ko yung mga ginagawa namin, kundi dahil mas nakilala ko pa yung ibang mga tao na kasama ko sa classroom.

Isang Thursday afternoon (twing Thursday afternoon yung training namin sa Scouting dati)... Siguro mga early part ng 2nd sem nun, hindi ko din alam kung anung tumatakbo sa isip ko nun. Siguro dahil gusto kong ipaalam sa mga officers na may dyosang kabilang sa group na yun ng mga scouts. Nagpacount off yung officer namin. Bali ang "Count off" command ay yung magbibilang yung buong group. Magsatart from the front most right, tas mag end hanggang dulo.

Sabi ng officer, "COUNT OFF!". All caps kasi pasigaw yun eh. Edi nag-simula na magcount off. "One!", "Two!", "Three!", sunod sunod... yung katabi ko sumigaw ng "Fifteen!". Eto na, ang dyosa na ang sisigaw... May I sigaw with conviction, isang malandi at maarteng.. "SiXtEeN!!!!♪" Tumawa halos lahat ng mga classmates ko. Special mention ko si Papa Mark na sobra kung makatawa. "SSSSSSQQQUUUAAATTTT!!!!" Sigaw ng aming officer. Nagsquat naman kaming lahat kahit mga nagsisitawanan pa yung mga boys.

Dahil sa scouting na ito, naexperience kong magcamping sa Mount Makiling. Ako'y naging kabilang sa Group 15 comprised of half St. Augustine and half St. Agnes boys. Masaya kausap yung mga boys from St. Augustine, hindi ko na nga lang maalala kung nagkaron ba sila ng ilang saken. Anyway, kwento ko nalang yung mga highlights ng ginawa namin sa Mount Makiling.

Trip Trip
After maform yung 15 groups namin, nakaactivity kami kagad. Pinagblindfold kami tapos as a group dinala kami sa lugar sa forest. Habang nakablindfold kami, may maririnig ka sa background na parang sumisigaw, animo'y binubugbog. But I know better, ni wala nga akong naririnig na knuckles na sumusuntok or may humahampas. Siguro gusto nila kaming takutin or what. Since isa ako dyosa, madali akong naging prey sa trip ng mga officers namin. Tinawag ako, ano daw ang pangalan ko. "Sir, Sa umaga o sa gabi sir?". Tumawa ng malakas yung officer. "Dahil gabi na, sa gabi". "Sir, Joanna Wilberta de Guzwoman, sir!" Tumawa nanaman siya ng malakas, ngayon, may iba pang tumatawa kasabay nya. Medyo matagal yung pagtawa nya ah. Hindi siguro makagetover dun sa pangalan ko. "O sige Joanna...", nung medyo nakagetover na sya, "sumayaw ka ng Laban o Bawi habang kumakanta ng Happy Birthday." Tawa ulet. Siyempre, since its an order, at dahil magaling naman ako sumayaw, aba todo bigay ang dyosa kahit na mukhang tanga!

After matapos ang trip trip, pinatanggal na yung blindfold namin, tapos bumalik na kami sa camp site.

Hiking galore
Dyos ko! Pumayat ata ako ng 100 lbs nung naghike kami papunta sa tuktok ng bundok. Haru! Kahit paved na yung place, iba pa rin pag bundok ang inaakyat mo noh. Medyo may mga bahay din dun sa bundok ah, tapos, panay ang pag-akyat ng mga kotse sa tuktok. Apparently yun tuktok pala ay may place dun. Parang Arts school. Ok naman dun sa tuktok. Masarap huminga ng "fresh air"! Pero sadyang kalbaryo pa din, kasi bababa kami by foot.

Water bomb wars
Isa sa pinakagusto kong activity namin eh etong water bomb wars. Ang goal lang eh mabasa yung manila paper ng kalaban. Well, para saken, wala na yung rules, basta basaan na to! Apparently, yun din ang nasa isip ng iba, so imbis na talagang by team ang labanan, aba, gulo na ang basaan! Wihi! May isang scene dun na talagang nakakakilig! As in may slow mo scene ako dun. May palapit saken, isang officer na may tabo, alam kong babasain nya ako. Hindi lang ako nagpahalata na nakikita ko sya na palapit. Slow mo moment ko nga yun eh. Nang mabasa na nya ako ng kanyang tabo ng tubig. Nagslow mo hair flip din ako! Tapos sabay ngiti kay Sir Smith. hihi!

Sabog ng Lagim
Hindi lang ako ang Dyosa sa camping trip na yun. Meron talagang stand out dun at ang baklang ito ay mega sabog ng lagim! Aba! Ang baklang Martina! May I tingin sa mga otokong naliligo! Nagsumbong saken yung mga classmates ko na nasa CR. At naabutan ko nga dun ang baklang Martina. May quotable quotes ako dun na sinabi, pang award pwamis! "Ang akin, ay akin lang. Ang sayo, sayo. Gawin mo lahat ng gusto mo sayo, wag mo lang gagalawin ang akin!" Award talaga! whahahah! Pero mas winner ang baklang Martina kasi na-awardan sya ng Ms. Universe award ng mga officers namin. Gracious loser naman ako, at masaya ako para kay bakla.


Photobucket