Since hindi na ako employee ng CVG, pwed eko na irepost itu!!! hihi!!!


As you know, isa na po akong Probationary employee ng Convergys San Lazaro. I'm going to handle the Xbox account. Ang start ng training ko ay on August 9. Dito sa blog na ito ikwekwento ko lahat ng naexperience ko sa pag-aapply ko sa Convergys.



Actually, dapat sa ACS ako mag-aapply. Dun kasi si Boss nagwowork. Para may kachokaran ako diba at least may kakilala nako. But my mother talked me into applying at Convergys San Lazaro. Lagi ko pa ngang dinedelay yung pag aapply ko. Meron kasi akong iniisip nun eh, ang sabi ko, "What's the use of applying kung hindi ko naman maipapakita yung best foot forward ko noh?"

Pero one friday afternoon, napagtripan kong pumunta. Lumabas ako sa exit malapit sa National Bookstore ng SM San Lazaro. Inikot ko muna yung perimenter ng vertex one building. Tapos pumunta nako sa Convergys office na nasa ground floor. Tinanong ako ng guard, "Yes Sir?". "dito po ba mag-aapply?", sagot ko sa kanya. "Yes sir please approach the counter", reply nya saken. Ang bongga ah! Spokening english yung guard! Kinausap ko yung Attendant sa Desk. "Ma'am I would like to apply to become an agent". "Do you have a resumé?", tanong nya saken. Binigyan ko sya ng kopya ng resumé ko. "Fill up this application form and then go to the computer station and follow the instructions there, then come back to me.", habang tinuturo yung computers dun sa likod na part nung room. Maraming desk chair dun sa middle of the room. Umupo ako sa may bandang gitna, tapos binuksan ko yung file case ko para kunin yung ballpen ko. "Patay.", sabi ng utak ko. Naiwanan ko yung ballpen ko. Shet!

Tumingin ako sa front desk ulet. hmmp. "hiram kaya ako dun?", sa isip ko. Kaso nahihiya ako, nag-aapply ako tapos ganun ka careless ang image na ipapakita ko? Best foot dapat! Buti nalang meron din isang applicant na nakayellow sa harap ng desk ko at tapos na syang magfill up ng form. Hindi pa lang sya makapunta sa Computer terminals kasi occupied pa yung tatlo sa likod. "Miss, can I borrow your pen?", kapal ng mukha kong tanong. Buti nalang mabaet sya at pinahiram nya ako.

Fill up na ng form. Is it your first time to work in a call center? Check ang yes. Natapos kong fill up-an yung form ko at binalik na yung ballpen kay ate na nakayellow. "Miss thank you." habang inaabot sa kanya yung ballpen nya. Hindi pa din tapos yung mga lulurki sa likod. "Sobrang haba ba ng fifill up-an at sobrang tagal nila?", nagrereklamo na utak ko.

At sa wakas, may tumayo na din. Pero as a courtesy, "Miss, its your turn for the computer.", pinauna ko na yung nagpahiram saken ng ballpen. Utang na loob ba. Umupo sya sa bakanteng computer sa my right side. Mga after 15 mins, may tumayo ulet na isa. Yung sa gitna naman. Umupo na ko dun. May nakapaskil na instructions dun sa may wall. kelangan mo lang sundin.

Type type type. Fill up ulet ng parang Applicant information sheet. Nakakaloka yung pagtatype mo ng URL. I mean diba kelangan precise yun kundi, walang pupuntahan yung link mo noh. May username password din pa na itatype. Yung katabi ko sa left yung isa pa sa mga lulurki na gumagamit kanina na hindi pa din natatapos, tinawag na yung attendant sa Front desk. Tinatanong kung baket ayaw pumasok nung information dun sa computer nya, laging failed yung log in. "The first letter of the password is a capital letter. Did you type it correctly?", sabi ni Ate from the Front desk as-a-matter-of-fact-ly.

Since narinig ko na yung instructions na yun. I kept that in mind. Dumating din ako sa part na yan. Sa baba pa nga nun may Secret Question field. Sabi sa instructions sa wall. Gumawa nalang daw ng sarili tapos magbigay ng answer. So nilagay ko. What is the name of your dog? Answer. Nomil. Myang konti tumayuna si Ate na nakayellow. Pumunta na sya sa front desk ulet at binigay yung form nya. Ako tuloy lang sa pag input at mamayang konti. Send. Tinignan yung nasa screen then log out. Tumayo na din ako habang naiwan pa din si kuya from the right ay nandun pa rin.

Pumunta na ako sa front desk at inabot yung application form ko. "Are you done with the computer input?", tanong saken nung attendant. "yes ma'am!", tugon ko. "Kindly seat down for a while and wait for your name to be called.", reply nya. "OK".

Nung umupo ako ulet, andun pa din yung mga naguusap dun sa meeting room. Nung dumating ako nung una andun na sila. Nakikita ko sila kasi glass yung wall eh. After a while, lumabas na din yung mga tao dun sa loob ng meeting room. Umupo sila sa comfy chairs dun sa right side ng mga desks. Yung isa pa nga naglaro ng XBOX eh. Nung dumating ako naka-on na yun. Tapos may character at yung background nya mga nasirang building at road ng isang city. Tekken pala yun. Tekken 6 siguro. Ang ganda ng graphics eh.

Mamayang konti, lumabas dun sa staff room yung parang nagiinterview sa kanila kanila. Tinawag yung pangalan nila isa isa tapos may inabot na folded paper. Yun ata ang magsasabi kung tanggap ka or not. Pumunta yung interviewer dun sa front desk at inabot sa kanya yung iba pang application form and resumé nung mga naghihintay na applicant. Medyo nag-intay pa kami ng ilang sandali pah.

Lumabas yung interviewer ulet sa staff room. Tinatawag nya yung mga pangalan nung mga applicant na naghihintay. "...and De Guzman, John Wilbert...", huli yung pangalan ko sa tinawag, "Please follow me." Una akong pumasok since ako yung pinakamalapit sa pinto. Umupo ako sa isang swivel chair which is 2nd nearest the interviewer's seat. Umupo din yung iba pang kasama ko. Katabi ko si Ate na nakayellow sa left ko tapos isang guy sa right. Kaharap ko yung girl na nung dumating ako parang kanina pa naghihintay.

I don't remember the words she exactly said but I think the gist of it is that the initial interview is to check how well you can speak in english with pronounciation and everything. We are to say something about ourself and then read the tongue twisters written on the handout. Promise kaboses ni Ma'am Aa from OSA yung interviewer! Pwamis!

"Let start with Mr. De Guzman.", sabi ni Interviewer. Nagulat ako. Kasi last akong tinawag kanina pero hindi ko naman pinahalata yun. "Hmmm... what can I say about myself?" wow! buying time! whahahah! Ayun, nidescribe ko yung sarili ko. Talagang nasa linya ko lagi na I'm an undergraduate of Chemical Engineering in UST. Sabi ko pa, I don't fear floods kasi I'm a student nga of UST. Mahilig akong sumayaw dagdag ko pah. Tapos tinanong ako ni Interviewer.. "Why Engineering?" "Well, its not exactly my 1st choice, my first choice is Secondary Education. But during the time that I was filling up my USTET application form. I remembered my Chem teacher who told me that 'Why not take Chemical Engineering?'. So I put it there as my 2nd choice. Sudden twist of fate then I'm an engineering student." With a subtle laugh. "Why Convergys?" she asked. "Well, it's near us so it's convinient", I answered. Tapos nun pinabasa nya saken yung mga tongue twisters. Well I think naman I did good. Konti lang yung pinaulet saken na words. Tapos nun round table na yung pagtatanong.

"OK Thank you everyone. Please wait for me at the waiting area, there are drinks at the vendo you can avail of it for free. After you." sabi ni Interviewer nung natapos na kami. Ayun, umupo na together yung mga magkakapareho ng course, age, at gender. Since ako ang naiba sa lahat. Loner ako. Naisip kong magavail sa vendo kaso inisip ko wag nah. Magmukha pa akong tanga pag hindi gumana.

After some time, lumabas na ulet si Interveiwer hawak ang mga folded letters na may pangalan namin. Tinawag nya kami isa isa at ako nanaman yung huli. pag kakuha ko ng letter ko. Umeskapo nako. Nung nasa may 7 eleven nako ng Vertex one. Tsaka ko lang tinignan yung letter.

Basically, sabi nung letter, I passed the initial interview and I'm qualified to take the next step of application. I am scheduled 10 am the coming Monday for the exam. I told my family about it and fervently waited for that scheduled date.

Photobucket