After ko magresign ultimately sa BPO industry, itinuon ko yung natitira kong pera para bumili ng mga reference books. Nung napadpad ako sa National Avenida, napagdesisyonan kong bumili ng mga libro ni Arreola. Bali yung tatlong edition binili ko.
Green, pink, and bluish (may pagkaviolet and blue kasi sya so bluish nalang ang ilalagay ko) yung kulay respectively ng parts 1, 2, and 3 ng book ni Arreola. Nagsimula ako syempre sa Green yung part 1. 1st stop, Algebra. Medyo gamay na gamay ko na to. Kasi naman tinuturo ko to sa TP4. So nagdecide nako na direcho na sa Problem Solving yung gagawin ko. Isa lang masasabi ko... NAKAKAEKEK yung mga questions dun sa libro ni Arreola!!! Yung mga simpleng problem ginagawang complicated! Pero marami akong natutunan dun ah! lalo na yung looking at the bigger picture. Sumunod ang Plane and Solid Geometry. Medyo confident din ako dito kahit papano, isa pa rin ako sa magagaling sa Math nung HS. Kakaloka! Andaming formula! Kahit kelan talaga, hindi kami magiging close ng formulas para sa spheres! Ulk! Kakaekek din! Sa Trigo naman, alam ko medyo hindi talaga ako magaling dito kasi hindi ko alam lahat ng identities. Ang by heart ko lang na alam eh Sin 2θ = 2sinθcosθ, tanθ = sinθ/cosθ at sin2θ + cos2θ = 1.
Nagbrush up din ako ng aking Differential and Integral Calculus gamit ang pink book. Medyo pinasadahan ko lang kasi yung Analytical Geom, kasi medyo, nakikinig kasi ako dati nung college kaya medyo alam ko pa yung mga properties sa Anal Geom. So nagfocus nalang ako sa Calculus. Infairness, super master ko na yung Minima, Maxima! Pero hindi talaga kami friends ng trigonometric derivatives, lalo na yung mga arc functions! Ay! Thank you Calculus sa Calculator! Sumunod sa topics eh Diffential Equations. Syempre, panis na yung variable separable at homogeneous equations. Pero talagang tricky talaga yung Algebraic Substitution, kelangan talaga ng major major common sense! Sumunod yung with integrating factor... Panis lang pala yun basta alam mo kung pano sasagutin.
Yung Physics hindi ko na masyadong binalikan, kasi tinuturo ko naman sya sa TP4. Nagfocus nalang ako kung pano isosolve yung mga problems sa Advance Engg Math. Medyo madali lang pala, pero hindi ko talaga mamaster yung Tank Concentration Problem. Hindi kami BFFs. Pero infairness, handang handa ako sa Process Control Problems! Super nagbrush up ako ng Laplace Transforms!
A few weeks before the exam, humiram ako ng datung sa aking utol para makapagrefresher course sa kaisaisang review center sa Manila na nagooffer ng Chemical Engineering Review. Naloka ako nung 1st day! Exam agad! Medyo rusty na yung Chem ko, pero kahit papano, nakakalahati din ako. Tapos, Nagkasakit ako ng 3 days kaya hindi ako nakapasok sa crucial part nung review, yung Unit Ops. Tapos, ang sarap maging pasaway na hindi pumapasok pag exam. Ang rationale kasi namin, wala naman din kami matututunan pa nageexam kami, dun nalang kami sa discussion. Tsaka ako, pag alam ko sagutan yung number, sinasagutan ko kahit nagdidiscuss yung reviewer, nakikinig nalang ako pag hindi ko alma kung pano sagutin.
Habang nagrereview ako, lagi akong nagfefacebook, nagbloblog at nagba-BATTLE REALMS (FOR THE SERPENTINA!!!). Tapos twing gabi ako nag-aaral. Ewan ko, mas nakakapag-isip ako pag gabi kasi. Kaya pag umaga at hapon, laro laro lang ako, tapos pag gabi na tsaka ako nag-aaral. Tapos kung kelan ako tinablan ng antok, tska nalang ako titigil....
0 comments:
Post a Comment