Dumating ako sa Tutuban ng araw na yun na excited dahil makikita ko na sya in the flesh. Nagkita kami ng common friend naming dalawa sa may Greenwich, ang usual na tambayan namin. Matapos syang matext nung friend namin, dumerecho na kami ng friend na yun sa may National Bookstore.
Sabi ni friend, susunduin lang daw nya sya, maghintay lang daw ako sa may entrance ng NBS. Matapos ang ilang sandali, dumadating na si friend may kasama. SIYA. Pinakilala kami sa isa't isa ni friend. Ngiti at isang very beki na hello na may kasamang wave ang binigay ko sa kanya. Isang mahiyaing ngiti at nod naman ang sinukli nya.
Napagdesisyonan naming tatlo na sa may KFC nalang kumain. Naupo kame dun sa kabilang side kasi puno na dun sa kabila. Umupo ako dun sa may chair sa harap ng comfy bench. Para dun sila sa comfy bench umupo silang dalawa. Hindi na lingid sakin na silang dalawa na. Nakausap ko na din sya Facebook nung nakaraang linggo. Kahit pa nga nung nasa Bataan ako eh nakausap ko din sya.
Ako muna yung umorder habang nagbri-briefing silang dalawa. Judge ata ako nung araw na yun eh. Pero hindi ko din sure. Umorder ako ng Twister. Pag upo ko, sila naman yung umorder. Nang magsettle na kaming tatlo dahil nakaorder na kami, nagsimula na ang usapan.
"Hanep naman tong otoko nato, hindi ako makatingin sa mata! Ampogi!", sabi ko sa isip ko. Kaya naisip ko, para sa friend namen, kelangan maging successful ang meeting na ito. Kaya para hindi mahalatang medyo naiilang ako, sa may likod na wall nya ako tumitingin habang nagsasalita sya o kya twing nagtatanong ako.
Syempre natanong ko na sa friend namin yung mga basic info, so mga new info na dapat yung maextract ko sa kanya. So nagtanong ako ng mga bagay na gusto kong malaman tungkol sa kanya. About sa trabaho nya, sang school sya nag-aral, balak nya bang magmasters. Pilit kong pinapaikot yung conversation sa topics na alam kong kumportable sya.
Hindi ko na maalala yung topic namin nun, pero natuwa ako sa mannerism nya na Papalakpak, takip ng bibig, at tumatawa pag talagang masaya sya at tuwang tuwa. Dalawang beses nangyari yun. Ang cute! hihi!
"Ako sya", yun ang comment ko kay friend nung tinanong nya ako about sa kanya.
Sa huli, umalis na silang dalawa habang ako'y mag-isang umuwi na may bagong kilalang kaibigan.
0 comments:
Post a Comment