Photobucket
"O white knight, manifest your wisdom... Enlighten my mood... Bless my soul of Happiness... Come forth my Guardian.. with your luminous spirit!"


Hindi ko maput into words yung kaligayahan ko kahapon. Iba eh. Alam ko na kahit makwento ko rito sa blog ko yung mga nangyari saken kahapon, hindi nito maipapakita yung tunay na saya na nararamdaman ko kahapon. =D

Nagtext sya na papunta na sya... Bumangon nako pagkabasa ko ng text na yun. Bagong gising lang din ako. Nakatulog ako ng mga dalawang oras. Ang sarap ng tulog ko, yakap yakap ko pa nga yung teddy bear ng pamangkin ko eh. Nasa condo ako nun ng Kuya kong duktor. Nakigamit ako ng mouthwash at claydough. Wala kasi akong dala eh!

Dumating ako sa SM ng mas maaga. Naglibot libot muna ako sandali habang hawak yung shoebox ko ng VCDs. Nung medyo napagod ako sa kakalakad, napagdesisyunan kong umupo muna sa food court. Marami rami ding tumakbo sa utak ko ng mga oras na yun. Medyo tense kasi nung araw lang na yun kami muling magkikita matapos ang halos sampung buwan.

Nagtext sya ulet... "Malapet nq"

Tumayo nako at naglakad papuntang escalator para sa entrance ko nalang sya sasalubungin. Tumayo ako sa may entrance malapit dun sa center circle. Sa harap ko mismo yung Directory. Nung mga oras na yun, yakap yakap ko na yung box sa dibdib ko. Para mawala yung tension dun sa plastik para hindi agad masira. Literal na parang nakatayo ako dun habang mabilis na naglalakad yung mga tao sa likod at harap ko. Nakatingin lang ako dun sa male entrance kasi alam kong dun sya papasok. Nung medyo napagod ako, tumalikod ako sandali at binaba yung box. Humawak ako sa metal guide nung sa center hole.

"D2 nako SM..." sabi ng text nya.

"Ako din =D" tugon ko sa kanya. Sagot na nakakaloko eh! Wihi!

Tinanong nya kung san ako, sabi ko nasa entrance. Sang entrance daw. Sa may Starbucks. Tinanong ko pa kung SM San Lazaro kame. Wala na akong reply na natanggap sa kanya. Lumapit nako dun sa may exit para mas makita ko yung mga taong pumapasok o kya makita ko syang nakatayo sa entrance sa labas. Dun ako sa may payphone. May nag-aaway pa ngang mag-asawa dun eh.

Tinignan ko ulet yung phone ko. Wala pa din reply. Lumingon ako sa direksyon ng Go Nuts Do Nuts. May naaninag akong bulto. Hindi ko naman masabi na pamilyar pero sa naalala ko sa sinabi nya. Pupunta lang daw syang nakashorts lang kasi mainit. Iniisip ko yun nang lumingon din yung lalaking tinitignan ko. Napakamot ako ng ulo. Sabay ngiti at wave. Ngumiti na din sya. Nagkakilanlan na kami.

Kumaen kame sa isa sa pinakapaborito kong fastfood. Nagkwentuhan sa mga paksa na napagusapan namin sa text na pag-uusapan namin. Bukod pa sa mga yun, marami syang nakwento. Mas gusto ko syang madaldal., Sa isip ko habang may kausap sya sa cellphone nya. Nikwento nya ang buhay sa propesyon nya. Ang mga pulitika, at mga katiwalian, at syempre yung saya sa pagiging isang guro.

Marami din akong napansin sa pisikal na aspeto sa kanya, kung pano sya magsalita, kung ilan yung visible body marks nya. Kung pano yung ngiti nya sasamahan ng takip ng bibig with matching palakpak pag sobrang tuwang tuwa sya. Ang cute! wihihi!

Habang kumakain kame, nabasa ko yung text nya "Dyan ako galing.. teka babalik ako".. Naisip ko, siguro nung tumalikod ako tsaka sya dumating. Baket ba kasi late dumating tong text eh nasa iisang lugar lang naman kami?

Hindi ko din alam pero enjoy talaga ako sa mga kwento nya. Siguro kasi gusto ko din talaga maging guro katulad nya. Pero mas matimbang yung hindi ko mapaliwanag. Napagtanto ko din na hanggang magkaibigan lang talaga kami, at masaya ako sa ganung set-up.

Isa yun sa pinakamasayang gabi ng buhay ko. Pero alam ko hindi pa yun ang huli... sabi nga nya...

Sa uulitin!

Photobucket