Photobucket

Kung ang favorite author ni Sir Bau na si Bob Ong ay merong Uri ng mga Estudyante mula sa kanyang librong A B N K K B S N P L KO, Dito naman sa Project enReach, meron kaming Teachers Class System! Naging estudyante rin kami ni Sir Bau, kaya alam din naman na maraming klaseng mga teachers. Susubukan naming ilarawan lahat ng mga teachers na naencounter namin. Sigurado ako, maaaliw kayo dito! Enjoy!

  • The Technopile
    Eto yung teachers na adapted sa technology. In general, gumagamit sila ng Presentation na nakaproject sa screen. Pwedeng Powerpoint yun or animation. Merong mga subclass tong uri na ito.
    • Advanced - eto yung mga technophiles na lahat ng ginagawa ay hindi pwedeng walang koneksyon sa technology. Sila yung kayang magmaintain ng isang elearning site, magresearch sa internet gamit ang isang web crawler na sila mismo ang nagcode, yung nagpapapasa ng assignment online para tipid sa papel, makakausap mo lang thru email dahil hindi mo mahagilap, nagchecheck ng attendance gamit ang kanyang handy dandy palm, downloadable yung notes nila mula sa internet, nagpapaonline class pag may bagyo, equipped with clicker pag nagtuturo at marami pang iba!
    • Basic - eto yung mga klaseng technophile na may average exposure lang sa technology. Since etong mga ito ay hindi naman well versed kahit sa anong progamming language, kuntento na silang gamitin ang Facebook at Email para mapadali ang buhay nila at mga estudyante nila.
    • Pseudo - eto namang mga ito ay nakikiuso lang. Ang ibig sabihin ng pseudo ay fake or not real. Naisip ng mga ito na mas madali kung ipa-powerpoint nalang nila yung visual aids nila. Sila yung ipapauna na yung Laptop at Projector sa classroom para iset-up ng mga estudyante kasi hindi sila marunong magset-up nito. Alam nila by heart na ang View Slide Show hotkey ay F5. At pag aksidenteng lumampas sa slide na ididiscuss nila, pipindutin ang Esc key at F5 ulet. Tapos manually hahanapin yung slide kahit na Slide 125 of 126 dahil hindi nila alam na may View Slide button feature ang powerpoint.
  • The Jurassic
    ito yung mga teachers na naiwanan na ng kabihasnan. Yung kahit may MS Excel na ay pilit pa ding manual na kinokompyut yung grades ng mga estudyante nila gamit ang calculator nila sa sari sari store nila na malaki with sounds♪! Merong two distinct types ng pagiging isang Jurassic. Ito ay Methodical Jurassic at Substantial Jurassic.
    • Methodical Jurassic - eto yung Jurassic na ayaw makiuso. Ang preferred nyang teaching method ay blackboard method. Walang visual visual aids. basta kaya nya yun gawin lahat sa blackboard. Madalas sinusuka nya yung technology. Pero merong rare species ito na effective pa din kahit low tech ang teaching strategy.
    • Substantial Jurassic - eto yung Jurassic na dapat gawing extinct. Eto yung mga nagtuturo ng outdated na information sa mga estudyante. Ang dahilan nya, yun ang pinag-aralan nila nung 1920's kaya yun ang ituturo nya. Tinuturo pa rin nya ang Geocentric theory kahit na Heliocentric Theory na ang tama. Sila din yung stick to one sa mga lessons nila. Yung bang pag naging estudyante nya yung kuya mo, pag pinamana sayo ng kuya mo yung notes nya, yung example na dinidiscuss nya ngayon sayo ay word por word kapareho nung nasa notes ng kuya mo kahit na 15 years na nung naging estudyante nya yung kapatid mo.
  • The Groundbreaker
    etong teacher na to yung punong puno ng creativity. Umiisip sya lagi ng paraan para matuto yung estudyante nya in a different way. Pwedeng idaan sa kanta, idaan sa sayaw. Eto yung super galing gumawa ng class dynamic activity, dahil nag-eenjoy na yung mga bata, natututo pa kasi related pa din sa topic yung mga pinapagawa nyang activity.

  • The Genius
    ito yung mga teachers na pagpumasok sa classroom, sumisigaw na "MATALINO AKO!" kahit na hindi sya nagsasalita. Madalas, mabilis nakakatapos ng Masteral at Doctoral etong mga to dahil sa sobrang talino nila. May tatlong subclass ang isang Genius.
    • Brilliance Aura - eto yung mga rare species ng Genius class. Sya yung kahit sobrang talino ay nagagwang ibaba yung lebel nya sa lebel ng mga estudyante. Tapos unti unti nilang nagagawang iangat yung mga estudyante patungo sa lebel nya. Feeling mo pag magkasama kayo sa isang classroom, tumatalino ka!
    • The Wizard - eto yung mga genius na kaya pa din ibaba yung lebel nya pero hindi pa din abot ng normal ng estudyante. Kaya dapat mageffort yung estudyante para maabot yung lebel na kaya ng teacher na ito. Kaya hindi basta basta dapat pag ito yung teacher mo.
    • The AI - AI stands for Artificial Intelligence. Eto yung sa sobrang talino, sya lang ang nakakaintindi sa katalinuhan nya. Yun bang kelangan mo pang magdownload ng decryption algorithm para lang maintindihan mo sya. Normally may ganun sa isang classmate mo. Ang problema, yung classmate mo na din yun, may separate decryption algorithm din.
  • The Board Mocker
    Eto yung klase ng teacher na pag kapasok sa classroom ay tatalikod na sa estudyante dahil may one on one chikahan sila nung blackboard. Wala kang makikitang notes kasi ang nakikita mo lang yung likod nya. Pag may nagtanong, kakausapin nya yung blackboard, "Diba Blackboard ganito yan?". Siguro sinasagot sya nung blackboard kaya enjoy syang nagsasalita sa harap nun.

  • The Chloroform
    Eto yung hindi ko alam kung maswerte o malas. Kasi wala syang problema sa classroom control. Tahimik ang klase nya lage. Lagi kasing tulog yung mga estudyante nya. Eto yung kahit pumasok ka na nakafull battle gear, may gas mask, uminom ng limang litrong kape, at sampung bote ng cobra, aantukin ka pa din sa sobrang potent ng Chloroform pag nagsasalita na sya.

  • The Student Buddy
    Eto yung teacher na tinuturing ng mga estudyante bilang cool. Sya yung makikita mong kasama sa estudyante na kumakaen sa fastfood. Nakikipagwentuhan. Friend sa Facebook. Pag nakita ng estudyante eh talagang tatawagin ang pangalan ng nakangiti. Madalas nagiging Parental Figure or Additional Sibling ang turing ng mga estudyante sa teacher na ito.

  • The Fire Starter
    Eto yung teacher na ang tanging bokasyon sa buhay ay mag-inspire ng estudyante to greatness. Sya yung laging nag-iiwan ng hanging question para may mapag-isipan yung mga estudyante sa pag-uwe. Sya yung merong napakagandang Motivation sa kanya topic kaya lahat ng estudyante eh nakikinig sa kanya. Sya yung kahit mahirap yung subject nya, lahat pumapasa.

  • The Facade
    kung ang teacher mo ay binabasa ito at sabi nya Fakeyd ang title ng class na ito. Malamang sya to. Eto yung teacher na laging may pagkukulang. Maaring sa tyaga, maaring sa talino. Kaya pilit syang magdidiscuss ng magdidiscuss kahit na hindi na naiintindihan ng estudyante yung tinuturo nya. At para sabihin na magaling sya, magbibigay sya ng mahirap na exam para maraming bumagsak sa subject nya.

  • The Disgrace
    Eto yung mga teachers na ang sarap sipain. Kasama dito yung mga napapanuod mo sa imbestigador na may illicit sexual relationship sa estudyante, yung mga manyak na nananantsing sa mga babaeng estudyante, yung mga nagbebenta ng ice candy and the like para sa extra grade ng estudyante, yung mga nagpapabayad o humigingi ng kung ano para ipasa ang estudyante, etc. Marami pa to pero eto yung mga popular.

  • The Watchless
    eto yung mga teacher na dapat bumili ng relo. In general ayaw ng mga estudyante sa mga teacher na ito. May dalawang uri ito.
    • OT - Eto yung teacher na mahilig magovertime. Kulang sa Time management kaya laging hindi natatapos ng maaga yung lesson.
    • Forever Tardy - Eto yung nakaktamad pasukan kasi alam mong mas tamad pa sayo yung teacher mo. Yung 9:00 am yung klase nyo pero 9:45 am dadating.
  • The Orator
    Eto yung teacher na mahilig magkwento. Wala kayong gagawin sa klase nya kundi makinig lang sa mga kwento nya. May tatlong subclass ito. Depende sa effectivity nya.
    • Meaningful - eto yung orator na nagkwekwento na laging on track sa topic. Masarap makinig sa kwento nya kasi alam mo na no pressure kasi relaxed yung atmosphere nyo. Nakikinig ka lang, natututo ka pa.
    • Mezzo - eto yung orator na nagkwekwento about sa topic pero paminsan minsan nalilihis ng topic. Ito ang pinakacommon na orator. Sa pangkalahatan, pag sinabi mo naman sa kanya na balik na kayo sa topic, back on track na kayo.
    • Meaningless - eto yung orator na pumasok lang sa klase nya para makichismis. Ang kwekwento nya ay out of the topic. Madalas, out of the subject. Yun bang subject nyo ay Math, ang pinag-uusapan nyo about social science o kaya yung bagong sabog na blind item.
  • The Script-oke
    eto yung teacher na limited lang ang effectiveness. Dahil ang effectiveness na ito ay dependent sa kanyang preparation. Tinuturo lang nya yung nakasulat sa Lesson Plan nya kung meron man. Timed na timed ang kanyang patuturo kasi talagang nagprapractice sya lagi para laging sakto sa oras yung klase nya. Kaso parang nakukulong sa box yung classroom kasi pag may tanong na hindi nya kayang sagutin, magpapalusot nalang dahil wala naman sa script yung tanong na yun.

  • The Realist
    Eto yung teacher na alam nya na hindi nya alam lahat kaya pag nagtanong ang estudyante at wala syang idea kung anung isasagot, grounded enough sya para sabihing, "hindi ko alam yung sagot pero I'll work on it para malaman ko, tapos sasabihin ko sa inyo".

  • The DBS
    Ang ibig sabihin ng DBS ay Dream. Believe. Survive. Starstruck! Eto yung teacher na gusto mong pasukan kasi ang gwapo/ganda. Artistahin ba. Yung twing papasok sya sa klase eh magswu-swoon ka. At super sipag mo sa subject nya kasi gusto mo sabihin nya sayo na natutuwa sya sayo. Yung gusto mong nagpapapicture para kunwari close kayo, tapos secretly, tinatago mo yung testpaper mong may correction kasi pinirmahan nya yung score mo na may plus 5! Balak mo pa ipaframe!

  • The General Education
    Eto yung teacher na walang unique feature. Basta teacher mo lang sya. Hindi sya kasuklamsuklam, hindi din sya kapuripuri. Sakto lang. Hindi mo din maaalala kung may natutunan kaba sa subject nya o wala.

  • The Terror
    Eto yung teacher na kinakatakutan ng mga estudyante. In general, masungit ang teacher na ito. Hindi sya approachable at lalong lalo hindi sya negotiable. Sa experience ko, nagvavary yung level of terrorism in four characteristics. Level of irateness, level of teaching prowess, mood swing tendencies, face value. Merong special species tong class na to called The Kraken. Eto yung hindi na nga effective magturo, saksakan pa ng panget ang mukha at ugali.

  • The HAITE
    Ang ibig sabihin ng HAITE ay... "He who has Apples In The Eye". He ang ginagamit kong description kasi madalas lalaki ang teacher na ito. Pero meron ding mangilan ngilan na babaeng teacher na ganto. Eto yung teacher na sa lahat ng classroom meron syang Pet. At yung Pet na yun, whether gusto nya o hindi. Sya na ang paborito. Paboritong asarin, utusan, at tawagin. May good side din naman ang pagiging Pet kasi yung Pet din yung nakakakumbinsi sa HAITE na magpauwe ng maaga, wag na magquiz at magkaron ng plus points sa exam.

Pwede ding combinations ng mga ito ang mga teachers, katulad ng sinabi ni Bob Ong patungkol sa mga uri ng estudyante. I'm sure marami pang types ng teachers na hindi namin nasabi, kaya bilang mga estudyante na Project enReach, gusto namin kayo na nag matuloy ng listahang ito!

-Teacher Wilberchie


Originally posted by yours truly in Project EnReach

Photobucket