photo who-loves-you_zps7d89a02a.jpg

Maraming klase daw ang pagmamahal. Though hindi ako isang Psychology major, masasabi ko na may itong iba't ibang klaseng iba iba din ang lebel nito depende sa importansya nito sa tao. Yung iba importante ang sexual love; Familial love sa iba. Dakila din talaga yung mas mahalaga ang selfless love. Masarap din saksakin yung mga narcissistic love ang mahalaga. Iba, nababaliw sa romantic love. Pero sabi ko nga, iba iba ang importansya nya sa mga tao depende kung ano ang kinamulatan at pangangailangan nila.

Ako. Dahil masasabi ko na mahalaga saken ang mga pagmamahal na ito in ascending order: Familial love, Love of Friendship, Romantic love, selfless love, sexual love.

Oh baka isipin nyo amplastic plastik ko na yung sexual love yung pinakahuli. Take note lang po natin na ang kalibugan o lust ay hindi expression of love. It's a selfish satisfaction of one's earthly desire; As oppose to sexual love na "love" in a sense na exchange of passionate feelings.

Anyway, going back to my love hierarchy... Syempre unang una pa din ang love of kinship o ang pagmamahal na mula sa pamilya. Maswerte ako na tanggap ako ng pamilya ko bilang ako. Napagtanto ko habang lumalaki ako na pag may problema ako sa bahay mas madali akong mastress than usual. Although, lumaki akong pasaway na laging umaalis ng madaling araw nung high school ako, ayun, maswerte talaga ako na may kultura nga pagtanggap, pagpapatawad, at pagbibigay laya sa pamilya namin.

Love of friendship na yung sumunod. Let it be on record that I treasure my friends. I am a very loyal person especially to those people who earned them. Kaya nga I'm very careful whom I choose to interact with. As much as possible I stay away from people who show/have red flag traits. The Red Flag traits are: Mayabang, Plastik, Feeling Maganda, Feeling Matalino, Bobo, Walang Leadership Quality, Social Climber, Liar, Traitor, Predator. Mula sa pinakasimple hanggang sa talaga namang kahindik hindik na traits. Mas gugustuhin ko pang maging friends sa mga Serial killer na alam ko hindi ako sasaksakin sa likod noh dahil hihingi sya ng tulong saken na idispose yung katawan ng biktima nya kesa maging friends sa mga plastik.

Mas importante saken ang Friendship love kesa sa Romantic love. Kaya ko mainlove sa iba't ibang tao, pero yung friendship na kayang ioffer sa mga kaibigan ko. Special yun sa bawat isa. Hindi pantay pantay ang tingin ko sa mga kaibigan ko. Perong mas importante saken kaysa sa iba. Hindi nko magpapakaplastik. Totoo yun. May special treatment ako sa iba. Yun ang reaosn kaya I will never (again) break the line of friendship and romance. I crashed and burned nung ginawa ko yun. Ayoko na maramdaman ulet yung panghihinyang dahil lang I went to far with my emotions.

hmmmp... Moving on to romantic love. Pag ako nainlove wagas. Kaya pag ako nasaktan wagas din. At ang tanging sandigan pag nasasaktan nah... Kaibigan! Kaya mas mahalaga ang friendship love noh! Pero pag umabot ako sa point na everything feels right. Ay! Full force ang dyosang itey!

Pag ako nagmahal ng tao, lahat ibibigay ko. Imbis na para saken para sa kanila nalang. Selfless love na itu! *cue Only Selfless love!*

Tsaka palang papasok yung Sexual love or intimacy. Ewan ko, iba kasi pag may pagmamahal na kasama ang sex eh, yung hindi libog lang. Promise iba. Hindi fulfilling yun eh.

At finally naexplain ko na yung love para saken at importansya nito sa buhay ko. Ngayon, try ko naman iexplain kung bakit para saken may expiration date ang pagmamahal.

Ngayon sinasabi ko na hindi sa lahat nang tao mag-aapply etong mga sasabihin ko. Iba iba tayo ng outlook sa buhay, proof nyan eh iba iba nga tayo ng LOVE na gustong maramdaman.

Para saken, in some degree pwedeng optional nalang yung last three sa hierarchy of love ko. "in some degree" lang kasi alam ko naman hindi din ako mabubuhay ng wala yung mga yun paminsan minsan. Pwede namang walang jowa pero minsan you want to feel that "importance" sa ibang tao. Pwede din naman ako maging selfish at gawin lahat ng gusto ko pero i'm naturally benevolent naman so masasabi kong selfless ako in some degree. Hindi din naman ako sexually active for a long time, pero I really get the feeling na tigang ako lately.

Pero pag ako nainlove sa lalake, laging more than friendship ang hanap ko. Meaning romantic love. Kahit hindi nya ireciprocate minsan nag-eevolve ito sa pagiging selfless love. Magpapatuloy ang pagmamahal na yun hangga't s akaya pa ng puso kong stubborn. Pero once na magmaliw na yung nararamdaman ko, the longing for the romantic love. Nawawala din ang pagmamahal na yun. Ganun talaga pag hindi inaalagaan ang pagmamahal na inaalay mo sa isang tao.

Sinusubukan ko naman laging maghold on, hangga't kaya pa ng puso ko, maghohold on ako. Pero katulad ng lahat ng tao, napapagod din ako, ganun din ang puso ko. Nawawala din yung pagmamahal na inaalay mo sa isang tao kung puro sakit at pangungulila lang ang binibigay nung taong yun sayo.

Parang ngayon, akala ko si Prince Charming na yung lalakeng pinagdasal ko pa kay San Pedro Calunsod. Pero ngayon halos hindi ko na maramdaman yung pagmamahal sa kanya. Dati iniisip ko sya palagi, ngayon parang wala na. Ni hindi na tumitibok yung puso ko ng mabilis pag nakita ko sya sa Facebook feed ko. Alam ko dapat nagsasaktan ako ngayon dahil wala na sya, pero parang wala lang. Minsan naiinggit ako kay Eric ng My Husband's Lover (played by Dennis Trillo) kasi pag nasasaktan sya, nakakaiyak sya. Ako. Wala na. Manhind na eh. Eto na yung sinsasabing expiration ng pagmamahal. Alam ko alam nya na mahal ko sya, but we both chose not to get it to a higher notch. Madami din kasi ako talagang issues na hindi pa naayos sa sarili ko. Kaya talangang hindi na magwowork out pah.

Basta dapat pag mahal ka, at mahal mo din. Alagaan mo para hindi magexpire yung pagmamahal nyo sa isa't isa. Ang love parang apoy kung hindi mo to lalagyan ng panggatong hindi ito magniningas ng malaki at mainit. Diba ganun ang pagmamahalan? Dapat laging mainit.


Photobucket