Arnis. Ay sa wakas! Nakakuha na rin ako ng PE na gusto ko! buti nalang at hindi ako nagkukuha ng PE nung una kasi hindi ko talga gusto yung mga natitirang PE date! Anyway, hindi rin naman ako nakapasok nung 1st day dahil nabasa ako sa lakas ng ulan at wala akong dalang payong. Pumunta nalang akong CSC office para magpalit ng uniform since basa na yung uniform ko.
Chemical Engineering Laboratory. Ang aga dumating ng mga classmates ko pero into no avail, wala rin dumating na prof. Kamusta naman yun diba? Anyway, dito sa subject na ito, matutunan namin gumamit first hand ng mga Separation apparatuses and instruments.
Particulate Technology. Si Ma'am Evie ulet. Hindi nako natatakot kasi nasa harap na yung upuan ko. Tsaka as promised mag-aaral ako mabuti for this year. Kaya magpapakabibo ever ako sa classes. Dito naman sa subject na ito, puro physical separation ang matutunan na napansin ko eh puro pang Environmental Engineering yung application. Like filtration, screening, etc. SO puro dust yung kalaban dito. Not very intimidating.
Separation Principles. So parang etong part ng separation principles na eto eh puro mass transfer. Big time ang prof ko dito. Si Prof. Alberto Laurito. Former Dean of UST Faculty of Engineering, and the immediate past president of the Philippine Institute of Chemical Engineers (PIChE). Asawa din sya yung prof ko sa Particulate Technology. Topics include: Gas Absorption, Leaching, Stripping, Adsorption. Goodluck parang Mega Stoich! Ay, Si Ma'am Glaiza Tanguilan yung prof namin sa Computation Lab! See below for description nya.
Chemical Reaction Kinetics and Engineering. Si Dean Abet ulet yung prof ko dito. Mukhang masaya sya! Puro rates yung pag-aaralan namin. Yung Reaction equations para makapagdesign ng isang Reactor that will be used sa Plant design subject namin the following semester. Kelangan makinig dito. May Kinetics yung thesis namin eh!
Taxation and Agrarian Reform. Ang prof ko dito ayon sa joke ni Sir Butch ay si 1st Ms. Faculty of Engineering, si Ms. Edna Kinilitan. Mukha namang magaling si Ma'am. Expected grade = 1.00. You know naman that I love my law subjects.
Fuel Technology. Si Engr. Glaiza Tanguilan ang prof ko dito. Big time din sya. Graduate ng UST ChE ng 2008. Top 9 sa April 2009 ChE Board exams. Bongga diba? Parang Stoich lang din "daw" pero syempre mas mahirap kasi hello. Iba na yung name nya. Tsaka parang napansin ko, people tend to generalize the word Fuel to gasoline or any combustible material. But in truth the word fuel really means energy giving substance.
Basic Electronics. From ECE yung prof namin dito, na hindi naman dumating kahapon. Nagwowonder tuloy kami kung sino sya. Kasi yung sa other section eh dumating at naglesson na daw. Balak ko pa naman sanang ilipat dun yung BE ko. Eh nakapag-lesson na eh. wag nah.
Engineering Management. Wala. Wala akong masabi kundi, wala sya, hindi sya dumating.
infairness naman saken, nagnonotes ako ah. Which I don't normally do. Ngayon I'll se eto it na perfect ang attendance ko. Watch out! See me fulfill my promise!
0 comments:
Post a Comment