Laugh Trip: Vangie



Napakagandang relief sa isang not so good day sa work!!! BONGGA!!!



Photobucket

MIku MIku Dance: Night of Fire

OMFG!!!! VOCALOIDS DOING PARAPARA ROUTINE!!!



Yey!!! whahahahah!!

Photobucket

Click. Click.

Click.

Unfriend.




Switch to another tab.




Click.

Unfollow.





Para hindi nalang ako masaktan. Ok na siguro kahit hindi na sya bumalik. Bye bye nalang masasabi ko sa anak na inasahan ko ng sobra sobra.

Byebye Jeco. -_-


Photobucket

Dear Papa Alden

Photobucket


Dear Papa Alden,

Alam mo ba Papa Alden, super galing mo sa movie na The Road. Promise! Super galing mo talaga! Sa sobrang galing mo, natakot ako ng sobra!

Photobucket

Oo Papa Alden! Takot na takot ako! Terror na nga ata ang tawag dito! Maloka loka ako sa takot sa role mo! Feel na feel ko na papatayin mo talaga ako! Ramdam na ramdam ko na gusto mo akong bugbugin, lagyan ng plastic sa ulo at patayin! Hindi ko kineri yung angelic face mo na ganun ang role! Nagulantang ang buong mundo ko! Kaya naterrorize ako ng bonggang bongga!

Papa Alden hanggang ngayon takot na takot pa din ako. Ngitian mo naman ako yung may kasamang yakap para mawala yung takot ko... *chowz!*

O sige na nga... Fan sign nalang tapos nakasulat "WILBERCHIE". hihihi!!!!

Photobucket

NEWSFLASH!!!!

Sa isang bagong bukas na KFC Branch, isang kahinahinalang tao ang namataan...

Photobucket



AHAH!!!! A SPY!!!


Photobucket

Vocaloid medley


My Lie to you
by Hatsune Miku


Nakakarelate ako sa kantang to. Yung hindi mo pag sabi sa totoong nararamdaman mo dahil alam mo mas convinient yun sa minamahal mo. Ay!!! relate na relate ako!


Hello/How are you
by Hatsune Miku


ang cool nung song!!! Ang ganda ganda!!!


Dancer in the Dark
Megurine Luka


SOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO GANDA!!!!!! Fast tapos biglang nag piano and violin!


The Girl who doesn't know how to love
by Megurine Luka


Soft rock! May fav genre!

Photobucket

Crying Lady

Photobucket


Ayan kasi! Ayaw mo makinig!!! Andami nang mga bubuyog na nagsasabi sayo sa tunay na pagkatao nya, hindi ka pa din nakinig! Ngayon crayola much ka. Honestly, hindi ako naawa. Sabi nga nung isang showbiz oriented show na napanood ko, hindi nya maamoy ang tindera ng isda! yun nah!



Isa lang masasabi ko sa statement ni KC na: "Hindi ko kayang ibigay ang gusto nya..."



ALAM NAH!!!!



Photobucket

Aray ko ha!

Photobucket


He called me nay...




Mangiyak ngiyak ako...




Nadurog yung puso ko...



Bakit pa kasi ako nagreact sa twit nya???




Sasaktan lang naman nya ako ulet...




Haaaaay... Di ko alam...


Photobucket

Just give me a chance...

Photobucket
yep... he broke my heart when he walked away...


Mangiyak ngiyak naman ako sa kantang ito ni Stevie Hoang. Humingi ako ng chance dati na patunayan na kaya ko syang ipaglaban. Basta sabihin nya lang na dun lang ako sa tabi nya. Babaguhin ko pagkatao ko para lang maging ok kami. Wow... Iba talaga gumawa ng kanta tong si Stevie Hoang!


Better Man
by Stevie Hoang

But I already said goodbye... There's no turning back!

Photobucket

Proud to be Engineer!!!

QUESTION...

Photobucket


PROUD TO BE AN ENGINEER!!!

At hindi lang basta isang engineer...

ISANG CHEMICAL ENGINEER!!! Yeahbah!

Photobucket

Symphony

Ay!!! Ang ganda ng Vid na ito ni Miku!!! sooooooooooooooo K-On-ish!!!


Symphony
by Hatsune Miku
Romaji lyrics English lyrics
nokotta noha gareki no umi to kizuato dake
migite ga kimi no netsu wo omoide shiteru
hitori bocchino boku to kimi ni sabi tsui ta koe de
naniwo hikikae nishitemo todoke taito omotta

karada ha ugoka nakute koe mo koku ku sabi teshimatte
kokoroha itami wo mashi te anshinshi tayo
kimi ni kiko eteiruno ? futashika de choushi hazure no
Symphony Symphony kyoumei no nagori wo

supottoraito ha haku akari wo mane te
boku wo kurayami ni tsure teiku
sono mae ni kaki kesa reru mae ni
douka utawo

karada wa ugoka nakute koe mo koku ku sabi teshimatte
kokoro wa itami wo mashi te anshinshi tayo
kimi ni kiko eteiruno ? niji noyouni kasanariatta
Symphony Symphony kyoumei no nagori wo tsumugo u
Only the vast sea knows of the scars I hold Buried deep within my soul
I remember how warm your hand use to be When it would stroke my cheek

If only I could hear your voice once more maybe I wouldn't feel all alone
But don't worry none could take your place In my heart you'll always stay

It's like can't even move own my feet I can feel my own voice painfully rusting
My heart is telling me I'm in agony and yet so I feel relieved..

Hey do you think you can hear me now? I can't hear you because your drowned out by the sound
Symphony Symphony Only the resonance remains now

The Spotlight starts too mimic a very dim light As if the day had turned too night
Before all of this, do you think for one last time that I could hear your song?

It's like can't even move own my feet I can feel my own voice painfully rusting
My heart is telling me I'm in agony and yet so I feel relieved

Hey do you think you can hear me now? A rainbow has overlapped your voice somehow
Symphony Symphony Only the spinning resonance remains now



yeahbah! May bago nanaman ako ng favorite Miku Song! hihi!!!



Photobucket

November 18, Happy Birthday

Nagising ako sa isang panaginip. Mabigat yung nararamdaman ko. Hindi ko akalain na mapapanaginipan ko sya ulet...

Bumaba ng jeep ang lalaking iyon. Blue polo shirt ang kanyang damit. May hawak syang plastic na may lamang box. Nakatingin lang sya. Nakangiti sya animo'y isang anghel. Ilang sandali pa naglakad na sya patungo sa aking direksyon.

Nakangiti ako nung binati ko sya. Pareho kaming nakangiti sa isa't isa. Nakatitig ako sa mala-anghel nyang mukha. Sabay kaming pumasok dun sa bahay sa panaginip. Pinaupo ko sya sa harap ng dining table. Inofferan ko sya ng kape at um-oo naman sya.

Matapos kong magtimpla ng kape, umupo ako sa upuan sa harap nya. Muli kaming nagkatitigan, nararamdamn ko ang pag lambot puso ko habang nakatingin sa anghel na iyon. Matagal kami sa ganung ayos. Walang imik. Animo'y nag-uusap sa tingin.

"Mahal naman kita eh, kinailangan ko lang mag-isip...", basag nya sa katahimikan. Sa puntong iyon, naramdaman kong tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung sa isip ko lang yun o talagang nangyari sya. Pero nawalang namutawi sa bibig ko kundi... "Tama na.. Tama na... Tama na.."

Nagising ako na punong puno ng emosyon ang puso at punong puno ng kanyang alaala ang isipan...



Birthday mo ngayon. Wala akong masabi kundi happy birthday sayo. Alam ko nagpromise ako sayo na magluluto ako ng creme puffs sa birthday mo. Hindi ko na yun magagawa dahil busy na ako sa pagiging ako.

Nagpapasalamat ako sayo, dahil ikaw yung naging daan para mabuksan yung isip ng kaibigan ko sa tunay na pagkatao nya. Pero hanggang dun nalang, dahil kahit na ikaw pa yung naging instrumento sa positibong bagay na yun, mas marami ka pa ring negatibong naidulot sa aming dalawa. Kaya...

Happy Birthday nalang!

-Whilhelmina Dyosa

Photobucket

Churibelles

Photobucket


Daming sorry sa inyo mga friends sa blogosphere! Busy ang Dyosang ito sa pagiging bisora! 12 hrs ba naman yung shift so bonggang bongga pagod talaga! Medyo bummed pa din ako sa pagkamatay ni Boss Ram, tapos yung pagkawala ni Jecko, soooo ayun, medyo nagtatry pako magrecover... Anyway, basta pag nakaluwag-luwag na, isasideline ko na ulet ang blogger life ko! O sya! Till next time!

-Whilhelmina Dyosa


Photobucket

Fighting alone again

Isa sa pinakadahilan kung baket kahit papano eh nakamove on ako sa nangyari samin ni Michael eh dahil sa isa kong anak. Let's call him Jeco, which stands for Junakis na Eco. Ekonomista kasi tong anak kong ito. And I think he is one of the few na talagang who really likes his chosen field.

Anyway, factor sya sa pag move on ko kasi dumepende ako sa kanya. Yun bang lahat ng feelings of longing sa puso ko, sa kanya ko binigay. Napili ko sya kasi pareho kami nang nararamdaman. Bawat pagtext nya sken ng nangyayari sa kanila nung gf nya, part of me nasasaktan din kasi I really emphatize sa kanya. Dahil ako mismo, naramdaman ko din yung nararamdaman nya, ganun din kasi ginawa saken ni Michael.

Everyday magkatext kami, kahit na hindi namin napag-uusapan na yung ex-gf nya. Natutuwa nga ako actually pag magkatext kami. This is the 1st time na nagtext saken ang anak ko na walang kailangan saken. Magtetext yan ng "Nay, papasok na po ako, ingat po kayo". "Nay, nakauwe nako, ingat po kayo sa pagpasok." Sa totoo lang, nakakataba ng puso. Kaya siguro I was more fond of him kesa sa iba kong anak. Nung uwian pa ako mula Manila-Cavite because of work, kahit anung pagod ko sa planta, basta alas singko na ng hapon, excited nako kasi alam ko makakatext ko na si Jeco. Nakakawala ng pagod habang nakaupo ako sa bus at katext ko sya. I was really looking forward yung travel time namin. Sya papunta sa work, ako pauwe, kasi alam ko magkakatext kami. Minsan nga, kung anu nalang mapag-usapan.

Siguro nasanay lang ako na katext ko sya lagi, kaya pag hindi sya nagtetext nalulungkot talaga ako. Hindi ko akalain na magiging ganun sya kaimportante saken. Siguro masyado lang akong naging attached sa kanya. May isang beses nga eh, out of the blue, inisip ko pano kung mawala na si Jeco bigla. The mere thought of it broke my heart. May pumiga sa puso ko dahilan kaya lumuha ako. Grabeh sa bus ako nag-eemote nun ah. Dahil hindi ko akalain na ganun na sya katimbang sa puso ko.

At ngayon, nagpaalam sya. Gusto nya muna daw mapag-isa. Naiintindihan ko naman sya sa gusto nya. Kaya lang, parang feeling ko mawawala na din sya. Feeling ko sa araw na lilipas na mawawala sya, mangungulila ako sa kanya. Nakasanayan ko na kasing andyan sya. At sa mga araw na wala sya, wala akong choice kundi turuan ulet yung sarili ko na wala akong masasandalan. Wala akong aasahan.

Sana pag okay na sya, at sasabihin nyang, Nay, okay na po ako!, sana masabi ko sa kanya na namiss ko sya. Sana magawa ko pa din syang ibalik sa special place nya sa puso ko. Sana pag bumalik na sya, I still care for him. Dahil ngayon palang sinisimulan ko nang mabuhay ulet ng wala sya. Sana hindi umabot sa time na wala na rin akong pakialam na bumalik sya.

Mahalaga sya talaga saken. This is the 1st time na umiyak ako dahil sa attachment ko sa isa sa mga anak ko. Pero wala na akong magagawa kasi yun ang kagustuhan nya. Sana nga makamove on na sya. Because I know he deserves to be happy.

Photobucket

Wilberchie's Board Exam Experience Part 1

Nainspire etong blog post na to dahil madaming nagtatanong saken ng tips and tricks sa Board exam. Gumaganito pa eh, feeling topnotcher eh hindi naman! whahahah! This blog post will cover everything from my preparation and on the exam days. Sana lang makatulong to sa mga magtetake ng exam.

Who is Wilberchie?
Well, bago tayo magstart, gusto ko muna ipakilala yung sarili ko. Para mas maintindihan nya yung mga scenario kung bakit ganun yung ginagaw or ginawa ko sa mga oras na yun.

Ehem... Ehem... Mic test... (hair flip) (tingin sa left) (tingin sa right),,, *pose*

MABUHAY!!! Watashi si Inhinyera Dyosa! Inhinyera na... Dyosa pa!!! One of the pride of UST ChE Batch 2010! Proud member of Sige-sige-bahala-na-bukas-bagsak-na-kung-bagsak-sa-quiz-basta-hindi-nandadaya-idodota-ko-nalang Boys Group (kaway kaway mga boys!). Proud member ng Dyosa Connection (Flying kisses kina Allan at Joey!). At isang dakilang leader-student (check mo yung right hand pane to know more) nung college.

As a student, super tamad akong mag-aral. Sinisipag lang ako either pag gusto ko yung subject or pag gusto ko yung professor. Kaya ganun nalang ako tamarin pag ayoko yung dalawa. Tapos medyo hindi masyadong in line sa engineering yung mga likes ko. Maraming nagsasabing dapat daw sa AB ako. Gusto ko kasi yung mga Law, Management, Literature, Public Speaking, at writing subjects. Screaming Legal Management daw dapat ako.Passion ko magturo. Naging volunteer teacher ako sa TP4 ng CSC for 5 years. Tinuturo ko ay High School Chem Physics Math and English subjects. Pero hindi matataas ang scores na nakukuha ko madalas. Iba kasi yung priority ko eh. I incurred three flailing subjects nung college ako. At hindi ko yun kinakahiya. Ang saya kaya nung mga retake ko sa mga yan, andami kong natutunan! Kaya with pride kaya kong sabihin na despite my dyosa exterior and low-grades, I have brain cells behind my eyes. Mukha lang hindi, pero with the people and the professors who know me well, I'm sure they know otherwise.

As a person, balde baldeng confidence ang baon ko araw araw. Siguro dahil laki akong Tondo, kaya hindi ako madaling maintimidate. Hindi ako madaling kabahan. I always keep my cool. Kaya mukha tuloy akong happy-go-lucky.

Tingin ko, mas makakarelate sa mga sasabihin ko yung mga taong katulad ko din. Yung hindi priority yung pag-aaral, yung mga nagkabagsak na pero hindi naman mahina, yung diehard student leaders, yung mga walang paki sa grades; in short, mga normal na estudyante. Kaya eto na simulan na natin.

The Passing Criteria
Para sken, apat lang ang factors na kailangan mong alalahanin para pumasa sa Board Exam.
- Confidence
- Preparedness
- Time
- Chamba

Confidence. Tingin ko ito ang pinakaimportanteng factor sa lahat. Pero ito rin yung pinakamahirap. Hindi kasi nabiibili ang Confidence. It is built. Dito na papasok yung karanasan na nakuha mo nung college. In my case, sabi ko nga, madami nakong confidence to begin with. Nakuha ko bilang student leader, teacher, at mentor sa mga bagong student leaders. Also, dahil sanay ako magenglish kaya lagi akong exuding with confidence. Ngayon, ang question nalang, pano kung wala ka pang confidence hanggang ngayon? Marami namang ways gawin yun. Yung iba kong batchmates nagdasal sa mga Saints. Yung iba nagreview center. Yung iba saksakan ng confident nagreview mag-isa (pero pasado! Hi Son!). Bahala na kayo kung pano nyo ibubuild yung confidence nyo.

Ang pinakaimportante dito ay wag kabahan sa exam. For example, nabasa mo yung question tapos wala kang idea kung pano yun sasagutin, pag kinabahan ka, patay ka. Later ishehsare ko yung technique sa pagsasagot. Also, wag mong ipilit sagutin kong hindi mo talaga alam yung sagot. Kung hindi mo sya nabasa o napag-aralan, kahit anung isip mo, wala kang maisasagot.

Preparedness. Dapat sa araw ng exam hindi ka puyat. Factor din kasi yung kung pano ka mag-iisip. Ako, dahil sanay na nagkakape sa umaga, ayun, mega kape. Nagiging "normal" ako pag nagkakape eh. Tapos... Kaya ako tumataba ng bongga, kasi ayokong mag-isip pag gutom. Kaya bago ako pumasok, nagheavy breakfast ako at may baon pa akong apat na sandwhich at double water bottle.

Syempre, dapat hindi lang physical, dapat pati mental. Relax lang dapat. Hindi na dapat nagcracram sa day of the exam. kung meron nashare sayo yung friend mo na hindi mo alam, wag kang mukhang tangang nagkakagulo. Be calm, paulit mo yung hindi mo alam tapos try to digest it. Kaya dapat maaga ka pag pumunta sa venue.

Time. Ang tinutukoy kong time eh yung time na binigay mo para mag-aral. Wala pa akong kilalang pumasa ng Board na walk in lang. Yung hindi nagbigay ng effort whatsoever. Pero I'm pertaining to quality time hindi quantity. Kahit basahin mo ng sampung beses yung libro kung hindi mo din naiintindihan wala ding kwenta ang pag-aaral mo. Face the fact na hindi naman word por word yung lalabas dun sa board exam. Kelangan lang alam mo yung theory and then masasagot mo na yun on your own.

Honestly nag-aral ako like two months. Nagwowork kasi ako before. Tapos nagpaka-MASSCOM muna ako. Ginawa ko lahat ng gusto kong gawin. Nagdodota ako, nagbloblog ako, hiniram ko yung PS2 ni Dadee (hi dee! hihihi!!!) at naglaro lang, nagmarathon ng Gossip Girl, Charmed, NCIS, etc. In short, tinapos ko lahat ng luho ko bago ako nagstart mag-aral para sa ganun, hindi ko na sila gawin pa at maging focus ako sa pag-aaral ko. Tapos habang gingawa ko yang mga yan, nagbabasa basa ako ng mga bagay bagay sa internet. Part yun ng aking daily blog-mail-walk routine (Ang ibig sabihin ng "walk" sa Techie language ay binabasa yung buong article sa isang blog/website).

Chamba. Kahit hindi ka mag-aral, kung magaling ka chumamba, papasa ka! Pero sa katulad kong malas sa ganyan, isheshare ko later yung technique parang tumaas yung chamba rate mo.

Strength and Weakness
Bago kayo magreview, alamin nyo muna kung anung strengths and weaknesses nyo. Wag nyo plastikin ang sarili nyo. Wag magpakabright bright kung alam mo naman hindi mo alam yun. Wala ka namang kalaban actually sa board exam kundi ang oras lang.

Sabi nga ng aking good friend na si Engr. Hesed Ramos:
Ang mga review topics pwede mong hatiin sa apat.
1) Yung mga alam na alam mo na at hindi mo na dapat reviewhin
2) Yung alam mo yung basic at kelangan mong pag-aralan yung advanced
3) Yung alam mong mahirap kaya dapat reviewhin
4) Yung mga additional info na baka lumabas sa exam

eto yung mga subjects na pumasok saken sa mga yan:
so sa (1), eto yung mga alam na alam mo na. Para saken yung pasok sa quadrant na ito ay Gen Engg subjects like Gen Chem 1, Physics, Calculus, Geom. Teacher nga kasi ako ng mga subjects na yan, kaya pak na pak na ako dyan. Stoich 1, Thermo 1, kasi fav subjects ko yan. Ethics and Law, strongest point ko yan, super! Engg Eco - hindi ako pumapasok sa subj na to dati eh, nagself-study lang ako. May technique nga ako sa pagsasagot dyan eh. Kaya alam na alam ko yung pagsasagot dito.

sa (2), Trigo, Stat - i hate stat, at hindi talaga kame friends ng trigo eh. Unit Ops 2 - kahit na fav subject ko to Unit ops pa din sya kaya kelangan pa din reviewhin. DE - alam nah! *wink*. Advanced Math - Advanced... yun palang dapat na reviewhin, pero parang Calculus na DE lang din. Organic Chem at Anal Chem - Dahil magagaling ang naging prof ko sa mga subjs na to, hindi ko na kinailangan pang magreview ng bongga. Alamin ang ibig sabihin ng aliquot. Yung katabi ko nung exam hindi alam kung anung ibig sabihin nun. Biochem - Mabilis ako magbasa kaya, mega basa lang. Phychem - mataas yung foundation ko nung hanggang solutions at Electrochem. Mech, SM - Gen engg pero kasali pa din sa exam. CPI - meron akong book nung kapatid ni Maam Bayquen, tungkol sa Food yung Book 1 at other industries yung Book 2! Andami kong natutunan dun grabeh!

sa (3), Unit Ops 1,3,4,Thermo 2, kinetics, Process Control, Design - kelangan ko pa ba iexplain to?

sa (4).. ay super dami nyan. Madami kasi akong binasa eh. Nuclear chem kasi daming radiation galing sa Japan nung time na yun. Nuclear Med pa yung sister in law ko kaya madami akong natanong.

My Secret Weapons
Meron akong tatlong secret weapons nung nag-exam ako. Ito yung tingin ko ay factor kaya nakapasa ako:
>>> Confidence - inuulit ko, mahalaga maging confident sa day ng exam.
>>> Reading Speed - My normal reading speed is two lines per second. Kaya nakakatipid ako sa oras. It buys me more time to solve.
>>> Multi-tasker - Habang nagbabasa, nag-iisip na din ako. Dala siguro na sanay akong maraming ginagawa kaya naging ganyan ako.

"There is no Straight path to the answer but there are many paths"
Mukhang quote noh? Pero ako lang gumawa nyan! whahahah!!! Lagi naman ganyan diba pag math? Remember, Engineering po tayo hindi tayo laging linear lang yung approach. Maraming approach ang isang problem, depende na sayo kung pano mo sya isosolve. Sige bigyan ko kayong example, I'm risking my license for this pero sige, this is a true experience.

Question: A 21-gon has how many diagonals?

Nung nabasa ko yung question, napamura ako sa isip ko... Oh sheeeeeeeeeeet!!! Wala akong maalalang may nabasa akong formula para dyan. Pero dahil nga hindi ako madaling maintinmidate, i still kept my cool.

Ang una kong ginawa, nitry kong idrawing yung 21-gon. *^%*%*&%*&%^ ang hirap!!! Hindi pa nga ata ako nakakita ng ganun ever!

Next approach. Nitry ko idrawing yung mga shapes na alam ko. so nagsimula sa quadrilateral, tapos pentagon, hanggang hexagon. Tapos nitable ko yung number of sides with corresponding diagonals
Number of sides Number of diagonals
4
5
6
2
5
9

Tapos na pansin ko na if you subract yung number of diagonals of the current shape to the next shape, may pattern nalumalabas. Dinagdag ko na din yung sa heptagon para sure ako.





Number of sides Number of diagonals Difference
4
5
6
7
2
5
9
14

5 - 2 = 3
9 - 5 = 4
14 - 9 = 5

Okay so napapansin ko na bawat dagdag ng isang side tumataas ng last added number of diagonals plus 1 yung sa susunod na shape. Ngayon, kelangan ko nalang gumawa ng relationship para maexpress ko sya in a formula. Eh napansin ko, yung numbe rof diagonals na nadadagdag each increment is simply number of sides minus 2. Kaya ni-express ko sya in this notation:

Number of diagonals = ∑ (s-2) from s=4 to s=21

where s is the number of sides of the polygon.

eto ang naging sagot:
Number of sides Number of diagonals
4
5
6
7
.
.
.
21
2
5
9
14
.
.
.
189

Pero hindi pako nakuntento. Hindi pa rin kasi ako sure eh. kaya nagtry pako ng isa pang approach. Bumalik ako sa plane geom ko. Anu ba ang definition ng isang diagonal? a line connecting two non-consecutive points of a polygon.

so sige we have a polygon with P points. pag sinabing non consecutive point hindi nya yun katabi so minus two points na. Eh hindi ko din syempre pwedeng isama yung point itself kaya minus three. So ibig sabihin a single point can have (P-3) non-consecutive point partners. Eh bawal na umulit yung line pag pinagpartner ko na sila. Kasi kung idrawdrawing ko per point yung diagonals. All in all, madraw drawing ko yung lahat ng diagonals ng dalawang beses. Kaya finally, naderive ko yung formula na to:

Number of Diagonals = P(P-3)/2

where P is the number of points of the polygon

Answer for P =21? 189 diagonals.

Ok, dalawa na yung nag-aagree... pero hindi pa din ako sure... ONE MORE!!! Ganyan ako kaadik! last question na kasi to eh... may mga 3 hrs pako to spare kasi.

Dun sa quadrilateral, napansin ko, yung lines formed dun ay simply the combinations of two points. Tapos yung outer shell are simply lines formed para mabuo yung polygon. Nakapagderive ako ulet ng isa pang formula:

Number of Diagonals = nC2 - n

where n = is the number of sides of the polygon
C is the combination symbol in the calculator

Answer sa n=21? 189 diagonals.

Moral of the story:
Maraming approach how to answer a problem. Basta tama yung analysis mo, sa tamang sagot pa din mapupunta yung calculations mo. Nasasayo na yun kung pano mo sya gagawan ng paraan. Sigurado naman ako, yung mga professors naman have done their job to prepare you for this. Kelangan mo lang maging kalma do at mag-analyze ng maayos para masagot mo yung problem.


----

to be continued kasi gutom nako! whahahahah!

-updated Aug 29, 2012. Read 2nd part here
Photobucket

From W to M

Papunta ako sa main office ng aking bagong company sa Pasay nung araw na yun para i-drop off yung medical clearances ko sa Cardio at Optha. Sumakay ako ng LRT mula sa Tayuman Station. Maswerte naman ako at nakaupo ako kagad nung pumasok ako ng train. Sa may left side ako nun ng train. Medyo maluwag yung train dahil walang nakaupo sa tabi ko. Nakikinig ako ng music galing sa cellphone ko nun. Iwas inip.

Dumating yung train sa Carriedo station. Maraming bumaba kaya konti nalang kami sa loob nung cart. Ako naman sige pa din sa pakikinig, may I lip sync pa! Mamayang konti pa nasa UN Avenue Station na kami. Tumugtog yung From Y to Y na kanta ni Hatsune Miku sa earphones ko. Sabay pasok ng isang matangkad, maputi, at payat na lalaki. Chinito. I like! Umupo sya sa kabilang side, dun mismo sa spot kung saan makaharap kami. Nung una hindi ko sya pinapansin, keber. Basta ako fav song ko yang kantang yan ni Miku. Sumasabay ako sa pagkanta. Nang sumulyap ako sa direction nya ulet. Kinilabutan ako…

Nakapikit sya habang nakalagay sa may bridge ng ilong nya yung fore at middle fingers nang kanang kamay nya. Sabay labas sa station nung train. Dahil nasa side nila yung araw, lumiwanag yung background nya. Naalala ko sya. Yung lalaking minahal ko ng sobra. Naalala ko yung mala-anghel na mukha nya nung lumiwanag. Yung napaka-peaceful at maamo nyang mukha habang nakapikit. Naalala ko si…

Michael…

Napapatitig talaga ako sa kanya. Siguro naramdaman nyang may nakatitig sa kanya, kaya dumilat sya. At nakita nya akong nakatitig sa kanya. Hindi talaga ko magaling sa titigan kaya ako na yung unang umiwa sng tingin. Nakakahiya din kasi sa kanya.

So natapos ang kantang From Y to Y, pumainlalang naman yung isa pang Hatsune Miku song na Saihate. Haru! Saihate is a song about goodbye to a loved one. Hindi ko alam kung chance lang na sya yung nasa isip ko nung mga oras na yun.

Tuloy pa din ang pagbagtas ng train papuntang Baclaran. Nagsing-along nalang ako sa Saihate habang pilit na iniiwasan na isipin pa yung nakita ko kanina. May nagtext saken kaya nilabas ko yung cellphone ko para basahin yung message. Yung Globe Rewards lang pala. Binalik ko nalang yung phone ko sa bag. Napatingin ako muli dun sa lalaking nakaharap ko. Kinilabutan ulet ako…

Since wala syang katabi, nakataas yung hita nya dun sa upuan. Dahilan kaya mukhang syang nakasideview. Nakatingin sya sa labas nung window habang nakatakip ng bibig nya ng kanang kamay nya na yung siko eh nakarest dun sa ledge nung window. Naalala ko ulet si Michael. Meron kasi syang picture na ganun. Hindi nga lang sideview. Alam na alam ko yung picture na yun kasi pinaprint ko pa yun.

Gil Puyat na. Isang station na lang bababa nako. Matatapos na ang wall of memories ko sa katauhan ni Chinitong matangkad, maputi, at payat. Nagsimula nang umandar ulet yung train. I tried to act normal nalang tutal pababa na rin naman ako. Pero yung sunod na ginawa ni Chinito may pinaalala nanaman saken.

Inayos nya yung buhok nya. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, inayos nya yung top back part ng ulo nya. Pinapagpag nya yun at sinusuklay ng daliri nya. May isang instance lang na ginawa yun ni Michael. Yun yung pauwi na kami matapos yung biglaang pagkikita namin. Dyos ko naman tong si Chinito guy, andaming pinapaalala!

Dumating na finally ng Libertad, huminga ako ng malalim bago tumayo. Huling pagkikita nanamin ito ni Chinito guy kaya nagbigay ako ng huling sulyap sa kanya. Nagtama ang aming mga mata at ako’y bumaba na ng train.

Pababa na ako ng station. Napatingin ako dun sa direksyon papuntang Cuneta Astrodome. Naalala ko lang yung ginawa kong yun. Yep. Sabi ko sa sarili ko. It is really time to let him go…

for good…



Hindi ko na alam kung pano pa kita kakausapin. Kaya katulad ng mga ginagawa ko sa mga bagay na hindi ko masasabi pa in person, dito ko nalang sasabihin.

Nakabangon nako.

Tanggap ko na, na hindi na magiging tayo kahit kailan. Tanggap ko na, na naging laruan mo lang ako. Tanggap ko na, mas masaya ka nang wala ako sa buhay mo. Tanggap ko na, na kaya hindi mo nagawang ipakita saken kung sino kong talaga dahil kasangkapan lang ako sa paghihiganti mo. Mission Accomplished kasi naparamdam mo na saken yung mga bagay na ginawa sayo ng kaibigan ko.

I have all the reasons in the world to hate you. And I know part of me really do. Pero dahil Mahal na mahal na mahal pa din kita, nagagawa pa din kitang makita in a different light. Pero kahit na mahal kita, hindi ko na kayang maging magkaibigan tayo. Things will just be more complicated eh. Basta dumaan lang tayo sa buhay ng isa’t isa. Nagpapasamalat ako na dumaan ka. Hanggang dun nalang talaga tayo.

Ni-attach ko tong kantang to nung huling message ko bago ka muling bumalik sa buhay ko. Hindi ko akalain na eto din ang kantang ko sayo para ngayon…



From Y to Y
original by Hatsune Miku
Romaji Lyrics English Lyrics
senaka o mukete kimi wa aruki dashita
kawasu kotoba mo nai mama
yureru kokoro no naka kodomo no youni sakenda
ikanai de ikanai de nee...

senaka o mukete boku wa aruki dashita
namida ochiru mae ni ikana kya
shiawase sugiru no wa kirai da to itsuwatta
tsuyogatte tebanashita risou no mirai
torimodosenu negai

sukoshi hiroku kanjiru kono semai wanruumu
kokoro no sukima o hirogeru youda
sukoshi nagaku kanjiru honno ippun ichibyou

kimi to sugosetara, to

negau koto sae yurusarenai sekai nanoka na
tatta hitotsu no uso de sae mo
kimi no namida o unde shimau
kazoe kirenai hodo no tsumi o kasanete kita
sono te ni fureta koto
kimi no tonari de sotto ikiyou to shita koto

ima o hitotsu hirou tabi kako o hitotsu suteru youna
yuugen no kioku to jikan no naka
soko ni isuwatta dake no boku no sonzai nado
kitto kimi no kioku kara kieru

mou nido to modorenai no?
koko wa hajimari ka, owari ka

hiroi beddo de nemuru yoru wa mada akenai
mata hitori de yume wo miru yo
kimi no kioku o tadoru yume wo
kazoe kirenai hodo no tsumi o kasanete kita
sono te ni fureta koto
kimi no tonari de sotto ikiyou to shita koto

kodoku no itami de tsugutau kara
kimi no kioku ni sotto isasete

kawaranai kimochi de mata deaetara iine
soshite te wo tsunagou
sono toki made
"mata ne"
You started walking, turning your back on me
without exchanged words
In my wavered mind, I cried out like a child
Don't go, don't go, say...

I started walking, turning my back on
I have to go before my tears drop
Pretending that I dislike myself being too happy,
I was bluffing, and let go of my ideal future
I can't get back my wish

My small one-room which I feel a little roomy
It seems to widening a crack of my mind
A moment of a minute or a second which I feel a little long

I stay with you even for

Am I in the world that is not allowed even to wish it?
Even one lie I told,
it's led to your tears
I've ever repeated sin so much that I can't count
One is I touched your hand
One is I tried to live gently next to you

In limited memories and time
like what pick one in a today up, and then let one in a past off
The existence of me who just stayed there
From your memory, it will be erased

Can we never turn back again?
Is this place the beginning or the end?

The night I'm sleeping in a large bed still isn't over
I will dream in lonely again
The dream that I trace your memory
I've ever repeated sin so much that I can't count
One is I touched your hand
One is I tried to live gently next to you

I'll atone by pain of lonely,
please you let me stay gently in your memory

I wish we meet up again in former mind
Then let's be hand in hand
Till it's that time,
"See you again"


Great Teacher Kel
Paalam na sayo… Sa lalaking pinakamamahal ko…




Photobucket

SIKLAB 2011

BURN IN THE PASSION TO SERVE!!!



Engr. John Wilbert N. de Guzman
Founding Legal Officer 2007
Legal Officer Emeritus 2008-2010

Samahan ng mga Inhinyerong Kumikilala sa LAkas ng Bawat isa

Photobucket

Today is Zomba Day!

Photobucket


Tanong: Maganda ba ang Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington?

Answer: Ping peping pang pung! Flat shoes na may takong! Plunging neckline with ruffles and beads! Evaporator na may brine solution! Basta! SUPER DUPER Churchill kaya manuod ka! GORA NAH!!!

Photobucket

High School of the Dead

So eto yung Zombie Holocaust anime na pinanuod ko recently. Ang title nya ay High School of the Dead! ayoko na magsabi ng masyadong spoiler. Pero ang masasabi ko, ang sarap kumaen habang nanunuod ng exaggerated Blood spatters at zombie bites! hihi!!! Medyo mature sya kaya hindi sya pambata, pero matutuwa ang male audience dahil sa opening sequence palang, puro Fan service nah.

Ang pinakanagustuhan ko sa anime na ito ay yung epilogue nung 1st episode! Palung palo ang script! Eto ang screencaps!

Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket


PAK!!!! Pak na pak ang linya! winner!

Photobucket

Nogizaka Maid Team

Isa sa minarathon ko sa laptop ko at paulit ulit ko pa din pinapanood ay yung anime na Nogizaka Haruka no Himitsu (Nogizaka Haruka’s Secret). Sa story kasi ang Nogizaka family ay saksakan ng yaman at uber sikat sa business world. So you know the drill, pag saksakan ng yaman malaki ang bahay at uber daming maids. May ranking system sa Nogizaka household, the best of the best nila ay yung mga heads na collectively known as Nogizaka Maid Team top 10. Eto sila

Photobucket

Rank No 1: Sakurazaka Hazuki
-Maid Team Leader
-Head Maid
-Personal bodyguard and aide of the eldest daughter Haruka
-Weapon of choice: Chainsaw
-Loves stuffed toys

Photobucket

Rank No 3: Nanashiro Nanami
-Maid Team Leader Assistant
-Personal bodyguard and aide of the youngest daughter Mika
-Drives like a F1 racer.
-Weapon of choice: Huge Meat Tenderizer

Photobucket

Rank No 4: Katsumoto Minamo
-Head of Maid Chamberlain
-Handles Finances, Law, and Public Relations
-Acts as Maid Leader Substitue in Hazuki’s absence or incapacity

Photobucket

Rank No 5: Yukinohara Maria
-Head of Medic Team
-Takes care of first aid and medical duties

Photobucket

Rank No 6: Nogikawa Koayu
-Cook Leader
-Head Chef of the Nogizaka Household

Photobucket

Rank No 7: Rokujou Ayame, Sara, Juri
-Chauffer for aerial and land travels
-Handles Airplane maintenance as well as land vehicles

Photobucket

Rank No 8: Rain Alistia
-specializes in VIP protection and sabotage
-Weapons: Metal Knuckles, Bat with nails, ship anchor
-Expert in hand to hand combat

Photobucket

Rank No 9: Munakata Rio
-Chemistry Department Manager

Photobucket

Rank No 10: Hinasaki Iwai
-Festivity Manager
-A real shrine maiden

Yep, you counted right, walang Rank No 2. At nung tinanong ni Yuuto (yung male protagonist) kung bakit walang No 2, eto ang naging reaction ng Maid Team:

Photobucket
Photobucket
Photobucket


Hanggang ngayon hindi pa narereveal yung totoong dahilan nyan. Intayin nalang natin sa mga susunod na seasons ng anime na itey!



Sa lahat ng Nogizaka Maids, feeling ko ako si Rank No 4. Her job is soooooooooooo secretarial! Wahahahaha! Although I consider myself as a leader, I always prefer to be a subordinate. But of course when the need arises, I can assume leadership. Katulad nya, na nag-aact as Maid Leader substitute when needed. Siguro kelangan ko lang mag-aral nung sa finances, kasi basic accounting lang ang alam ko eh! Pero sa law at public relations, it’s my job as assistant before sa Central Student Council.

Pwede din akong Rank No 9! Kasi Chemistry din naman yung background ko. Pero nagwowonder ako kung bakit may Chemistry department ang Nogizaka maids. Isang beses ko palang nakita yung sense nya nung nagbato ng bombs sina Hazuki at Nanami sa finale episode ng 2nd season, obvious na galing sa Chemistry department.

Kelan kaya ilalabas yung secret bout Rank No 2? Hihi!!! Kakaexcite!

Photobucket

Lafingfangfung day

Pag nalulungkot ako, impulse ko na talagang kumain. Ewan ko ba, bakit ganun ang epekto ng stress saken. Mas maganda yung kay dadee, nawawalan sya ng gana kumain pag stressed sya. Sana ako din! Para hindi ako hirap magpapayat. Chowz!

So anyway, wala akong inatupag kahapon kundi lumafang ng lumafang. Parang wala akong kabusugan. Grabeh, GLUTTONY to the highest level ang pag pig out ko… Eto ang mga nilantakan ko kahapon.

>>> ULAM – Fried Daing + 2 cups of rice
Dahil may lakad ako kahapon, kumain ako ng lunch earlier than usual. Magkikita kasi kami ng “mga lalake sa buhay ko” sa aming alma mater. Tapos, may event sana kami na pupuntahan ng mga “brothers of my life” after kaya I decided na kumain ng marami kasi medyo late na kami makakakain later.

>>> KFC – 1 pc Hot and Spicy Chicken + 1 rice + reg coke + Ceasar Salad lite
Unfortunately, hindi kami natuloy ng mga ”brothers of my life” sa event kasi si Manong ay nagkaron ng biglaang lakad, so sumama nalang ako sa ”mga lalaki ng buhay ko” kumain sa KFC sa may FEU.

Photobucket
Si Ateng na nakaviolet ay ChE Dyosa din. Dalawa lang yung dumating sa mga lalaki ng buhay ko eh. Si Albert at si Hesed lang (right and left).


Sayang hindi nanlibre si Albert! Cheapskate! Laki ng sweldo nyan eh! 10,000 pesos ang tax! Tax palang sweldo na nung iba naming classmates! Wahahahah!!!

>>> 2 sunny side up eggs + 1 cup rice
After namin maghiwalay ng mga kasama ko, naglakad lang ako pauwe. At pagkauwi ko, nagpahinga lang ako sandali at parang nagutom nanaman ako. So nagluto ako ng dalawang itlog sa aming outdoor kitchen. Hindi yan sosyal, nasa labas lang talaga ng bahay namin yung kalan. Medyo nairita pako habang nagluluto kasi yung non-stick pan ko, hindi na effective. Dumikit yung itlog eh.

>>> Binatog
Dahil bored ako dahil sa pagkakaabort nung supposed lakad namin, naglaro nalang ako ng Plants vs Zombies sa aking laptop. Kasagsagan ng paglalaro ko ng mini games ng bigla kong narinig ang pamilyar na tunog. “Tingtingtingtingting!” ay! Isa lang ang ibig sabihin nun, si Mang Binatog yun! Dumungaw ako sa bintana at sakto, nasa labas lang sya ng gate namin. “Kuya sandal lang ah!”, pagtawag ko kay Mang Binatog. Kumuha ako ng datungels sa wallet at dali daling bumaba at kumuha ng bowl para dun ipalagay yung binatog ko na worth 20 pesos.

Photobucket
Syempre with niyog and salt! The best! Ansarap!


>>> Bread pan
Nang magsawa ako sa paglalaro ng Plants vs Zombies. Napagdesisyunan kong manuod ng foreign indie film. Medyo marami ako nun dito sa laptop ko kaya hindi ko pa din napapanuod lahat. Napagdiskitahan ko panuorin yung entitled RUBBER. Leche! Hindi ko maappreciate, nabore ako, yung bida kasi gulong eh. Gulong na may psychokinesis. Ang weird diba? So tinigil ko nalang ang panunuod nun at nagbukas ng aking fav na Bread pan na gawa ng aking soon to be company.

>>> Chunky Peanut butter Sandwich + 1 cup coffee
Lumabas ako ng kwarto ko para makipagchikkahan sa parents ko sa labas. Habang chumichikka, nakita ko yung SKIPPY Peanut Butter! Haru! Paubos na! hindi man lang sumayad sa lalamunan ko yan. Ang salarin dyan si Pudak eh! Nung binuksan ko, mukha namang abot pa para sa isang sandwich. Pinatos ko na yung end loaf nung raisin bread. Mabuti nang meron kesa wala.

Photobucket
Inubos ko na talaga sya! Waahahah! My preferred peanut butter, chunky!


Infairness masarap sya! At lalo pang sumarap nung uminom ako ng hot strong and rich coffee kasi umuulan! This is the life! Wahahahha!

Baket ba kasi stressful ang pag-iisip? Haaaay!! Sarap tuloy kumaen…


Photobucket