So anyway, wala akong inatupag kahapon kundi lumafang ng lumafang. Parang wala akong kabusugan. Grabeh, GLUTTONY to the highest level ang pag pig out ko… Eto ang mga nilantakan ko kahapon.
>>> ULAM – Fried Daing + 2 cups of rice
Dahil may lakad ako kahapon, kumain ako ng lunch earlier than usual. Magkikita kasi kami ng “mga lalake sa buhay ko” sa aming alma mater. Tapos, may event sana kami na pupuntahan ng mga “brothers of my life” after kaya I decided na kumain ng marami kasi medyo late na kami makakakain later.
>>> KFC – 1 pc Hot and Spicy Chicken + 1 rice + reg coke + Ceasar Salad lite
Unfortunately, hindi kami natuloy ng mga ”brothers of my life” sa event kasi si Manong ay nagkaron ng biglaang lakad, so sumama nalang ako sa ”mga lalaki ng buhay ko” kumain sa KFC sa may FEU.
Si Ateng na nakaviolet ay ChE Dyosa din. Dalawa lang yung dumating sa mga lalaki ng buhay ko eh. Si Albert at si Hesed lang (right and left).
Sayang hindi nanlibre si Albert! Cheapskate! Laki ng sweldo nyan eh! 10,000 pesos ang tax! Tax palang sweldo na nung iba naming classmates! Wahahahah!!!
>>> 2 sunny side up eggs + 1 cup rice
After namin maghiwalay ng mga kasama ko, naglakad lang ako pauwe. At pagkauwi ko, nagpahinga lang ako sandali at parang nagutom nanaman ako. So nagluto ako ng dalawang itlog sa aming outdoor kitchen. Hindi yan sosyal, nasa labas lang talaga ng bahay namin yung kalan. Medyo nairita pako habang nagluluto kasi yung non-stick pan ko, hindi na effective. Dumikit yung itlog eh.
>>> Binatog
Dahil bored ako dahil sa pagkakaabort nung supposed lakad namin, naglaro nalang ako ng Plants vs Zombies sa aking laptop. Kasagsagan ng paglalaro ko ng mini games ng bigla kong narinig ang pamilyar na tunog. “Tingtingtingtingting!” ay! Isa lang ang ibig sabihin nun, si Mang Binatog yun! Dumungaw ako sa bintana at sakto, nasa labas lang sya ng gate namin. “Kuya sandal lang ah!”, pagtawag ko kay Mang Binatog. Kumuha ako ng datungels sa wallet at dali daling bumaba at kumuha ng bowl para dun ipalagay yung binatog ko na worth 20 pesos.
Syempre with niyog and salt! The best! Ansarap!
>>> Bread pan
Nang magsawa ako sa paglalaro ng Plants vs Zombies. Napagdesisyunan kong manuod ng foreign indie film. Medyo marami ako nun dito sa laptop ko kaya hindi ko pa din napapanuod lahat. Napagdiskitahan ko panuorin yung entitled RUBBER. Leche! Hindi ko maappreciate, nabore ako, yung bida kasi gulong eh. Gulong na may psychokinesis. Ang weird diba? So tinigil ko nalang ang panunuod nun at nagbukas ng aking fav na Bread pan na gawa ng aking soon to be company.
>>> Chunky Peanut butter Sandwich + 1 cup coffee
Lumabas ako ng kwarto ko para makipagchikkahan sa parents ko sa labas. Habang chumichikka, nakita ko yung SKIPPY Peanut Butter! Haru! Paubos na! hindi man lang sumayad sa lalamunan ko yan. Ang salarin dyan si Pudak eh! Nung binuksan ko, mukha namang abot pa para sa isang sandwich. Pinatos ko na yung end loaf nung raisin bread. Mabuti nang meron kesa wala.
Inubos ko na talaga sya! Waahahah! My preferred peanut butter, chunky!
Infairness masarap sya! At lalo pang sumarap nung uminom ako ng hot strong and rich coffee kasi umuulan! This is the life! Wahahahha!
Baket ba kasi stressful ang pag-iisip? Haaaay!! Sarap tuloy kumaen…
1 comments:
Haha..NamiSs kO yuNg mGa fOodtRip Days natiN.. sYang wLa n mSyaDo tiME pRa tuMambay akO.. ;)
Post a Comment