Hindi pa din ako makaget-over sa sinabi saken ng dati kong prof sa mga dreaded subjects Unit Ops 3 & 4 at Reaction Kinetics na si Dean Laurito nung umatend ako ng Testimonial ng mga batchmates ko na pumasa na sa ChE Board.
"Iba na itsura mo ah. Mag-aartista kaba? baka sa susunod na makita ka namin nasa TV kana?
Ako? Moi? Mag-aartista? ASA NAMAN!!! Ni sa hinagap hindi ko naimagine na magiging artista ako. Siguro kasi ngayon lang nya nakita na mahilig ako magkulay ng buhok. Tapos tahimik lang ako sa klase nya. Sa totoo lang, medyo nakakaloka kasi sa classroom eh. Kaya ako tahimik kasi ayokong matawag. Wahahahah!
Anyway, kung makikita man ako sa TV, kung hindi cooking show, gusto ko sana Science and Technology Magazine show. Parang yung Tomorrow Today ng DWTV sa Germany. Kasi wala tayong ganun. Wala nang Sineskwela, moreover, pambata pa yung show na yun. Yung show na naiisip ko yung para ishowhsowcase yung mga researches na ginagawa ng mga FIlipino researchers. Kasi namamangha tayo sa mga researches ng ibang bansa pero hindi natin alam na may exceptional researches din naman ng ginagawa dito sa bansa natin. Tapos magfeature ng mga Brilliant minds both young and experienced alike. Tapos iexplain pano ginagawa ang mga certain consumer products (driven by my profession of being a Chemical Engineer siguro). Pwede din kasi syang gamiting alternative educational material. Tapos iexplain yung mga scientific procedures na applicable sa atin ngayon. Example yung DNA processing, pano ba sya nagagamit as Forensic Evidence, anu ba yung ginagawa dun sa DNA at nalalaman kung sino ang may-ari nun. Yung ganun. Siguro kaya hindi sya naaccept sa court, because there is no ample information given to those people para iopen yung mind nila sa mga ganung technology. Actually surprised ako na hindi masyadong accepted ng courts natin dito sa Pilipinas yung DNA processing kahit pa may law na about this. I mean cmon. Hindi ba sila nanunuod ng CSI? Goodness!
Gusto ko sana bago ako mawala sa mundong ito, magawa ko to. Kaya kelangan mag-workhard para makabili ng Technical Stuffs like cams, cables, etc. O kaya kung merong producers dyan! OPEN AKO FOR TALKS! CHOS! Shocks! Kaya to! I swear gagawin ko talaga to!
0 comments:
Post a Comment