Dumating nako sa point na buhay ko na naubos na ang galit ko sa kaibigang putik ko na ito. Siguro dahil hindi ko na rin ito nilalagyan ng fuel. Napagod ako sa kakaisip. Siguro dahil marami na akong free time, nakakapagisip ako ng maayos. Pero inaamin ko, hindi ko pa rin sya magawang mapatawad. Ganun talaga siguro pag nasaktan ng lubos.
Never in my life na maiisip ko na mang-aagaw ako ng boyfriend nang iba. Kahit na on some point liberal ang pag-iisip ko, medyo conservative ako pagdating sa isyu ng relasyon ng iba. Tapos kaibigan ko pa. Kaya para akong sinaksak ng malalim nung nalaman ko na gusto ko daw agawin ang jowawiz nya.
I bled. For I long time, I bled. I bled in misery. Tumigil ang mundo ko sa pag-ikot. Nakalog ang utak ko. Then I stood up, I did my best to piece up the pieces ng sarili ko na kumalat habang nagmumukmok ako. Isa isa. Dahan dahan. Tapos nung nabuo ko ang sarili ko. Pinilit kong ngumiti. Tapos, nagsimula ng umikot ulet ang mundo ko. Kaya nung merong planong reconciliation ang mga kaibigan namin. Hindi na ako pumayag. Bukod pa dun yung fact na sya naman ang unang umayaw.
Pero ngayon iniisip ko, tama naman sila, sayang yung friendship. Maybe we are both at fault. Siguro dapat inintindi ko pa rin sya. Siguro hindi ako naging overprotective to both of them. Siguro I should have just let them grow on their own. I just hope na happy sila just like I am now.
FYI
Actually, lagi kong nakakalimutan yung name nung guy. wahahaha! wala tuloy akong masagap na update sa kanila! wahahahah!
0 comments:
Post a Comment